Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGKAKAKILANLANG KULTURAL

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa sumusunod na makasaysayang pook ang naiiba?

a)

Luneta Park

b)

Intramuros

c)

Simbahan ng Barasoain

d)

Manila Zoo

2.

Bakit mahalaga ang mga pagdiriwang o kapistahan sa iba't ibang lugar sa Pilipinas?

a)

Pinauunlad nito ang kulturang Pilipino

b)

Ipinakikita nito ang pgiging masayahin ng mga Pilipino

c)

Patunay ito na ang mga Pilipino ay palakaibigan

d)

Ipinagmamalaki ng mga Pilipino ang kanilang mabuting asal

3.

Dumalaw ang pamilya Reyes sa kanilang kamag-anak sa probinsya. Ipinaghanda sila ng mga masasarap na pagkain at ipinasyal sa mga magagandang pook sa kanilang lugar. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakikita rito?

a)

pagiging magalang

b)

magiliw sa pagtanggap ng bisita

c)

masayahin at palangiti

d)

pagtanaw ng utang na loob

4.

Alin sa mga sumusunod ang pagiging magalang na bata?

a)

Naghuhugas ng kamay si Bea bago kumain

b)

Nagpapaalam si Gail nang maayos bago umalis ng bahay

c)

Nagdidilig ng halaman si Rod tuwing hapon

d)

Tumutulong si Ana sa mga gawaing bahay

5.

Bakit nagpatayo ng bahay sa puno ang mga ninunong Pilipino?

a)

Upang may proteksiyon sila sa mga kaaway at mababangis na hayop

b)

Upang mas mahangin sa oras ng pamamahinga

c)

Upang mas madali silang makapitas ng bunga ng mga puno

d)

Upang mapangalagaan nila ang kanilang bahay

6.

Ano ang tawag sa pamahalaan noong unang panahon?

a)

Pamayanang kultural

b)

Umalahokan

c)

Barangay

d)

Babaylan

7.

Paano ipinakita ng mga sinaunang Pilipino na may kaalaman sila sa Agham?

a)

Marunong na silang magbilang at magtuos

b)

Marunong na silang mag-alaga ng hayop

c)

Magaling silang kumilala ng mga halamang gamot

d)

Magaling silang mangisda at magtanim

8.

Ano ang patunay na ang sinaunang Pilipino ay may kaalaman na sa pagmimina?

a)

Gumagamit na sila ng mga alahas mula sa ginto at tanso

b)

Marunong na silang makipagkalakalan

c)

Magaling sila sa paglalagay ng mga tattoo sa katawan

d)

Magaling sila sa paghahabi ng tela

9.

Ang kultura ay tumutukoy sa pagpapakasal ng mga Pilipino sa mga dayuhan

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Mahalaga ang pakikiisa ng bawat isa sa pag-unlad ng bansa

a)

TAMA

b)

MALI

11.

Ang materyal na kultura ay tumutukoy sa bahagi ng kultura na ating nahahawakan

a)

TAMA

b)

MALI

12.

Pare-pareho ang kultura ng mga pangkat-etniko sa bansa

a)

TAMA

b)

MALI

13.

Ang pagtangkilik sa produkto ng ibang bansa ay pagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

a)

TAMA

b)

MALI

14.

Nararapat tayong magpakita ng respeto sa lahat ng pangkat-etniko sa Pilipinas

a)

TAMA

b)

MALI

15.

Maaari tayong hindi makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika

a)

TAMA

b)

MALI