wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q2 4th Summative Test in Filipino

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Nakita mo ang isang batang naglalakad sa kalye at walang kasama. Ano ang iyong gagawin?

a)

Tatanungin ang pangngalan ng bata at kung taga saan siya.

b)

Hahayaan ang bata sa paglalakad

c)

Isusumbong sa Kapitan ng barangay

d)

Ihahatid sa kanyang mga magulang

2.

Nais mong makapasa sa pagsusulit. Ano ang gagawin mo?

a)

Hindi mag-aaral ng leksyon

b)

Manood na lamang ng palabas

c)

Mag-aaral palagi

d)

Mangongopya sa katabi

3.

Nakita mong may nagtapon ng basura sa sahig ng inyong silid-aralan. Ano ang gagawin mo bilang mag-aaral?

a)

Isusumbong sa titser.

b)

Pagsasabihan na pulutin ang kanyang basura.

c)

Hindi ko siya pagsasabihan.

d)

Hahayaan ko na lamang siya.

4.

Napansin mong umiiyak ang iyong kaklase dahil wala siyang baon. Ano ang gagawin mo?

a)

Bibigyan ko siya ng pagkain.

b)

Hahayaan ko siyang umiyak.

c)

Pagsasabihan ko siya na huwag mag-ingay.

d)

Bibigyan ko siya ng pera.

5.

Sa mga nagdaang bagyo, naranasan mong masira ang inyong bahay. Kung nababalita sa radyo ngayong umaga na may darating na bagyo, ano ang iyong mabuting gawin?

a)

Maghahanda nang mabuti.

b)

Hayaan ang mga magulang na sila ang maghanda.

c)

Hindi tutulong sa mga magulang.

d)

Magdadasal upang hindi matuloy ang bagyo.

6.

Ito ay nagpapahayag na may layuning pagbibigay impormasyon.

a)

pagsasalaysay

b)

kakalasan

c)

tagpuan

d)

pasalita at pasulat

7.

Lugar kung saan naganap ang kuwento na siyang lihim na saksi.

a)

suliranin

b)

kakalasan

c)

tagpuan

d)

oras, petsa at mga pangyayari

8.

Kung wala ito hindi kawili-wili ang isang kuwento

na walang problema o suliranin.

a)

simula

b)

kasukdulan

c)

wakas

d)

suliranin

9.

Ano ang gamit ng tauhan sa pagsasalaysay ng kwento?

a)

Lugar kung saan naganap ang kuwento na siyang G. wakas

lihim na saksi.

b)

Mga tao na nagbibigay-buhay sa kuwento.

c)

Pagmulan ng pagsasalaysay ng isang tao.

d)

Wala sa mga pagpipilian

10.

Dito matutuldukan ang lahat ng mga katanungan na bumabagabag sa isipan ng mga nakikinig

habang isinasagawa ang pagkukuwento.

a)

tagpuan

b)

banghay

c)

wakas

d)

suiliranin

11.

Bakit naisipan ng ama na ipagawa sa anak ang paglalagay ng mga pako sa pader?


(Ang kwento ay nasa instructions ng assignment na ito sa google classroom)

a)

Gusto niya itong parusahan.

b)

Gusto niya itong turuan ng leksiyon.

c)

Malapit nang masira ang kanilang pader.

d)

Upang malaman kung matibay ang pader.

12.

Ano ang nagagawa ng bata kapag nagagalit siya?


(Ang kwento ay nasa instructions ng assignment na ito sa google classroom)

a)

Nasisira niya ang kanilang bahay.

b)

Nakikipagsuntukan siya sa kaniyang mga kaklase.

c)

Hindi niya kinikibo ang kaniyang mga kaibigan at kaklase.

d)

Nakapagsasalita siya ng masasakit sa kaniyang mga kaibigan.

13.

Bakit nabawasan ang bilang ng pako na nadadagdag sa pader araw-araw?


(Ang kwento ay nasa instructions ng assignment na ito sa google classroom)

a)

Naubos na ang mga pako ng bata.

b)

Tinamad ang bata at hindi na sinunod ang utos ng kaniyang ama.

c)

Nahihirapan na ang bata sa pagpukpok ng pako sa pader.

d)

Natuklasan ng bata na mas madaling maging mahinahon kaysa magalit.

14.

Ano ang nangyari nang matanggal na ang lahat ng pako mula sa pader?


(Ang kwento ay nasa instructions ng assignment na ito sa google classroom)

a)

Muling naging makinis ang pader.

b)

Nagkaroon ng maliliit na butas ang pader.

c)

Pininturahan muli ang nabutas na pader.

d)

Gumuho ang pader at kinailangang ayusin muli.

15.

Ano kaya ang mangyayari kapag may nagawa ulit na mali ang kaibigan ng bata?


(Ang kwento ay nasa instructions ng assignment na ito sa google classroom)

a)

Pagagalitan niya ito at pagsasalitaan ng masasakit.

b)

Mahinahon niyang sasabihin kung bakit mali ang ginawa ng kaibigan.

c)

Maglalagay muli ang bata ng napakaraming pako sa kanilang pader sa bahay.

d)

Kakausapin niya nang masinsinan ang kaibigan para hindi siya gumawa ng pagkakamali.

16.

May humintong ambulansiya sa tapat ng bahay ni Gng. Teresita Mendoza. Maraming tao ang nang-usyuso sa mga pangyayari. Ano kaya ang nangyari kay Gng. Teresita Mendoza?

a)

Dadalhin sa hospital si Gng. Teresita Mendoza.

b)

Naubusan ng gasolina ang ambulansiya.

c)

Napahinto lamang ang ambulansiya.

d)

May inihatid lamang ang tsuper ng ambulansiya kay Gng. Teresita Mendoza?

17.

Maraming mag-aaral ang hihinto ngayong pasukan dahil sa covid-19 bakit kaya sila hihinto?

a)

ayaw na nilang mag-aral

b)

natatakot siya sa bagong guro

c)

walang perang pangtustos ang kanilang mga magulang

d)

dahil natatkot silang madapuan ng hindi nakikitang sakit na ito

18.

Kaarawan ni Steve ngayong araw subalit hindi man lamang naalala ng kaniyang mga magulang. Ano ang gagawin ni Steve?

a)

matutulog na lang siya

b)

hindi siya uuwi sa kanilang bahay

c)

magagalit siya sa kaniyang mga magulang

d)

hahayaan niya na lang dahil lilipas din ang araw na ito

19.

Nadulas si Alvin sa balat ng saging dahil hindi itinapon ng kaniyang kapatid sa basurahan. Ano kaya ang nangyari kay Alvin?

a)

gumanti sa kaniyang kapatid

b)

pinagalitan niya ang bunsong kapatid

c)

pinagsabihan niya ito na hindi na niya ito uulitin

d)

dapat pagalitan ng kanilang ina ang kaniyang kapatid

20.

Nanalo si Henry sa lotto ng sampung milyong piso. Ano ang gagawin nito sa sampung milyong piso na napalunan?

a)

ibibigay sa nanay niya

b)

ipamimigay lahat sa mahihirap

c)

idedeposito sa bangko upang lumago ito

d)

gagastuhin lahat ang kaniyang napanalunan