wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Aspekto ng Pandiwa

Total questions: 37

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

1. Minamasdan ni Lola ang mga apo niyang ________________sa bakuran.

a)

naglaro

b)

naglalaro

c)

maglalaro

2.

Humingi ng meryenda si Allan kaya____________________________ ko siya ng turon.

a)

binigyan

b)

binibigyan

c)

bibigyan

3.

Ikaw ba ang_________________________ ng larawang ito? Napakaganda ng gawa mo!

a)

gumuhit

b)

gumuguhit

c)

guguhit

4.

______________________ ngayon si Nanay sa silid dahil sumasakit ang ulo niya.

a)

Nagpahinga

b)

Nagpapahinga

c)

Magpapahinga

5.

Ang tatay mo ay______________________ bukas nang alas otso.

a)

tumawag

b)

tumatawag

c)

tatawag

6.

Pinulot ni Sam ang mga manggang__________________sa ilalim ng puno

a)

nahulog

b)

nahuhulog

c)

mahuhulog

7.

Magsisimba ako mamaya._________________ ba kayo sa akin?

a)

Sumama

b)

Sumasama

c)

Sasama

8.

________________________pa ang sanggol kaya huwag kayong maingay.

a)

Natulog

b)

Natutulog

c)

Matutulog

9.

(, , ) na ang sine. Hindi natin nakita ang umpisa nito.

a)

Nagsimula

b)

Nagsisimula

c)

Magsisimula

10.

Si Tatay ang nagluluto dahil______________________pa si Nanay.

a)

naglaba

b)

naglalaba

c)

maglalaba

11.

May adobong manok at pritong manok kami. Ano ang ____________________mo?

a)

pinili

b)

pinipili

c)

pipiliin

12.

Kanina ko pa hinahanap ang susi ko.________________________mo ba?

a)

Nakita

b)

Nakikita

c)

Makikita

13.

Maghanda na kayo at____________________natin ang unang kabanata.

a)

binasa

b)

binabasa

c)

babasahin

14.

Hindi na po kami gutom dahil ___________________ na po kami ng almusal.

a)

kumain

b)

kumakain

c)

kakain

15.

Naririnig mo ba ang taong ________________________sa entablado?

a)

nagsalita

b)

nagsasalita

c)

magsasalita

16.

Ano ang___________________ natin sa darating na Buwan ng Wika?

a)

inawit

b)

inaawit

c)

aawitin

17.

____________________________ ng masarap na tsampurado si Lola Ester kahapon.

a)

Nagluto

b)

Nagluluto

c)

Magluluto

18.

Nauunawan mo ba ang __________________ ko sa iyo?

a)

sinabi

b)

sinasabi

c)

sasabihin

19.

________________________ako nang mabuti mamayang gabi para sa pagsusulit.

a)

Nag-aral

b)

Nag-aaral

c)

Mag-aaral

20.

_________________________po kami sa lahat nang nanood ng programa namin. Sana po ay nasiyahan kayo.

a)

Nagpasalamat

b)

Nagpapasalamat

c)

Magpapasalamat

21.

_______pa lamang ako bukas. Dahil maulan ngayon.

a)

Kakalaba

b)

Maglalaba

c)

Naglaba

d)

Naglalaba

22.

Si Simeonne ay kumakanta sa harapan ng maraming tao.

a)

Perpektibo

b)

Imperperktibo

c)

Kontemplatibo

23.

Si Rusell ay tatakbo bilang presidente sa ating paaralan.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

24.

Kami ay nag-aral ng maaga para sa mahabang pagsusulit sa Filipino.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

25.

Pupunta tayo ngayon sa Folk Arts.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

26.

Pumasok si Candice sa paaralan kahapon.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

27.

Kakain ako ng maraming pagkain ngayon sa Mang Inasal.

a)

Perpektibo

b)

Imperperktibo

c)

Kontemplatibo

28.

Maliligo ang pamilya ni Augustina ngayong Linggo sa dagat.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

29.

_____________ ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga magsasaka noong nakaraang buwan.

a)

Nagbigay

b)

Nagbibigay

c)

Magbibigay

30.

Palaging _____________ ang mga magsasaka na gumamit ng organikong pataba sa kanilang mga pananim.

a)

hinihikayat

b)

hinikayat

c)

manghihikayat

31.

___________ ang mga palayan dahil sa nagdaang mataas na pagbaha kahapon.

a)

Lulubog

b)

Lumulubog

c)

Lumubog

32.

Si Yniego ay __________ ng bahay kahapon.

a)

naglinis

b)

naglilinis

c)

maglilinis

33.

__________ kami sa Robinsons Valencia sa susunod na linggo.

a)

Pumunta

b)

Pumupunta

c)

Pupunta

34.

Punan ng wastong pandiwa.

_________ ako ng almusal araw-araw.

a)

Kumain

b)

Kumakain

c)

Kakain

35.

__________ si Jose ng maaga araw-araw.

a)

Gumising

b)

Gumigising

c)

Gigising

36.

Sila ay __________ sa playground kahapon.

a)

naglaro

b)

naglalaro

c)

maglalaro

37.

Kakakanta lang niya kanina.

a)

Perpektibong katatapos

b)

Imperpektibo

c)

Kontemplatibo

d)

Lahat ng na banggit ay tama