wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikatlong Markahan - Maikling Pagsusulit Blg. 1

Total questions: 15

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Mabilis na magbasa ang anak ni Aling Marites kahit ito ay limang taong gulang ngunit kapag tinatanong ito tungkol sa kanyang binasa ay hindi niya ito masagot. Anong proseso ng pagbabasa ang sitwasyon na nabanggit?

a)

A. Integrasyon

b)

B. Komprehensyon

c)

C. Persepsyon

d)

D. Reaksyon

2.

Hindi lubos maunawaan ni Kath ang kanyang binabasa dahil istruktura at ang kabuuan ng isang wika. Anong suliranin sa pagbasa ang sitwasyon na nabanggit?

a)

A. Malabong mata

b)

B. Kakulangan sa kaalamang panglingguwistiko

c)

C. Kakulangan sa kaalamang sa pagsusuri at pag-unawa sa bagong salita

d)

D. Lahat ng nabanggit

3.

Ilang uri ng tekstong Impormatibo ang mayroon?

a)

A. Dalawa

b)

B. Tatlo

c)

C. Apat

d)

D. Lima

4.

Ang paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi ng teksto ay tinatawag na _______.

a)

A. Organizational ladder

b)

B. Pangunahing Ideya

c)

C. Pantulong na kaisipan

d)

D. Organizational Marker

5.

Tinatawag din itong “inside – out” o “conceptually – driven” dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto.

a)

A. Teoryang Bottom - Up

b)

B. Teoryang Iskima

c)

C. Teoryang Interaktibo

d)

D. Teoryang Top - Down

6.

Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag – uugnay at paggamit ng mambabasa sa kanyang dati at bagong karanasan sa tunay na buhay.

a)

A. Aplikasyon

b)

B. Integrasyon

c)

C. Komprehensyon

d)

D. Persepsyon

7.

Sa hakbang na ito, bilang mambabasa binibigyan mo ng pasya kung makatotoohanan ba o makabulahan ang iyong binabasa.

a)

A. Reaksyon

b)

B. Persepsyon

c)

C. Komprehensyon

d)

D. Asimilasyon

8.

Nagbabasa ng balita si Cafe. Makikita sa hawak niyang pahayagan ang balitang ito: “Alamin: Pinaluwag na Isolation Protocol sa OFW simula Pebrero 1”.

a)

A. Paglalahad ng Totoong Pangyayari / Pangkasaysayan

b)

B. Pag-uulat Pang-impormasyon

c)

C. Pangunahing Ideya

d)

D. Pagpapaliwanag

9.

Gumamit ng Flow chart na may kasamang paliwanag si Mon para maipakita niya ang daloy ng aktibidad na gagawin nila sa kanilang programa.

a)

A. Paglalahad ng Totoong Pangyayari / Pangkasaysayan

b)

B. Pag-uulat Pang-impormasyon

c)

C. Pangunahing Ideya

d)

D. Pagpapaliwanag

10.

Ayon sa kanya, ang Pagbasa ay ang pag-uugnay ng dating kaalaman sa teksto ang naghuhudyat sa pagbuo ng konsepto, kasanayan at kaisipan.

a)

A. Coady

b)

B. Goodman

c)

C. William

d)

D. Gray

11.

Mahalaga ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na kaisipan o detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.

a)

Tama

b)

Mali

12.

Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa nobela, maikling kuwento at epiko.

a)

Tama

b)

Mali

13.

Ang komprehensyon ay tumutukoy sa mga nakasulat na letra at salita na ginamit sa akda.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Sa Teoryang Iskema ay mahalaga ang ginagampanan ng dating kaalaman sa mga bagong tekstong binabasa.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Ang uri ng tekstong impormatibo na pagpapaliwanag ay naglalahad ng mga mahahalagang kaalaman tungkol sa tao, hayop, bagay, pook at pangyayari.

a)

Tama

b)

Mali