wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Kaantasan ng Pang-uri (Pagsasanay)

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Piliin ang pang-uring may naiibang kaantasan.

a)

Matatag ang bansang Alemanya.

b)

Matamis ang sorbetes na binili ni ate.

c)

Mas mura ang bilihin sa palengke.

2.

Piliin ang pang-uring may naiibang kaantasan.

a)

Napakagaling ng kanyang kaklase.

b)

Higit na masarap ang litson kaysa sa adobo.

c)

Saksakan ng talino ang anak ni Marites.

3.

Piliin ang pang-uring may naiibang kaantasan.

a)

Parehong madaling sayawin ang line dance at swing.

b)

Masayang sayawin ang swing.

c)

Madaling sundan ang line dance.

4.

Piliin ang pang-uring may naiibang kaantasan.

a)

Mas nakakapagod matulog kaysa kumain.

b)

Di masyadong mabilis ang baka ng gaya ng kabayo.

c)

Malusog ang aking bunsong kapatid.

5.

Piliin ang pang-uring may naiibang kaantasan.

a)

Ang pulang rosas ay pinitas ng binata mula sa hardin .

b)

Napakasipag ng bagong kasambahay.

c)

Hinati niya ang tsokolate sa dalawa.

6.

Tukuyin kung lantay, pahambing o pasukdol ang pang-uring ginamit sa pangungusap.

Mas malinis ang silid ni Emy kaysa kay Pery.

(a)  

7.

Tukuyin kung lantay, pahambing o pasukdol ang pang-uring ginamit sa pangungusap.

Ang mga bata ay magagalang sa matatanda.

(a)  

8.

Tukuyin kung lantay, pahambing o pasukdol ang pang-uring ginamit sa pangungusap.

Singtangkad ni Mario ang kanyang tatay,

(a)  

9.

Tukuyin kung lantay, pahambing o pasukdol ang pang-uring ginamit sa pangungusap.

Si Eren ang pinakamalakas sa lahat.

(a)  

10.

Tukuyin kung lantay, pahambing o pasukdol ang pang-uring ginamit sa pangungusap.

Di gaanong malaki ang bunga ng mangga ngayon kaysa noon.

(a)  

11.

Piliin ang pang-uring bubuo sa pangungusap.

Parang _______ ang presyo ng karne kaysa sa bigas.

a)

Mahal

b)

Mas mahal

c)

Pinakamahal

12.

Piliin ang pang-uring bubuo sa pangungusap.

Maingat niyang hinalo ang _______ na kalderong puno ng lugaw.

a)

Mainit

b)

Mas mainit

c)

Pinakamainit

13.

Piliin ang pang-uring bubuo sa pangungusap.

Para sa kanya, si Zhongli ang _______ sa lahat.

a)

Makisig

b)

Di gaaning makisig

c)

Ubod ng kakisigan

14.

Kilalanin ang kaantasn ng pang-uri.

Si nanay at tatay ay parehong mahal ng mga anak.

a)

Lantay

b)

Pahambing na pasahol/palamang

c)

Pahambing na patulad

d)

Pasukdol

15.

Kilalanin ang kaantasn ng pang-uri.

Mas malakas ang boses ni nanay kaysa kay tatay.

a)

Lantay

b)

Pahambing na pasahol/palamang

c)

Pahambing na patulad

d)

Pasukdol