wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q2 Edukasyon sa Pagpapakatao 1 TEST

Total questions: 30

Worksheet time: 8hrs 30mins

Name
Class
Date
1.

Nagpaalam si Mira na maglalaro. Pinayagan siya ng

          kanyang tatay ngunit may itinakdang oras. Ano ang

          dapat niyang gawin?

a)

A.  Umuwi sa takdang oras.

b)

B. Hindi papansinin ang bilin ng tatay.

c)

C. Maglaro hanggang sa oras na gustuhin at hihingi na lamang ng paumanhin sa tatay.

2.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang

          nagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa pamilya?

a)

A. Si Kara na mahinahon at gumagamit ng “po” sa pakikipag-usap sa mas nakatatanda sa kaniya.

b)

B. Si Megan na hindi sinasagot ang tanong ng kanyang kuya.

c)

C. Si Dino na galit at pasigaw na nagtatanong sa kanyang lola.

3.

Bilang anak, paano mo maipakikita ang pagmamahal

         sa iyong pamilya?

a)

A. Susunod ako nang maayos sa mga nakatatanda.

b)

B. Magdadabog ako kapag ako ay inuutusan ng aking

  mga magulang.

c)

C. Hahayaan ko ang aking mga kapatid na gawin ang

         mga itinakdang gawaing bahay sa akin.

4.

Bakit kailangang mahalin at igalang mo ang iyong

         magulang?

a)

A. Upang maging masaya ang magulang ko.

b)

B. Upang maging matalino ako sa klase.

c)

C. Upang maging masaya at maayos ang buhay ko.

5.

Ano ang mangyayari sa isang pamilyang 

         nagmamahalan at may paggalang sa isa’t isa?

a)

A. Magiging  masaya                  

b)

B. Magiging magulo.

c)

C. Magiging  malungkot

6.

Wala kayong kasambahay kaya ang tita at tito mo

         ang kasama mo sa bahay. Ano ang dapat mong

         gawin upang hindi sila mahirapan sa mga gawaing

         bahay habang wala ang iyong magulang?

a)

A.   Babantayan ko sila.

b)

B. Tutulungan ko sila sa mga gawain.

c)

C.   Pababayaan ko silang gumawa ng mga gawain.

7.

Alin sa mga sumusunod ang tamang pakikitungo natin

          sa mga kasambahay?     

a)

A. Dapat natin silang utusan nang utusan.

b)

B. Dapat nating ipaubaya sa kanila ang lahat ng mga gawaing bahay.

c)

C. Dapat natin silang igalang, mahalin at tulungan sa mga gawaing bahay.

8.

Papasok na sa trabaho ang iyong nanay. Pinagbilinan

         ang inyong kuya na turuan kang magbasa. Susunod

         ka ba sa inyong kapatid?

a)

A. Hindi po, dahil kapatid ko lang siya.

b)

B. Opo, upang matuto akong magbasa.

c)

C. Siguro, dahil pinagbilinan siya ng aking ina.

9.

Nakita mo ang isang bata na nadapa at nasaktan sa

         gilid ng daan. Ano ang dapat mong gawin?

a)

A. Pagsasabihan ang bata.

b)

B. Huwag pansinin ang bata.

c)

C. Tutulungang tumayo ang bata.

10.

Sa panahon ng COVID 19 lockdown, marami ang nawalan ng trabaho at nagutom. Paano ka

          makakatulong sa kapitbahay mong walang makain?

a)

A. Hindi ko sila papansinin.

b)

B. Sasabihin ko sa kanila na wala rin kaming pagkain.

c)

C. Sasabihin ko ito sa aking magulang upang mabigyan sila sa abot ng aming makakaya.

11.

Umiiyak ang iyong kapatid. Nakita mong may ginagawa pa ang iyong ina. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

A.   Lalaruin ko ang aking kapatid.

b)

B.   Hahayaan ko siyang umiyak.

c)

C.   Sisigawan ko na tumahan na siya.

12.

Nasunugan ang kaklase mo. Bilang isang bata,

           paano mo siya matutulungan?

a)

A.     Bibigyan ko sila ng pera.

b)

B.  Magbibigay ako ng mga luma kong damit na

  maaari pang magamit.

c)

C. Hihingi ako sa kapitbahay namin ng mga pagkain para may maibigay ako sa kanila.

13.

Nawalan ng trabaho ang iyong tatay dahil sa pandemya at ang iyong nanay lamang ang

        nagtatrabaho. Kaya tamang tama lamang ang inyong pagkain. Ikaw ang nahuli sa mesa sa hapunan  at wala pa ang iyong nanay pero gustong gusto mo ang ulam.

        Ano ang dapat mong gawin?

a)

A. Uubusin ko ang ulam.

b)

B. Titirahan ko ng ulam ang nanay ko.

c)

 C. Itatago ko ang ulam para may ulam pa ako

        kinabukasan.

14.

May takdang aralin ka na dapat mong sagutan

         ngunit hindi mo alam kung paano. Wala pa 

        ang iyong nanay. Sino ang dapat mong hingan ng

        tulong?

a)

 A. Bunso                 

b)

B. Ate              

c)

C. Kapitbahay

15.

Nakita mong maraming dala ang iyong guro. Ano

        ang maaari mong gawin?

a)

A. Hindi ko siya papansinin.

b)

B. Hindi ko siya tutulungan dahil nahihiya ako.

c)

C. Kukunin ko ang iba niyang dala para matulungan ko siya. 

16.

Dumating ang lolo at lola ni John sa kanilang bahay.

            Ano ang unang dapat gawin ni John?

a)

A.   Pauupuin sila.

b)

B.   Pagkukuwentuhin sila.                

c)

C.   Magmamano sa kanila. 

17.

Kagigising mo lang isang umaga at nakita mong

             kumakain ang iyong nanay at tatay. Ano ang dapat mong sabihin sa kanila?

a)

A.   Kamusta na kayo?

b)

B.   Magandang umaga sa inyo.

c)

C.   Magandang umaga po sa inyo. 

18.

Sumasagot pa sa tanong ng guro ang iyong kaklase.

           Ano ang dapat mong gawin habang siya ay

           nagsasalita?         

a)

A. Hindi ko siya papansinin.          

b)

B.   Makikinig ako sa aking kaklase.               

c)

C.   Tatayo at sasagot din ako dahil alam ko ang sagot.

19.

Nasa hapag kainan ang iyong pamilya habang

         kumakain ng tanghalian. Malayo sa iyo ang kanin.

         Ano ang maaari mong sabihin sa iyong kapamilya?

a)

A. Pakiabot nga ng kanin.

b)

 B. Hoy! Paabot ng kanin.

c)

 C. Maaari po bang pakiabot ng kanin?   

20.

Gusto mong maglaro kasama ang mga kaibigan mo

           sa palaruan. Paano ka magpapaalam sa iyong

           nanay?

a)

A.    Nanay, sasama ako sa mga kaibigan ko?

b)

B.   Nanay, aalis na ‘ko. Pupunta ako sa palaruan.

c)

C.    Nanay, maaari po ba akong sumama sa mga kaibigan ko?

21.

Sina Thea at Don ay nakatanggap ng regalo

           mula sa kanilang  ninang. Ano ang dapat nilang

           sabihin?

a)

A.   Salamat Ninang.

b)

B.   Salamat, sa susunod po ulit.

c)

C.   Maraming salamat po, Ninang.

22.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang     

            nagpapakita ng  hindi magandang pagsasamahan

            ng pamilya?

a)

            A. Magulang na nag-aaway araw-araw.

b)

            B. Nagtutulungan ang buong pamilya.

c)

            C. Sabay sabay na kumakain sa hapag kainan.

23.

Ano ang dapat taglayin ng isang tao kahit saan siya

           pumunta?

a)

             A. Katalinuhan

b)

B. Kayabangan

c)

C. Mabuting pag-uugali

24.

Bakit kailangang maging magalang ang mga bata

           na katulad mo sa nakatatanda?

a)

A.   Upang ako ay katuwaan ng mga tao.

b)

B.   Upang ako ay kainggitan ng mga kaklase ko.

c)

C.   Upang ako ay laging pupurihin ng mga magulang ko.

25.

Ano ang dapat na ginagawa ng isang batang

           matapat?

a)

A. Sumusunod sa utos.

b)

B. Tumutulong sa kapwa.

c)

C. Nagsasabi nang totoo.

26.

Aksidenteng nasira mo ang paboritong laruan ng

            kuya mo. Ano ang gagawin mo?

a)

A.  Itatago ko ang nasirang laruan.

b)

B.  Sasabihin ko ang totoong nangyari.

c)

C. Hindi ko aaminin ang totoo kapag nagtanong si Kuya

27.

Gabi na nang umuwi ng bahay ang magkapatid na

           Tina at Mina dahil nakipaglaro sa mga kaibigan. Ano

           ang dapat nilang sabihin sa kanilang Nanay

           pagdating sa bahay?

a)

A.   Dapat nilang sabihin ang totoo.

b)

B.   Hindi nila sasabihin sa nanay dahil pagagalitan sila.

c)

C.   Hindi nila aaminin ang totoo kapag nagtanong ang kanyang Nanay.

28.

Nabangga ni Lito ang kaniyang kaklase. Nadapa ito

           at nasugatan kaya sinabihan siya ng kaniyang guro

           na papuntahin sa paaralan ang kaniyang magulang.

           Ano ang dapat gawin ni Lito pagdating sa bahay?

a)

A.   Dapat niyang sabihin ang totoong nangyari.

b)

B.   Wala siyang sasabihin sa magulang dahil sasabihin naman ng guro.

c)

C.   Sasabihin niya sa magulang na hindi siya ang nakabangga.

29.

Sumasagot ka ng iyong modyul kasama ang iyong

            nanay. Sabi  ng iyong guro ay dapat bata ang

            sasagot sa modyul. Ngunit pagod ka na sa

            pagsagot.   

a)

     A. Hindi ko na tatapusin.

b)

B. Ipapatapos ko na lang sa Nanay ko.

c)

C. Magpapahinga muna ako at tatapusin ko ang

pagsagot sa modyul.

30.

Nagpaalam si Mat sa kaniyang nanay na gagamit

           ng laptop para gumawa ng mga gawain na

           pinapagawa ng guro ngunit naglalaro lang siya.

           Tama ba ang ginawa ni Mat?

a)

A. Tama lang naman ang ginawa ni Mat.

b)

B. Hindi naman makikita ng kaniyang magulang kaya okey lamang ito.

c)

C. Hindi tama ang ginawa ni Mat dahil iba ang kaniyang paalam.