NEW
Font size
WorksheetsAssessment in ESP2 (Q2)
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
1. Madilim na kaya nagmamadali kang umuwi nang masalubong mo ang iyong guro?
A. Aalis na po ako.
B. Kumusta po kayo?
C. Magandang gabi po.
2. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging magiliw at palakaibigan?
A. Tinulungan ni Jona ang batang nadapa.
B. Kinausap agad ni Alden ang bago nilang kaklase na si Florence.
C. Ipinagtapat ni Yuni ang totoong nangyari sa palaruan sa nanay ng kaniyang kaibigan.
3. Tapos na ang inyong klase at lalabas na ng silid-aralan ang guro. Ano ang sasabihin mo?
A. Paumanhin po.
B. Magandang tanghali po.
C. Paalam na po, mahal naming guro.
4. Papasok ka na ng silid-aralan nang nakita mo ang iyong guro. Napansin mong marami siyang dala. Ano ang dapat mong gawin?
A. Magkukunwaring hindi nakita ang guro.
B. Babatiin ko siya at didiretso na sa pagpasok sa silid-aralan.
C. Babatiin ko ang aking guro at tutulungan ko siya na dalhin ang iba niyang gamit.
5. Bagong lipat ang iyong kapitbahay na si Rocky. Nakita niyang ikaw ay sumasayaw. Tumigil siya sa tapat ng inyong bintana at pinanood ka. Ano ang gagawin mo?
A. Paaalisin ko siya.
B. Isasara ko kaagad ang bintana
C. Lalapitan ko siya at yayayain kong sumayaw.
6. Kinumusta ka ng kaibigan ng iyong nanay nang minsang magkita kayo sa daan. Ano ang sasabihin mo sa kanya?
A. Paalam na po.
B. Mabuti naman po.
C. Mag-iingat po kayo.
7. May isang grupo ng mga bata na iniwan lamang ang pinagbalutan ng kanilang pagkain sa kantina. Ano ang iyong gagawin?
A. Hahayaan na lamang ang tagalinis ang magliligpit ng mga kalat.
B. Gagayahin ko ang kanilang ginawa dahil wala naman nakakakita.
C. Tatawagin ko ang mga bata at pagsasabihan na ayusin nila ang kanilang kalat at itapon sa tamang basurahan
8. Dumating ang iyong Tiyo Ramil na nanggaling pa ng Visayas. Ngunit wala ang iyong ama sa bahay. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayan ko siyang maghintay sa labas
B. Magalang ko siyang patutuluyin sa loob ng bahay.
C. Hindi ko siya patutuluyin sa loob ng bahay at sasabihing bumalik na lamang sa ibang araw.
9. Naglalaro kayo nang maitulak mo ang iyong kalaro nang hindi sinasadya. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hihingi ako ng paumanhin
B. Sasabihin kong kasama iyon sa laro.
C. Hindi ako aamin na ako ang nakatulak sa kanya.
10. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa pamayanang iyong kinabibilangan?
A. Nais kong maging maganda ang lahat ng lugar sa aming pamayanan.
B. Makikiisa ako sa mga programa at proyekto ng aming pamayanan.
C. Hindi pa kailangang sumunod sa tuntunin at patakaran ang mga batang tulad ko.
11. Nakasakay kayo sa dyip ng iyong ate. May sasakay na isang lalaking nakasaklay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Panonoorin ko lamang siya.
B. Sasabihin ko sa katapat kong pasahero na umurong para makaupo ang lalaking pilay.
C. Sasabihin ko sa ate ko na umurong na lang kami upang makaupo ang lalaking pilay.
12. Paano ka makatutulong na maging maayos ang inyong pamayanan?
A. Igalang ang mga opisyal sa pamayanan.
B. Itapon ang mga kalat sa kung saan-saan.
C. Sumunod sa mga patakarang ipinatutupad.
13. Maitim at kulot na kulot ang buhok ng bago ninyong kamag-aral. Nasa isang tabi lamang siya habang masaya kayong naglalaro ng iyong mga kaibigan. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Huwag na lamang siyang pansinin.
B. Iwasan siya dahil naiiba ang kaniyang hitsura.
C. Ipakilala sa mga kaibigan at yayain sa paglalaro.
14. Gustong-gusto mo ng sumagot sa tanong ng iyong guro subalit hindi pa tapos sa pagsasalita ang iyong kaklase. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasagot na kahit hindi pa tapos ang kaklase.
B. Hihintayin kong matapos sumagot ang aking kaklase.
C. Tataas ng kamay upang mapansin ng guro ang kagustuhan mong sumagot sa kanyang tanong.
15. Maaga kang nakauwi ng bahay. Nakita mong abala ang iyong nanay sa paglalaba. Pagpasok mo ng kusina, nakita mong maraming hugasin. Ano ang gagawin mo?
A. Hihintayin kong utusan ako ng nanay.
B. Kusa kong huhugasan ang mga hugasin.
C. Papasok ako ng aking kwarto at matutulog
16. May madungis na lalaki ang lumapit sa inyo at nanghihingi ng pagkain. Anong pakikitungo ang iyong gagawin?
A. Magmamadaling aalis upang iwasan siya.
B. Aabutan siya ng tulong sa abot ng iyong kakayahan.
C. Paalisin siya at pagsasabihan na sa iba na lamang manghingi.
17. Nanonood ng programa sa telebisyon ang iyong kapatid. Gusto mo ring mapanood ang paborito mong palabas. Ano ang gagawin mo?
A. Kaagad na ililipat sa gusto mong panoorin.
B. Magpaalam sa kapatid bago ilipat sa iyong panonoorin.
C. Sabihan ang kapatid na ikaw naman ang manonood dahil kanina pa naman siya nanonood.
18. Ano ang pinakatamang pahayag tungkol sa pagmamalasakit sa kapwa?
A. Dapat na pinipili ang mga taong pagmamalasakitan.
B. Ang pagmamalasakit ay dapat na ipakita lamang sa pamilya.
C. Ang pagmamalasakit ay pag-iisip at paggawa ng mabuti sa kapwa.
19. Nahihirapan sa kanyang leksiyon ang nakababata mong kapatid. Wala ang inyong magulang para turuan siya. Ano ang maari mong gawin?
A. Sisikapin kong matulungan siya sa kanyang aralin.
B. Hihintayin na lamang namin ang aming magulang.
C. Tatawag ako ng kapitbahay para tulungan siya sa pag-aaral.
20. Marami ka ng maliliit pero maaayos pang mga damit. Nanghihingi ang inyong paaralan para ibigay sa mga nasalanta ng bagyo. Ano ang dapat mong gawin?
A. Iaayos ko ang mga damit upang dalhin sa aming paaralan.
B. Hihingi ako sa aming kapitbahay upang may maibigay ako.
C. Hindi ko ibibigay ang mga maliliit kong damit dahil mahalaga ito sa akin.
21. Nais makipagkaibigan ni Jan kay Julio na anak ng bago nilang kapitbahay. Ano ang dapat gawin ni Jan?
A. Inggitin si Julio habang nakikipaglaro sa kaniyang mga kaibigan.
B. Hintayin na lamang na makipag-usap sa kaniya si Julio.
C. Magpapakilala si Jan kay Julio
22. Malungkot ang kaibigan ni Cedrick. Alin ang hindi tamang paraan ng pagpapakita ng pag-unawa sa kaniyang kaibigan?
A. Itanong ang kaniyang nararamdaman.
B. Iwasang kausapin ang kaniyang kaibigan.
C. Kausapin at makinig sa kaniyang kaibigan.
23. Gusto mong pagkatiwalaan ka ng iyong kapatid dahil gusto mo hiramin ang kaniyang bag. Ano ang iyong gagawin upang ipakita na pinahahalagahan mo ang kaniyang tiwala?
A. Gamitin ang bag kahit hindi niya alam at isauli na lang agad.
B. Itanong sa kapatid kung maari mong gamitin ang bag niya.
C. Sabihin sa inyong nanay na gagamitin mo ang bag.
24. Ano ang pinakatamang dahilan kung bakit dapat igalang ang ating kapwa?
A. Dahil ang bawat tao ay mahalaga.
B. Dahil ang ating kapwa ay umaasang igagalang nila.
C. Dahil ito ang nakasanayan.
25. Ano ang pinakatamang pahayag tungkol sa pagmamalasakit sa kapwa?
A. Ang pagmamalasakit ay dapat na ipakita lamang sa pamilya.
B. Ang pagmamalasakit ay pag-iisip sa ikabubuti at nararamdaman ng kapwa.
C. Dapat na pinipili ang mga taong pinagmamalasakitan.
26. Nadapa ang kaibigan mong si Red kaya nilapitan mo siya upang
A. tulungan
B. pagalitan
C. pagtawanan
27. Ang batang matulungin saan man makarating ay
sinungaling
pagpapalain
mamalasin
28. Alin sa mga sumusunod ang dapat gamitin sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda?
A. ha
B. ho
C. po at opo
29. Kapag ako ay bumibili ng pagkain sa aming kantina ang bayad ko ay aking
A. inihahagis sa tindera
B. iniaabot nang maayos
C. ipinadadampot sa tindera sa ilalim ng mesa
30. Kung may bagong tao sa aming lugar, siya ay
A. kinatatakutan kong kausapin.
B. tinataguan ko at di kinakausap.
C. magiliw kong kinakausap na may pag-iingat.
