Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

REVIEW QUIZ (Ikalawang Markahan)

Total questions: 50

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.

Paano mo matutulungan ang isang pulubi na mapaunlad ang kanyang dignidad bilang tao?

a)

Palagin siyang bigyan ng pera at pagkain araw-araw

b)

Lapitan siya ta kausapin araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili

c)

Tulungan siyang hanapon ang pamilya niya upang may mag-aruga sa kanya

d)

Humanap ng isang institusyon na kumalinga at magbigay ng disenteng buhay sa kanya

2.

Paano mapapanatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?

a)

Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang makatanggap din ng paggalang ng kapwa

b)

Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal

c)

Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-sapat sa pagkilala

d)

Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian kundi sa karangalan bilang tao

3.

Nakita mong tinutukso ng iyong kamag-aral ang iyong kaklase na walang kibo, ano ang marapat mong gawin?

a)

Hayaan lamang siya

b)

Makisali sa panunukso

c)

Sawayin at sabihin sa guro ang pangyayari

d)

Manahimik na lamang

4.

Nalaman ni Jingjing na ang matalik nyang kaibigan ay iba ang relihiyon sa paniniwala nya, ano ang nararapat mong gawin?

a)

Aawayin ko siya

b)

Hindi na makikipagkaibigan

c)

Igagalang ko ang kaniyang pananampalataya

d)

Ipipilit ko ang aking paniniwala

5.

Ang iyong kamag-aral ay may kapansanan sa paglalakad, ano ang nararapt mong gawin?

a)

Respetuhin siya

b)

Hayaan siya

c)

Paglaruan siya

d)

Pagtawanan siya

6.

Si Nelya ay nakilahok sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kaniyang pinagtatrabahuhan. Nangyari ito dahil sa hindi makataong pagtrato ng may-ari ng kompanya sa lahat ng mga empleyado. Dahil dito, siya at ang ilan pang mga kasama na itinuturing na pinuno ng mga manggagawa ay hinuli at ikinulong. Sa sitwasyong ito, nawala ang kanyang ____________________.

a)

Panlabas na kalayaan

b)

Panloob na kalayaan

c)

Dignidad bilang tao

d)

Karapatang pantao

7.

Ang mga sumusunod ay palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:

a)

Nakahandang harapin ang anomang kahinatnan ng mga pagpapasiya

b)

Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at panlahat

c)

Naibabatay ang kilos sa kakahinatnan nito

d)

Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral

8.

Tinutukso ka ng iyong kamag-aral dahil kulot ang iyong buhok, ano tamang gagawin mo?

a)

Gaganti

b)

Mananakit

c)

Hindi pansinin

d)

Magsumbong sa guro

9.

Lumaki si Len-len sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip, nakikita niyang marami ang pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa tukso na gumawa ng masama. Dahil dito madalas siyang sumasangguni sa maraming mga mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng konsensya ang inilalapat ni Len-len?

a)

Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsensya sa pagkilala ng mabuti at masama

b)

Isabuhay ang mga moral na alituntunin

c)

Ipagpaliban ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam

d)

Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya

10.

Ang pagbebenta ng pirated na CD ay malaki ang maitutulong sa mga tao dahil mas nakakatipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng tao ay ito na ang hinahanap sa kasalukuyan kung kaya lumalaki ang negosyo na ito at marami ang natutulunagn. Ang sitwasyon na ito ay nagpapatunay na:

a)

May mga pagkakataon na ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o tulong nito sa tao

b)

Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala kung ang layunin ay mabuti

c)

Ang isang bagay na mali ay maaaring maging tama kung ito ay nakatutulong sa mas nakararami

d)

May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa nito.

11.

Sobra ang sukli na natanggap ni Kimmy nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Kimmy?

a)

Mabuting konsensya

b)

Tamang konsensya

c)

Maling konsensya

d)

Purong konsensya

12.

Bakit ang paghahanap at pag-iisip ng katotohanan ay hindi natatapos?

a)

Dahil lahat ng tao ay gusting makaalam ng katotohanan

b)

Dahil ang isip ng tao ay may limitasyon at hindi perpekto

c)

Dahil laging kasinungalingan ang nalalaman ng tao

d)

Dahil mahirap malaman ang katotohanan

13.

Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?

a)

Sa pamamagian ng pagsangguni sa taong nakakaalam at puno ng karanasan

b)

Sa pamamagitan ng pagdaan sa proseso ng pag-iisip at pamimili

c)

Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob.

d)

Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng control sa sarili o disiplina.

14.

Paano higit na maipapakita ang katalinuhan ng isang tao?

a)

Sa dami ng kaalaman at taas ng pinag-aralan

b)

Sa dami ng medalya at natanggap na tropeyo

c)

Sa paggamit ng kaalaman sa pagpapaunlad ng pagkatao

d)

Sa dami ng naimbentong kasangkapan

15.

Nahuli ng kanyang guro si Tinay na nagpapakopya sa kaniyang kaklase sa oras ng lagumang pagsusulit. Nagawa niya ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay sinisisi ni Tinay ang kaklase at ito raw ang nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan niya sa pagkakataong ito?

a)

Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito sa sarili.

b)

Ang pagtulong sa iba ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa na akuin ang pagkakamali.

c)

Walang anumang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa sarili.

d)

Lahat ng nabanggit.

16.

Ang bawat tao ay may dignidad anuman ang kanyang kalagayang panlipunan, lahi at edukasyon kaya dapat na siya ay:

a)

Huwag kilalanin ang karapatan

b)

Pagtukoy sa antas ng pagpapahalaga

c)

Pabayaan at huwag pansinin ang ginagawa

d)

Igalang ang pagkatao at dignidad

17.

Paano ang paraan ng pakikitungo sa kapwa na hindi nakapag-aral?

a)

Umiwas sa kanila

b)

Huwag makisama sa kanila

c)

Bigyan sila ng panahong makapag-aral bago makisalamuha sa kanila

d)

Pakitunguhan ng maayos bilang kapwa

18.

Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?

a)

Upang matuto tayong magpakumbaba at pagpa-ubaya

b)

Upang mabigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento at kakayahan

c)

Upang maunawaan ng tao na kailangan niya ang kaniyang kapwa dahil sa kanila natin matatanggap ang ating mga pangngangailangang material at ispiritwal

d)

Upang matuto tayong magbigay

19.

“Ang lahat ng tao ay may dignidad.” Ang pahayag ay:

a)

Mali, dahil ang dignidad ay depende sa tao

b)

Mali, dahil hindi lahat ay nagpapakatao

c)

Tama, dahil ito ay likas na ibinigay ng Diyos

d)

Tama, dahil ang tao ay ginagalang

20.

Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?

a)

Negosyanteng nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan sa empleyadong tumanda na

b)

Pilantropong laging handing magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan

c)

Politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan

d)

Wala sa nabanggit

21.

Alin sa mga sumusunod ang gawaing nagpapakita ng pagkakaroon ng dignidad?

a)

Pakikisangkot sa maling gawain

b)

Pantay na pakikitungo sa kapwa

c)

Paghingi ng pera kapalit ng pagtulong

d)

Pagsisinungaling upang pagtakpan ang kamalian

22.

Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na tio ay nangangahulugang:

a)

Magiging malaya lamang ang tao kung ang kanyang ginawa ay kabutihan

b)

Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas moral

c)

Hindi ganap na malaya ang tao, hindi siya maaaring mamili batay lamang sa kanyang nais

d)

Lahat ng nabanggit

23.

“Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng kabutihan.” Ang pangungusap ay:

a)

Mali, dahil magkakaroon lamang ng kabutihan ang kalayann kung malayang magagawa ng tao ang mabuti at masama

b)

Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng tao

c)

Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaaasahang ito ay gagamitin sa paggawa ng naaayon sa kabutihan

d)

Tama, dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang kabutihan

24.

Bakit mahalagang hayaan ng isang magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at magpasya para sa kanyang sarili?

a)

Ito ang magbibigay sa kanila ng karanasang maari nilang gamiting gabay sa mga isasagawang pagpapasiya sa hinaharap

b)

Ito ang magtuturo sa kanila na sumunod mula sa pag-unawa at pagmamahal hindi sa pamimilit

c)

Maiiwasan ang pagrerebelde dahil sa labis na pagnanais na magabayan ang anak patungo sa tamang landas

d)

Maaaring magdulot ng sakit dahil sa pagkakamali ngunit ditto sila natututo ng mahalagang aral

25.

Hindi lahat ng ating nais gawin ay maaari nating magawa dahil:

a)

May mga gawaing hindi tama o mabuti

b)

Kulang tayo sa pera

c)

May mga taong kulang sa kaalaman

d)

May limitasyon ang ating kalayaan

26.

25. Nahuli si Kristel ng kanilang guro na nagpapakopya ng sagot sa pagsusulit. Nang kinausap siya ng inyong guro ay sinisi nya ang isa ninyo pang kamg-aral. Tama ba ang ginawa ni Kristel?

a)

Tama, dahil mapilit ang iyong kamag-aral.

b)

Tama, dahil napilitan ka lamang sa iyong ginawa.

c)

Mali, dahil walang anomang pwersa sa labas ang maaaringmagtakda ng kilos para sa iyo

d)

Mali, dahil nagpadala ka sa pangungulit ng lamag-aral mo.

27.

Dahil sa taglay mong husay sa pagguhit at pagpipinta, marami sa iyong kamag-aral ang nais na magpatulong sa iyo sa mga gawaing itinakda ng inyong guro, ano ang marapat na gawin mo?

a)

Buong pusong magturo at ibahagi ang iyong teknik sa pagpipinta

b)

Palagin taguan ang mga kamag-aral lalo kung mag gawaing itinakda ang guro

c)

Magpa-photocopy ng mga gawaing likha mo at ibigay sa kanila

d)

Magpabayad sa mga nais magpatulong sa iyo

28.

Kapag ako ay may nagawang kasalanan dapat ko itong:

a)

Balewalain

b)

Iyakan

c)

Ilihim sa iba

d)

Pagnilayan at pagsisihan

29.

“Lahat ng tao ay may konsensya.” Ang pahayag ay:

a)

Mali, dahil may mga taong gumagaw ng masama

b)

Mali, dahil iba iba ang tao

c)

Tama, dahil ito ay bahagi ng ispiritwal na kalikasan ng tao

d)

Tama, dahil lahat ng tao ay may konsensya

30.

Niyaya ka ng iyong mga kaibigan na manigarilyo. Ano ang iyong iisipin at gagawin?

a)

Pampalipas ng oras din ito kaya sasama ako sa kanila sa paninigarilyo

b)

Baka ako ay magkasakit kaya di ako sasama

c)

Minsan lamang sila magyaya kaya sasama na ako

d)

Ayokong magalit sila sa akin kaya sasama na ako sa paninigarilyo

31.

Si Ligaya ay mahusay sumayaw kaya madalas na siya ay yayain ng barkada sa mga paligsahan. Isang araw siya ay sinundo ng kanyang mga kaibigan upang mag-ensayo para sa isang paligsahan ng pagsayaw. Ngunit hindi siya pinayagn ng kanyang mga magulang dahil napapadalas na ang kaniyang pag-alis sa bahay. Kung ikaw si Ligaya, ano ang iyong gagawin?

a)

Magalit sa mga kaibigan dahil sinundo ka na naroon ang iyong mga magulang

b)

Takasan ang magulang upang sumama sa mga kaibigan

c)

Pakiusapan ang magulang at magalit sa kanila kapag hindi pa rin pumayag

d)

Igaling at sundin ang nais ng magulang

32.

Sinasabing kawangis ng Diyos ang tao na Kaniyang nilikha, ito ay dahil:

a)

Sa kakayahan ng tao na makaalam at magpasya nang malaya

b)

Kayang gawin ng tao anuman ang naisin niya

c)

May kapangyarihan din ang tao tulad ng Maykapal

d)

Dahil sa konsensya na taglay ng tao

33.

Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:

a)

Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan

b)

Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama

c)

Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin

d)

Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip

34.

Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:

a)

Tama, dahil lahat ng ito ay nilikhang may buhay ng Diyos.

b)

Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang magulang

c)

Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay , maging malusog at makaramdam

d)

Tama, dahil katulad ng tao ay nangangailangan din silang alagaan upang lumaki, kumilos at dumami

35.

May iniinom kang juice, nang maubos ito, wala kang makitang basurahan kaya’t sabi ng kaibigan mo ay itapon na lang ito sa iyong dinadaanan. Ano ang iisipin at gagawin mo?

a)

May mga naglilinis naman ng daanan kaya itatapon ko na lang ito ditto.

b)

Maling magtapon sa daan ngunit wala naman akong mapagpipiliian kaya itatapon ko na lang din.

c)

Maling magtapon ng basura sa daanan kaya’t ilalagay ko na lamang ito sa aking bag.

d)

Tamang sa daan ko na lamang ito itapo dahil baka mabasa pa ang aking bag kung ditto ko ilalagay.

36.

Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?

a)

Sa tingin ng tao at lipunan

b)

Sa pagmamahal ng kanilang pamilya

c)

Sa kanilang dignidad bilang tao

d)

Sa pagdating sa huling yugto ng kanyang buhay

37.

Hanggang kailan dapat igalang at pahalagahan ang dignidad ng tao?

a)

Habang nabubuhay

b)

Habang nakapagtatrabaho

c)

Habang may kayamanan

d)

Habang nasa kapangyarihan

38.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kawalan ng pagpapahalaga sa dignidad ng tao.

a)

Paggalang sa sarili at sa kapwa

b)

Paghingi ng pera kapalit ng pagtulong

c)

Pantay na pagtingin sa kapwa

d)

Pakikipagkapwa anuman ang katayuan sa buhay

39.

Ito ay nangangahulugan ng pagiging karapat-dapat ng tao sa paggalang at pagpapahalaga mula sa kaniyang kapwa.

a)

Dignidad

b)

Hilig

c)

Kalayaan

d)

Konsensya

40.

Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng _____________.

a)

Kabutihan

b)

Katotohanan

c)

Kahalagahan

d)

Kagalingan

41.

Ang kalayaan ng tao ay palaging may kakambal na ______________.

a)

Kalayaan

b)

Katalinuhan

c)

Pagpapahalaga

d)

Pananagutan

42.

Ang pagkakaroon ng pagkakataon ng tao ng makapili nang mabuti para sa sarili at sa kapwa ay paggamit ng ___________.

a)

Kalayaan

b)

Katalinuhan

c)

Pagpapahalaga

d)

Pananagutan

43.

Ito ay katangian ng Likas na Batas Moral na kung saan ang batas ay umiiral at mananatiling iiral.

a)

Eternal

b)

Immutable

c)

Obhetibo

d)

Unibersal

44.

Ito ang uri ng konsensya na kung saan nahuhusgahan ang tama bilang tama at mali bilang mali.

a)

Eternal

b)

Mali

c)

Obhetibo

d)

Tama

45.

Ang tao ay biniyayaan ng kakayahan na kumilala ng mabuti o masama. Ang kakayahang ito ay tinatawag na ___________.

a)

Dignidad

b)

Hilig

c)

Kalayaan

d)

Konsensya

46.

Ano ang tunguhin ng isip?

a)

kabutihan

b)

kapayapaan

c)

kaalaman

d)

katotohanan

47.

Ito ang kakayanan ng tao na pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili.

a)

isip

b)

kaalaman

c)

kilos-loob

d)

konsensya

48.

Ito ang sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa at pagsasalita.

a)

isip

b)

kamay

c)

puso

d)

ulo

49.

Alin sa mga sangkap ng tao ang may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay?

a)

isip

b)

kamay

c)

puso

d)

ulo

50.

Alin sa mga sangkap ng tao ang may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay?

a)

isip

b)

kamay

c)

puso

d)

ulo