NEW
Font size
WorksheetsAssessment in AP
Total questions: 30
Worksheet time: 1hrs 7mins
Alin sa mga sumusunod ang pinagmulan ng ngalan ng Marikina?
Mula sa isang babae na ang tawag ay Maria Cuina
Mula sa salitang Marikit-na.
Lahat ng nabanggit ay tama.
Ayon sa kuwento ng mga nakakatanda, ang pang-apat na pinagmulan ng
pangalang Marikina ay mula sa bayan ng Espanya.
Tama
Mali
Marahil
Unang tawag sa bayan ng Marikina noong 1787.
Marikit Na
Maria Cuina
wala sa nabanggit
Kung Noon ay pakikinig sa radyo ang libangan ng mga mamamayan sa
Marikina, ano ang pagbabagong naganap ngayon?
Marami na ang libangan tulad ng telebisyon, computer at cellphone.
Hanapbuhay pa rin ang kanilang libangan.
Wala pa ring pagbabago.
Noon pagtatanim ang hanapbuhay ng mga taga Marikina, ngayon ay _____.
naglalako
pangingisda
paggawa ng sapatos, pagtitinda at pag-oopisina
Noon nagbabangka ang mga tao upang makatawid sa Ilog ng Marikina, ngunit
ngayon ay mayroon nang _____.
kalsada
tulay
traysikel
Kung dati ang ilog ay labahan pa ng mga tao, ngayon ay isa na itong magandang _______.
naging kalsada
naging sentro ng komunidad
pasyalan
Ang kapatagan noon ng Marikina ay taniman ng palay ngayon ay _________.
pasyalan na
naging sentro ng komunidad
palaisdaan
Ang mga sinag ng araw na makikita sa simbolo o seal ng Marikina ay
tumutukoy sa_________.
industriya ng Marikina.
bilang ng barangay sa lungsod ng Marikina
lokasyon ng Marikina
Anong taon naging lungsod ang Bayan ng Marikina?
1996
1630
1787
Alin sa mga sumusunod ang kumakatawan sa hanapbuhay ng
lungsod?
sulo
Gulong o Gear
hulma ng sapatos
Ang dalawang bundok ay sumasagisag sa ______ .
pagiging matayog ang pangarap ng Marikenyo.
istruktura ng ating komunidad
Bundok ng Cordillera at Sierra Madre
Makikita ito sa simbolo o seal ng Marikina. isinasagisag nito ang pagiging
mapagpakumbaba, kaayusan at kahinahunan ng mga tao sa Marikina.
gulong o gear
pagsikat ng araw
kawayan
Alin sa mga sumusunod ang karaniwang hanapbuhay ng Marikeño?
sapatero
mangingisda
magsasaka
Alin kaya sa mga sumusunod ang pagkaing nagmula sa Marikina?
giniling
suman
everlasting
Maliban sa suman ay dinarayo rin sa Lungsod ng Antipolo ang kilalang Talon.
Ano ito?
Pagsanjan Falls
Crystal Falls
Hinulugang Taktak
Anong pagdiriwang sa Marikina ang nagpapahalaga sa mga taong nagmula
sa iba’t-ibang rehiyon ng ating bansa ngunit sa Marikina na naninirahan
ngayon? Ginaganap ito tuwing Disyembre.
Rehiyon-Rehiyon Festival
Angkan-Angkan Festival
Sapatos Festival
Nakaugalian na ng Marikenyo na mamamasyal sa River Park. Ito ay nasa tabi
ng Ilog Marikina. Paano natin mapapanatiling malinis ang ating ilog?
Magtapon ng basura dito.
Iwasang magtapon o iwanan ang basura kahit saan.
Hindi papansinin ang babala.
Sa kasalukuyan, ang bansa natin ay nakakaranas ng pandemya na Covid-19. Ano
ang dapat mong gawin upang maiwasan ito?
Magsuot ng facemask at face shield
Sundin ang mga health protocols.
Lahat ng nabanggit ay tama.
May isang miyembro ng pamilya ang nagkaroon ng sintomas ng COVID-19.
Ano kaya ang HINDI niya dapat gawin?
Mag self- quarantine sa loob ng labing-apat na araw.
Mamamasyal kahit may sintomas na ng COVID-19.
Mag report sa pamunuan ng barangay upang matulungan.
Ito ang kagawaran na nangangasiwa para sa kalusugan at kaligtasan ng
mamamayan. Ano Ito?
DOH
NFA
DSWD
Maraming mga kabataan ngayon ay tamad nang mag eehersisyo at laging
nakaupo at naglalaro gamit ang gadyet. Ano ang maipapayo mo?
Bigyang pansin ang pag-eehersisyo kung kailan gusto.
Kumain ng matatamis na pagkain.
Ugaliing kumain ng wasto at masustansyang pagkain at samahan ng pag-
eehersisyo.
Maliban sa pag-eehersisyo at pagkain ng masustansyang pagkain, ano pa ang
maaaring gawin upang maging sariwa ang hangin sa kapaligiran?
Uminom ng gatas.
Maligo araw-araw.
Magtanim ng punongkahoy at iba pang halaman.
Anong produkto ng Marikina ang tinaguriang matibay at dekalidad?
sapatos
damit
walis
Sino ang tinaguriang “Ama ng Industriya ng Sapatos”?
Jose Benitez
Jose Rizal
Don Laureano Guevara
Ano ang opisyal na sayaw ng Lungsod ng Marikina?
Tinikling
Carinosa
Lerion
Paano natin mapapahalagahan ang ating identidad o pagkakakilanlan?
Ipagsawalang bahala ang mga ito.
Ipagmalaki at isabuhay tuwi – tuwina.
Hindi ikukuwento ito sa iba.
Ano ang larawang ito na isa sa mga pagkakakilanlan ng Marikina?
Bahay ni Kapitan Moy
Marikina Cityhood Park
Marikina River Park
Tangkilikin natin ang mga produktong gawa sa ating lungsod tulad ng pagbili at
paggamit ng sapatos na gawa sa Marikina.
Tama
Mali
Hindi ko alam
Paano natin maipapakita ang pakikiisa sa mga pagdiriwang sa Marikina?
Hindi ako manonood ng pagdiriwang.
Matutulog ako sa kuwarto ko habang nagpaparada.
Panoorin ko ang mga pagdiriwang na ginaganap sa Marikina.
