wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ibong Adarna Kabanata 11 - 18

Total questions: 17

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Nang makatulog si Don Juan sa pagbabantay ng ibon, ano ang ginawa nina Don Pedro at Don Diego sa Ibong Adarna?

a)

Pinukol ito.

b)

Ginawang inihaw ang ibon.

c)

Pinakawalan ang ibon.

d)

Pinatay ang ibon.

2.

Nang ,lumayas si Don Juan sa Berbanya, saan siya nagpunta?

a)

Almenya

b)

Reino de los Cristal

c)

Berbanya

d)

Armenya

3.

Ano ang natagpuan o nadiskubre ng magkakapatid sa bundok na iyon?

a)

mahiwagang lobo

b)

matapang na higante

c)

malalim na balon

d)

ahas na may pitong ulo

4.

Sa alin gawa ang balong iyon?

a)

marmol

b)

kristal

c)

bato

d)

ginto

5.

Sino ang unang pumasok sa balon?

a)

Prinsesa Leonora

b)

Don Diego

c)

Don Pedro

d)

Don Juan

6.

Ano ang damdaming namayani sa kanila nang pinasok nila ang balon?

a)

takot at saya

b)

takot

c)

pangamba at pagkainip

d)

takot at pangamba

7.

Nang makaapak sa lupa at nakababa na sa ilalim ng balon, ano ang nakita ni Don Juan?

a)

isang palasyong ginto at pilak

b)

Prinsesa Leonora

c)

si Donya Juana

d)

matandang ermitanyo

8.

Ano ang unang hiling ni Donya Juana kay Don Juan nang makilala niya ito?

a)

Huwag siyang iwan dahil sakdal ng lupit ang higanteng nagbabantay sa kanya.

b)

Iligtas ang bunsong kapatid na si Prinsesa Leonora.

c)

Iwanan na lamang siya dahil kahit kailanman di natatalo ang higante.

d)

Paslangin ang ahas.

9.

Ano naman ang huling hiling ni Donya Juana kay Don Juan?

a)

Itakas na siya sa balong iyon.

b)

Patayin ang ahas.

c)

Paslangin ang higante.

d)

Iligtas si Prinsesa Leonora mula sa serpyente.

10.

May pitong ulong hayop, kakila-kilabot at higit sa lahat umuungal. Ano ito?

a)

higante

b)

serpyente

c)

lobo

d)

ibon

11.

Nang makaahon sila mula sa balon, ano ang nabanggit ni Prinsesa Leonora?

a)

Nasayahan siya sa pagkikita nilang muling ni Donya Juana.

b)

Naiwan niya ang espada sa ibabaw ng mesa sa palasyo.

c)

Nakalimutan niya ang singsing sa ibabaw ng mesa sa palasyo.

d)

Nanaginip siyang ikinasal kay Don Pedro.

12.

Sa labis na kasakiman ni Don Pedro nang bumaba ulit si Don Juan sa balon, ano na naman ang ginawa ng una?

a)

Hinatak ang lubid pababa.

b)

Hinulog muli si Donya Juana sa ibaba.

c)

Pinutol ang lubid.

d)

Gusto na niyang umuwi agad sa Berbanya.

13.

Ano ang laman ng panaginip ng hari?

a)

Nagpunta si Don Juan sa Reino de los Cristales.

b)

Nagkasundo ang tatlong magkakapatid.

c)

Iginapos at sinaktan ang bunsong anak sa yungib

d)

Pinatay si Don Juan.

14.

Nang mahulog sa balon si Don Juan, sa aling hayop nagpatulong si Prinsesa Leonora?

a)

lobo

b)

aso

c)

ibon

d)

oso

15.

Nang madatnan ng lobo si Don Juan, ano ang nagyari rito?

a)

Walang malay si Don Juan.

b)

Lumakas ito nang makita ang lobo.

c)

Sugatan at bali-bali ang mga buto nito.

d)

Pinahiran ng tubig ang mga pasa at pilay niya.

16.

Nang gumaling at iniwan na si Don Juan ng lobo, ano ang dumating?

a)

lobo

b)

Ibong Adarna

c)

mga ibon

d)

ermitanyo

17.

Ang sumusunod ay ang laman ng kanta ng Ibong Adarna MALIBAN SA ISA.

a)

Ikinuwento nito kung paano siya nakaalis sa palasyo.

b)

Maglakbay sa Reino de los Cristales at hanapin ang isang Maria Blanca.

c)

Sinabihan din siya nitong limutin na si Leonora.

d)

Umuwi na ng Berbanya dahil ikakasal na si Leonora.