WorksheetsMother Tongue 2 Quarter 3 Pre-Test
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
Ang sumusunod ay mahalaga sa isang kuwento maliban sa isa, ano ito?
A. Tauhan
B. Tagpuan
C.Pangyayari
D. Pananamit ngtauhan
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o kaganapan sa kuwento?
A, Banghay
B. Tangpuan
C. Pamagat
D. Tauhan
Alin sa sumusunod na pangungusap ang gumamit ng pandiwang panghinaharap?
A. Nagpapagupit si Cedric sa may labasan.
B. Bumili kahapon ang nanay ko ng isda sa palengke.
C. Bukas ay mamamasyal kami sa Perez Park
D. Inayos ni Darren ang nasirang bakod.
Alin sa sumusunod na pangungusap ang gumamit ng pandiwang pangnagdaan?
A. Nagpapagupit si Cedric sa may labasan.
B. Bumili kahapon ang nanay ko ng isda sa palengke.
C. Bukas ay mamamasyal kami sa Perez Park.
D. Inaayos ni Darren ang nasirang bakod.
Sa sumusunod ay panuto sa pagsasagot ng module maliban sa isa, ano ito?
A. Una, basahing mabuti ang paksa.
B. Ikalawa, intindihin ang mga katanungan sa bawat Gawain.
C. Ikatlo, hulaan ang sagot sa mga Gawain.
A. Ikaapat, magpatulong sa magulang kung nahihirapan.
Ano ang kilos na hindi dapat gawin bago matulog?
A. Magsepilyo ng mga ngipin.
B. Kumain ng kendi.
C. Maglinis ng katawan.
A. Magdasal
Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng hiling tungkol sa dinaranas na pandemya sa panahon ngayon.
A. Hinihiling ko na maging ligtas kami ng aking pamilya laban sa COVID-19.
B. Nararapat na pangalagaan ang sarili at huwag lumabas ng tahanan.
C. Kung maaari ay magsuot ng face mask tuwing lalabas ng tahanan.
D. Nawa ay makakuha ako ng mataas na marka
Alin sa sumusunod ang HINDI dapat gawin kung nakakaramdam ng lagnat, ubo at sipon.
A. Makipaglaro sa mga kaibigan.
B. Magpahinga at uminom ng gamot.
C. Huwag lumabas ng tahanan.
D. Kumain ng masustansiyang pagkain.
Ugaliing gumamit ng magalang na pananalita sa pakikipag-usap.
A. Tama, sa lahat ng oras
B. Minsan lamang
C. Hindi dapat
D. Kung kailan lamang nais
Sino sa sumusunod ang nagpakita ng tamang pakikipagusap?
A. Sinabi ni Megan sa kaniyang Ate Zandi: “Pahiramin mo nga ako ng lapis mo?”
B. Sinabi ni Carlo sa kaniyang nanay: “Ibili mo ako ng mansanas sa palengke.”
C. Nabasag ni Andy ang baso sa mesa: “Bakit kasi ang likot mo Tom?!”
D. Sinabi ni Andy sa kanyang ina: “Paumanhin inay, hindi ko po sinasadya.”
