wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Sariling Disiplina sa Pagsunod sa mga Batas

Total questions: 20

Worksheet time: 3600secs

Name
Class
Date
1.

Tumutulong lamang sa paglilinis ng paaralan si Juan kung nakatingin ang kaniyang guro.

a)

TAMA

b)

MALI

2.

Naglilinis si Carla ng silid-aralan kahit hindi araw ng kanilang paglilinis.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

Pinabayaan lamang ni Rose ang kaniyang kamag-aral na magtapon ng basura sa maling tapunan.

a)

TAMA

b)

MALI

4.

Sumusunod si Jack sa programa ng kanilang barangay na “Tapat mo Linis mo”.

a)

TAMA

b)

MALI

5.

Itinapon ni Laine ang balat ng kaniyang pinagkainan sa bintana ng kanilang silid-aralan.

a)

TAMA

b)

MALI

6.

Inilagay ni Jan ang kanyang basura sa kaniyang bulsa dahil wala siyang makitang tapunan.

a)

TAMA

b)

MALI

7.

Pinitas ni Marie ang mga bulaklak kahit may nakalagay na karatula na nagsasabing “Bawal Pumitas ng Bulaklak”.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Binawalan ni Erish ang kanyang kaibigan na magtatapon sana ng basura sa ilog.

a)

TAMA

b)

MALI

9.

Nakilahok si Kiel sa programa ng kanilang barangay na “Plant a Tree to Save Earth”.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Araw-araw naglilinis ng kanal at bakuran si Janelle.

a)

TAMA

b)

MALI

11.

Ano sa sumusunod ang batas na nagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa kapaligiran ang dapat ipasunod sa ilog na malinis?

a)

Huwag magtapon ng basura

b)

Tumawid sa tamang tawiran

c)

Iwasan ang pagtapak sa damuhan

12.

Ano sa sumusunod ang batas na pagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa kapaligiran ang pinaiiral sa mga parke?

a)

Manatiling tahimik sa lahat ng oras

b)

Tumawid sa tamang tawiran

c)

Iwasan ang pagpitas ng mga halaman at bulaklak

13.

Anong batas sa pagpapaganda ng kapaligiran sa inyong paaralan ang dapat mong sundin?

a)

Manatiling tahimik sa lahat ng oras

b)

Iwasan ang pagtapak sa damuhan

c)

Basura Mo, Pakibulsa Mo

14.

Ano ang hindi mo dapat gawin bilang isang mamamayang may disiplina upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran?

a)

Sumunod sa mga batas na may kinalaman sa kapaligiran.

b)

Madalas na pagtapon ng basura sa kanto kung saan dumadaan ang trak ng basura.

c)

Paghihiwa-hiwalay ng nabubulok na basura at pagresiklo ng mga patapong bagay.

15.

Madalas ninyong nararanasan ang pagbaha sa inyong lugar. Ano kaya ang dahilan kung bakit nangyayari ito?

a)

Talagang mas malakas na ang buhos ng ulan sa ngayon.

b)

Maling paraan ng pagtatapon ng basura na bumabara sa mga kanal.

c)

Tinatakpan ng mga tao ang mga estero o kanal.

16.

Naglalakad ka pauwi galing sa paaralan nakita mo ang iyong kamag-aral na namimitas ng bulaklak sa parke kahit may karatula na nakalagay na “Bawal Pumitas ng Bulaklak”. Ano ang iyong gagawin?

a)

Pababayaan ko siya sa kaniyang pamimitas.

b)

Babawalan ko siya at sasabihin na mali ang kaniyang ginagawa.

c)

Sasamahan ko siya sa pamimitas ng bulaklak.

17.

Ang sumusunod ay nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran maliban sa isa.

a)

Paglahok sa Clean and Green Project sa inyong barangay.

b)

Pagsama sa pag-aalis ng basura sa ilog na programa ng inyong barangay.

c)

Pagsuporta sa pagpuputol ng mga puno sa kabundukan.

18.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapaligiran?

a)

Pagtatanim ng mga puno, gulay at halaman sa bakuran.

b)

Pagtatapon ng basura sa ilog tuwing madaling araw.

c)

Paglilinis ng kapaligiran tuwing may nakakakita lamang.

19.

Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng may disiplina sa pangangalaga sa kalikasan kahit walang nakakakita?

a)

Si Janelle na nagwawalis sa loob ng silid-aralan tuwing nakatingin lamang ang kaniyang guro.

b)

Si Jan na araw-araw nagdidilig at nagtatanim ng halaman sa hardin ng paaralan kahit hindi siya ang dapat gumagawa niyon.

c)

Si Lerish na namumulot ng basura dahil nakikita ng punong-guro.

20.

Alin sa mga barangay ang hindi nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran?

a)

Barangay Masinop na sama-sama sa paghihiwa-hiwalay ng mga basura.

b)

Barangay Malinis na tulong-tulong sa paglilinis ng kanal at kapaligiran para sa paghahanda tuwing tag-ulan

c)

Barangay Pag-asa na nagtatambak ng kanilang basura sa bakanteng lote.