Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGSASANAY SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Total questions: 36

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Napagkasunduan ninyo na ikaw ang maghuhugas ng

pinagkainan ngayong araw. Hindi mo pa tapos ang modyul na iyong binabasa. Kailangan mo itong tapusin kaya _______

a)

sasabihin mo na hindi ka puwedeng maghugas

b)

maghuhugas pa rin habang naiinis

c)

maghuhugas pa rin at mag-aaral pagkatapos

2.

Anong sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa awtoridad sa panahon ng pandemya?

a)

Lumalabas ng bahay anumang oras na gusto

b)

Hindi pagsusuot ng Face Mask at Face Shield

c)

Sumisingit sa pila para makauwi agad.

d)

Pagsusuot ng Face Mask at Face Shield kahit walang bantay bayan o pulis.

3.

Ang awtoridad ng magulang ay kaugnay ng pagpapahalagang paglilingkod dahil:

a)

Ang pagsunod ay pagsisilbi sa magulang

b)

Ang paglilingkod ay malaya at responsableng pagmamahal sa magulang

c)

Ang awtoridad ay likas na nagpapasunod sa mga mababait na anak

d)

Ang mga magulang ay dapat paglingkuran

4.

Ang paggalang ay nakatatak na sa ating kultura. Kung paano mo iginagalang ang iyong kapwa, ganoon ka rin igagalang. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang taong magalang?

a)

Isinasaalang-alang ang kapwa, anuman ang antas ng kanyang pamumuhay, bata man siya o matanda.

b)

Isinasaalang-alang ang damdamin ng kapwa

c)

May malawak na pang-unawa

d)

Lahat ng nabanggit.

5.

Maraming balita tungkol sa mga taong may awtoridad ang kinakitaan mo ng mga gawaing taliwas sa dapat nilang gampanan. Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay magpapakita pa ng paggalang at pagsunod. Bilang mag-aaral ano ang pinakamabuting maipapayo mo sa kanila?

a)

Huwag ilagay sa iyong kamay ang mga batas na nararapat sundin at mga karapatang dapat ipaglaban. Gawin kung ano ang inaasahan sa iyo ng iyong kapwa.

b)

Mahirap kumilos nang may pag-aalinlangan. Sumangguni sa ibang may awtoridad na nabubuhay nang mabuti at kumilos ayon sa iyong kilos-loob.

c)

Unawain at patawarin ang mga taong may awtoridad na nakagawa ng pagkakamali, lalo na kung hindi naman ikaw ang naaapektuhan.

d)

Ipagbigay-alam agad sa kinauukulan ang nasasaksihang paglabag sa batas. Hindi makatarungan na ang nagpapatupad sa batas ay siyang lumalabag dito

6.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa isang taong nagsasalita?

a)

Makipag-usap sa katabi

b)

Matulog habang nagsasalita

c)

Makinig nang mabuti

d)

Pagtawanan habang nagsasalita

7.

Ano ang dapat mong gawin upang pakinggan din ang iyong opinyon?

a)

Ipilit ang iyong opinyon kahit mali

b)

Igalang din ang opinyon ng iba

c)

Tanggapin ang opinyon ng iba

d)

Huwag pansinin ang sinasabi ng iba

8.

Gusto mong ikaw ang mamuno sa proyekto ng inyong pangkat. Ano ang gagawin mo?

a)

Aalamin ang suhestiyon ng mga kagrupo

b)

Magdaramdam sa kaklase pag hindi sila sumang-ayon

c)

Pipilitin ang mga kaklase

d)

Aawayin ko siya

9.

Natapos mo na ang proyekto ninyo sa MAPEH. May sinasabi sa iyo ang isa mong kaklase na kulang pa sa disenyo ito . Ano ang gagawin mo?

a)

Itutuloy ko ang aking ginagawa

b)

Pakikinggan ko ang sinasabi ng aking kaklase

c)

Magbibingi-bingihan ako

d)

Hindi ko siya papansinin

10.

Ang paggalang na itinuturo sa pamilya ay nagagamit kapag tayo ay lumabas na at nakikihalubilo sa ating kapwa

a)

TAMA

b)

MALI

11.

Sa paaralan unang natututuhan ng bata na sundin ang kaniyang mga magulang

a)

TAMA

b)

MALI

12.

Alin sa sumusunod ang pagpapakita ng paggalang sa magulang?

a)

Kalimutang ang kaarawan nila

b)

Tatakas kung hindi pinayagan na gumala

c)

Paghingi ng permiso na kumuha ng pagkain na nasa refrigerator

d)

Magdadabog tuwing uutusan

13.

Ano ang iyong gagawin upang maisabuhay mo nang may katarungan at pagmamahal ang paggalang at pagsunod sa iyong mga magulang?

a)

Magsaliksik at unawaing mabuti ang mga alituntunin at batas

b)

Mag-aral ng mabuti para sa iyong pamilya

c)

Maging mapagmalasakit at mapagmahal sa kanila sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang sinasabi o pinapayo

d)

Maging tapat sa kanila at sasabihin palagi kung saan ka pupunta

14.

Tukuyin kung alin sa mga sumusunod ang tamang pamamaraan ng pagpapakita ng paggalang.

"Pagkatapos ng klase ay nagmadaling umalis si Mary Dawn kasama ang kaniyang mga kaibigan ngunit sila ay inabutan ng hating gabi sa daan."

a)

Paggalang sa kanilang mga kagamitan

b)

Pagkilala sa Hangganan o limitasyon

c)

Pagiging maaalahanin sa magulang

d)

Pagtupad sa itinakdang oras ng magulang

15.

Tukuyin kung alin sa mga sumusunod ang tamang pamamaraan ng pagpapakita ng paggalang.

"Nabasag ni Carlos ang flower vase na ipinamana ng kaniyang lola sa kaniyang Nanay."

a)

Pagiging maaalahanin sa magulang

b)

Paggalang sa kanilang mga kagamitan

c)

Pagtupad sa itinakdang oras

d)

Pagkilala sa Hangganan o limitasyon

16.

Tukuyin kung alin sa mga sumusunod ang tamang pamamaraan ng pagpapakita ng paggalang.

"Umuuwi ng probinsya si bernard tuwing sasapit ang kaarawan ng kaniyang mga magulang."

a)

Pagiging maaalahanin sa magulang

b)

Pagkilala sa Hangganan o limitasyon

c)

Paggalang sa kanilang mga kagamitan

d)

Pagtupad sa itinakdang oras ng mga magulang

17.

Ang mga sumusunod ay mga tamang dahilan ng pagsunod at paggalang sa may awtoridad MALIBAN sa:

a)

Ginagabayan tayong mga kabataan na gawin ang tama

b)

Hinuhubog ng may awtoridad ang ating pagkatao lalo na ang disiplina sa sarili

c)

Tumutulong sila upang mapaunlad natin ang ating mga pagpapahalaga

d)

Binabantayan ang ating mga kamalian at pinagsasabihan tayo sa harap ng maraming tao

18.

Mas madaling mauunawaan ng iyong kapwa ang kahalagahan ng paggalang at pagsunod kung nakikita nila ang iyong pagsusumikap na igalang at sundin ang iyong mga magulang, nakatatanda at may awtoridad. Ang angkop na kilos sa paggalang sa awtoridad na inilalarawan sa pahayag ay:

a)

Pagiging mabuting halimbawa sa kapwa

b)

Pagdarasal para mga taong may awtoridad

c)

Pag-unawa sa mga magulang at nakatatanda

d)

Pagiging masunurin at maunawain sa mga kaibigan

19.

Ang mga sitwasyon sa ibaba ay nagpapakita ng maling dahilan ng paggalang at pagsunod sa may awtoridad MALIBAN sa:

a)

Nakikinig si Vince sa klase dahil natatakot siya sa guro

b)

Nagtatago si Chase kapag nakikita niya ang pulis na nakadestino sa kanilang barangay

c)

Ginagawa ni Marasigan ang ipinag-uutos ng kanilang kagawad upang makatanggap ng suhol

d)

Sumusunod si Kira sa batas trapiko dahil pinapahalagahan niya ito at iginagalang ang nagpapatupad dito.

20.

Paano mo mas higit na maipapakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?

a)

Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa

b)

Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran

c)

Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali

d)

Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo

21.

Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay magpapakita pa ng paggalang at pagsunod sa awtoridad dahil sa mga balita na gumagawa sila ng taliwas sa kanilang gampanin. Ano ang pinakamabuting gawin mo dito?

a)

Alamin ang mga batas at alituntunin na dapat sundin at karapatang pantao na ipaglaban. Gawin ang nararapat na kilos ayon sa nalaman

b)

Sumangguni sa mga nakakatanda kung ano dapat ang gawin at isakilos

c)

Palagpasin ang nagawang pagkakamali dahil ngayon lang nangyari at hindi ka naman naapektuhan

d)

Ipahayag ang saloobin sa social media tungkol sa mga pagkakamali ng may awtoridad.

22.

May kaklase ka na hindi marunong gumalang at sumunod sa opisyales ng inyong silid-aralan. Ano ang maari mong gawin para siya ay matutong sumunod at gumalang sa kanila?

a)

Hayaan siya at ang guro na nag magdidiplina sa kanya

b)

Magsawalang kibo at hindi ka naman naapektuhan sa kinikilos niya

c)

Pagsabihan siya kung gaano kahalaga ang paggalang sa mga taong may awtoridad

d)

Ipaunawa at ipakita sa kanya kung paano gumalang at sumunod sa mga taong may awtoridad sa inyong silid-aralan

23.

May pinag- uusapan kayong magkakaibigan tungkol sa tamang pagtatapon ng basura sa inyong komunidad. May nais kang imungkahi. Paano mo ibibigay ang iyong suhestiyon?

a)

Sisigawan ko sila

b)

Wala akong pakialam sa kanila

c)

Mahinahon ko silang kakausapin

d)

Pabayaan silang magtalo

24.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon na nagpapakita ng paggalang ng suhestiyon sa komunidad?

a)

Si Anzel Mico ay nakikinig habang nagbabahagi ang lider ng kanilang komunidad

b)

Sina Kim at Janelle ay naglalaro habang nagsasalita si Kobe

c)

Si Danica ay tumatawa ng malakas sa pagkakamali ni Jeya

d)

Si Prince ay nakikipag-usap sa kanyang katabi habang ibinibigay ni Hendrix ang kanyang suhestiyon

25.

Hindi naman masamang mamintas ng kapwa kung totoo naman ang iyong sinasabi. (Tama/Mali)

(a)  

26.

Sa pamamagitan ng karaniwang gawain ng pamilya sa araw-araw, nakakasanayan ang pagkakaroon ng mga gawi, tulad ng pagmamano o paghalik sa kamay ng mga magulang o nakatatanda, paggamit ng ‘po’ at ‘opo’ sa pagdiriwang sa iba’t ibang okasyon

a)

TAMA

b)

MALI

27.

Pumapanig sa suhestyon ng kaibigan kahit ito ay mali.

a)

TAMA

b)

MALI

28.

Pamimilit sa iyong kasama na ikaw ang laging tama.

a)

TAMA

b)

MALI

29.

Maging totoo sa bawat kasalamuha o kasama araw-araw sa komunidad.

a)

TAMA

b)

MALI

30.

Ang mga kabataan ay may karapatang magkaroon ng sariling pagpapasiya tungkol sa mga bagay na mahalaga sa kanila. (Tama/Mali)

(a)  

31.

Kung alam natin na ang ating pasiya ay iba sa kanila at ang kanilang pasiya ay mas tama at mabuti, matuto tayong ipaglaban ang pasya na tama para sa atin. (Tama/Mali)

(a)  

32.

Kapag hindi tayo nauuwi sa anumang pagkakasunduan,mas mabuting panindigan ang sariling opinyon upang ito ay tanggapin ng nakararami. (Tama/Mali)

(a)  

33.

May mga pagkakataon din na iniiwasan natin ang di-pagkakasundo, na kung tutuusin ay isang pagkakamali sapagkat ito ay humahantong sa mas malubhang suliranin. (Tama/Mali)

(a)  

34.

Hinikayat ni Gng. Gutierrez ang mga mag-aaral na laging igalang ang ideya at opinyon ng kanilang kapwa.

a)

Tama

b)

Mali

35.

Laging nakikipagdiskusyon si Aling Nena sa kaniyang kapitbahay tungkol sa mga politiko.

a)

Tama

b)

Mali

36.

Si Frank Emmanuel ay nagalit dahil hindi siya pinayagan ng kanyang Lolo na umalis ng gabi.

a)

Tama

b)

Mali