wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

A.P. 1: Mga Alituntuning Dapat Sundin sa Pamilya

Total questions: 10

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Hindi mo mahanap ang bahay ng iyong kaibigan. Paano ka magtatanong sa taong hindi mo kilala?

a)

Nasaan ang bahay ng kaibigan ko?

b)

Alam niyo po ba kung nasaan ang bahay ng kaibigan ko?

c)

Ituro mo nga sa akin ang bahay ng kaibigan ko!

2.

Habang nagluluto ang iyong nanay, nakita mong makalat ang sahig. Ano ang gagawin mo?

a)

Utusan si nanay na linisin ang kalat.

b)

Huwag na lang itong pansinin.

c)

Kumuha ng walis at linisin ang kalat.

3.

Nakita mong wala ng maupuan ang matanda, ano ang gagawin mo?

a)

Ibibigay ko sa kanya ang aking upuan.

b)

Hindi ko siya papansinin.

c)

Tatawanan ko siya.

4.

Nais mong humingi ng tulong sa iyong tatay sa iyong takdang-aralin habang siya ay nagbabasa. Ano ang iyong sasabihin?

a)

Tay, tulungan mo nga ako sa aking takdang-aralin.

b)

Tay, ikaw na lang ang gumawa ng aking takdang-aralin.

c)

Tay, pwede niyo po ba akong tulungan sa aking takdang-aralin?

5.

Ikaw ay naliligaw sa parke habang namamasyal kayo ng iyong pamilya. Ano ang sasabihin mo sa pulis na iyong nakita?

a)

Hoy! Pulis, alam mo ba kung nasaan ang pamilya ko?

b)

Manong pulis, nawawala po ako pwede niyo po ba akong tulungan?

c)

Manong pulis, tulungan mo nga ako dahil ako ay nawawala!

6.

Hindi pumayag ang iyong nanay at tatay na bilhin ang laruang gusto mo sa loob ng mall. Ano ang gagawin mo?

a)

Igagalang ko ang sinabi nila.

b)

Magtatampo ako sa kanila.

c)

Hindi ko sila papansinin.

7.

Maraming dala-dala ang iyong mga magulang pagkagaling sa palengke. Ano ang gagawin mo?

a)

Tutulungan ko sila.

b)

Wala akong gagawin.

c)

Paglalaruan ko ang mga dala nila.

8.

Nakita mong may dalang mabigat na bagay ang iyong nanay. Ano ang gagawin mo.

a)

Panonoorin ko lang siya.

b)

Hindi ko siya papansinin.

c)

Tutulungan ko siyang buhatin ang kanyang dala.

9.

Nais mong magpaalam sa iyong nanay na sumama sa iyong mga kaibigan sa parke ngunit siya ay abala sa pagluluto sa kusina. Ano ang gagawin mo?

a)

Magpaalam ako bago umalis ng bahay.

b)

Aalis na lang ako nang walang paalam dahil busy si nanay.

10.

Gusto mong magpaluto ng pancake sa iyong nanay dahil gutom ka na. Ano ang sasabihin mo?

a)

Nay, pwede ka po bang magluto ng pancake dahil gutom na po ako?

b)

Nay, gutom na ako! Magluto ka nga diyan ng pancake.

c)

Nay! Nasaan na ang pancake? Gutom na ako.