wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

1st-2nd Filipino 7

Total questions: 60

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Bakit kahit wala namang nagawang kasalanan ni Usman ay ipinabilanggo siya ng sultan?

a)

dahil sa kanyang papgpunta sa palengke

b)

dahil mas makisig si Usman kaysa sa sultan

c)

dahil inibig niya si Potre Maasita

d)

dahil tinangka niyang magnakaw

2.

Bakit nagmakaawa si Potre Maasita na pakawalan si Usman?

a)

gusto niyang galitin ang kanyang ama

b)

nais niyang siya ang kumitil sa buhay ni Usman

c)

nakadama siya ng pag-ibig para sa Usman

d)

kapatid niya si Usman

3.

Paano mo ilalarawan ang sultan bilang ama?

a)

mapagbigay

b)

maalaga

c)

maalalahanin

d)

malupit

4.

Paano nakaligtas ang magkasintahan sa tiyak na kamatayan?

a)

iniligtas sila ng isang kawal

b)

dumating ang pamilya ni Usman ay pinalaya sila sa bilangguan

c)

nagmakaawa ang magkasintahan sa sultan at naawa ito sa kanila

d)

nagkaroon ng malakas na lindol na kumitil sa buhay ng sultan

5.

1. Bakit mahalaga ang wastong paggamit ng mga pahayag sa pagbibigay ng patunay?

a)

a. Makatutulong ang mga pahayag upang tayo ay makapagpatunay at ang ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa mga tagapakinig.

b)

b. Makatutulong ang mga pahayag sa pag-alam ng kahulugan at kasalungat ng isang salita.

c)

c. Makatutulong ang mga pahayag sa pagkakaroon ng ugnayan ng talata.

d)

d. Makatutulong ang mga pahayag sa pagtukoy sa formalidad at kaantasan ng wika.

6.

Ang paraan ng pagpapalaganap ng kuwentong-bayan ay ___________.

a)

pasalindila

b)

pasulat

c)

Pagbabasa

d)

pananaliksik

7.

Ito ay katutubong panitikan na lumaganap bago pa man dumating ang mga Espanyol

a)

Kuwentong-bayan

b)

Alamat

c)

Karunungang-bayan

d)

kuwento

8.

Saang lugar nagmula ang mga kuwentong-bayang Si Usman ang Alipin?

a)

Bikol

b)

Pangasinan

c)

Cagayan

d)

Maguindanao

9.

. Sino ang muling nagsalaysay ng Kuwentong-bayang Si Usman Ang Alipin?

a)

Arthur P. Casanova

b)

Severino Reyes

c)

Jose Palma

d)

Francisco Balagtas

10.

Upang paniwalaan ang iyong mga sinasabi, kailangan mo ng _____________.

a)

ebidensiya

b)

larawan

c)

pahayag

d)

opinion.

11.

Ito ang mga pahayag na nagbibigay katotohanan para sa isang bagay.

a)

Pahayag sa patunay

b)

patunay

c)

mga pahayag sa pagbibigay patunay

d)

ebidensiya

12.

Ang mga ebidensiyang nagpapatunay na maaaring nakasulat nakalarawan o nakavideo.

a)

May dokumentaryong Ebidensiya.

b)

Larawan at Video

c)

Kapani-paniwala

d)

ebidensiya, larawan at video

13.

Ipinapakita ng salitang ito na ang mga ebidensiya, patunay, at kalakip na datos ay kapani-paniwala

at maaaring makapagpatunay.

a)

May dokumentaryong Ebidensiya

b)

Taglay ang matibay na Kongklusiyon

c)

Kapani-paniwala

d)

Patunay

14.

Isang katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba o impormasyong totoo ang kongklusiyon.

a)

taglay ang matibay na kongklusiyon

b)

Ebidensiya, Larawan, o video

c)

Nagpapakita

d)

Nagpapahiwatig

15.

Hindi direktang makikita o maririnig o mahihipo ang ebidensiya subalit sa pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang katotohanan.

a)

Nagpapakita

b)

Taglay ang matibay na kongklusiyon

c)

Nagpapahiwatig

d)

Ebidensiya

16.

Mga kailangan sa pagpapatunay.

a)

ebidensiya, larawan, at video

b)

sulat

c)

larawan

d)

Video

17.

Ito ay isang awit ng pagibig.

a)

Diona

b)

Kundiman

c)

Oyayi

d)

Talindaw

18.

Ang awit ng pakikidigma.

a)

Pangangaluwa

b)

Sambotani

c)

Dalit

d)

Kumintang

19.

Awit sa pamamangka

a)

Rawitdawit

b)

Maluway

c)

Talindaw

d)

Kundiman

20.

Ang awit sa pagpapatulog sa bata.

a)

Oyayi

b)

Kutang-kutang

c)

Balitaw

d)

Dalit

21.

Ito ay awit sa kasal

a)

Diona

b)

Soliranin

c)

Maluway

d)

Sambotani

22.

Ang awit ng paggaod habang namamangka o sa mga mangagawa.

a)

Pangangaluwa

b)

Balitaw

c)

Pananapatan

d)

Soliranin

23.

Awit ng mga Kabisayaan sa pagsamba sa mga Diyos- diyosan.

a)

talindaw

b)

dalit

c)

Dung-aw

d)

maluway

24.

"Tara kaon ta"

a)

Balbal

b)

Pampanitikan

c)

Kolokyal

d)

Lalawiganin

25.

May etneb ka? luh bhie.

a)

Balbal

b)

Pampanitikan

c)

Kolokyal

d)

Lalawiganin

26.

Narinig mong nag-uusap ang iyong mga magulang at kamag-anak gamit ang wikang Bisaya. Ikaw ay tinawag ng iyong Ama upang magmano at makipag kwentuhan sa inyong mga kamag-anak. Anong antas ng wika ang dapat mong gamitin?

a)

Balbal

b)

Pambansa

c)

Lalawiganin

d)

Pampanitikan

27.

Alin ang salitang pang-uri sa pangungusap?


Ang taong matipid ay bumibili lamang ng talagang kailangan.

a)

tao

b)

kailangan

c)

bumubili

d)

matipid

28.

Ito ay nagbibigay katangian o uri sa isang pangngalan o panghalip.

a)

pang-uri

b)

panghalip

c)

pangngalan

d)

pang-angkop

29.

Malinis ang tubig sa aming ilog.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

30.

Si lola at si lolo ay kapwa matanda na.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

31.

Napakatamis talaga ng niluto kong salad.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

32.

Si Lina ang pinakamatalino sa buong klase namin.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

33.

Si Marie ay ubod ng talino sa Filipino.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

34.

Ang paligsahan na isinagawa ni Pilandok at Suso.

a)

karera

b)

tagu-taguan

c)

tumbang preso

d)

pagbinit ng palaso

35.

Ang taong tinutukoy ni Pilandok na maaaring kainin at makapagpapabusog kay Baboy-ramo.

a)

bata

b)

lalaking mangangaso

c)

matandang lalaki

36.

Nagkita sa ilog si Pilandok at ang buwaya dahil?

a)

pumunta si pilandok sa ilog upang maligo

b)

pumunta si pilandok sa ilog upang uminom dahil nauuhaw siya

c)

pumunta si pilandok sa ilog para maglaro at magtampisaw

37.

Naloko ni Pilandok si Buwaya dahil sinabi niya na ang sinunggaban ng buwaya ay _____________ hindi paa ng pilandok.

a)

bato

b)

bakal

c)

patpat

38.

Siya ang tumulong kay Tulalang at sa kanyang mga kapatid upang maging maganda nag kanilang buhay.

a)

matandang babae

b)

mahiwagang matanda

c)

diyosa

39.

Sino ang naging unang kaaway ni Tulalang na kanya palang pinsan?

a)

Heneral Miramolin

b)

Hari ng Bagyo

c)

Heneral Agio

40.

Anong klaseng halimaw ang may hawak kay Macaranga na iniligtas ni Tulalang?

a)

kapre

b)

higante

c)

nuno

41.

Ang dalawang bagay o gamit ni Tulalang na kanyang ginamit at naging sundalo ay __________

a)

singsing at kuwentas

b)

singsing at balaraw

c)

bote at balaraw

42.

Ang pinagtataguan ng mga kaluluwa ng kampon ng Hari ng Bagyo ay _____________

a)

isang bote

b)

isang kahon

c)

isang isla

43.

Ina ni Bagoamama; asawa ni Lokus a Mama

a)

Lokus a Papa

b)

Lokus a Babae

c)

Lokus a Nanay

d)

Lokus Ma

44.

Ginawang lubid at tali ni Bagoamama ang mga abaka upang gamitin sa pangingisda.

a)

Tama

b)

Mali

45.

Lumalabas sa bibig ng mahiwagang tandang sa tuwing ito ay tumitilaok.

a)

ginto

b)

pilak

c)

tela

d)

pera

46.

Ang Palendag ay isang instrumentong pangmusika na tinutugtog na parang isang

a)

gitara

b)

plawta

c)

piyano

47.

Madarama ang bigat ng suliraning dinadala ng dalaga sa kanyang tahimik na PAGHIKBI.

a)

pagkalungkot

b)

pagtawa

c)

pagluha

d)

pagsasalita

48.

Inatasan ng hari ang KAWAL upang mamuno sa isang digmaan.

a)

sundalo

b)

pulis

c)

security guard

d)

utusan

49.

Ipinadala ng hari ang binata sa isang mahalagang MISYON kaya kinailangan niyang iwan ang minamahal.

a)

utos

b)

layunin

c)

gawain

d)

tungkulin

50.

Anong anyo ng tulang romansa ang Ibong Adarna?

a)

awit

b)

korido

c)

dula

d)

alamat

51.

Ang korido ay may ilang pantig sa bawat taludtod?

a)

6

b)

8

c)

10

d)

12

52.

Anong tawag sa kaharian nina Haring Fernando at Reyna Valeriana?

a)

Albanya

b)

Berbanya

c)

Kumandra

d)

Persia

53.

Ano ang paksa na nilalaman ng isang koridong panitikan?

a)

kasaysayan at kasakiman

b)

kababalaghan at pananampalataya

c)

kalikasan at kapaligiran

d)

pag-ibig at pakikipaglaban

54.

Ano ang tawag sa ibong iminungkahi ng matandang ermetanyo na siyang tanging makakapagpagaling lamang sa hari?

a)

Ibong Berbanya

b)

Ibong Raya

c)

Ibong Adarna

d)

Ibong Agila

55.

Saan matatagpuan ang Ibong Adarna?

a)

Bundok ng Tabor

b)

Bundok ng Pedras Platas

c)

Bundok ng Talisay

d)

Bundok ng Tangway

56.

Ano ang kapangyarihan ng Ibong Adarna na siyang makakapagpagaling sa hari?

a)

sayaw

b)

awit

c)

balahibo

d)

luha

57.

Saan napadpad si Don Juan nang siya ay umalis sa Berbanya dahil sa pagkawala ng Ibong Adarna?

a)

A. Alemanya

b)

B. Armenya

c)

C. Saudi Arabia

d)

D. Uganda

58.

Ano ang natagpuan ng magkakapatid sa kanilang paglalakbay sa Bundok ng Armenya?

a)

A. Bundok Tabor

b)

B. Ibong Adarna

c)

C. Mahiwagang balon

d)

D. Reyno Delos Cristales

59.

Sino ang tanging nakarating sa ilalim ng balon at nagligtas kina Donya Leonora at Donya Juana?

a)

A. Don Carlos

b)

B. Don Diego

c)

C. Don Juan

d)

D. Don Pedro

60.

Ano ang idinahilan ni Donya Leonora kay Haring Fernando upang hindi kaagad siya ipakasal kay Don Pedro?

a)

A. Dahil siya ay nagluluksa

b)

B. Dahil siya ay mayroon ng kabiyak

c)

C. Mayroon siyang panatang tinatapos

d)

D. Dahil si Don Diego ang kanyang iniibig