wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Second Quarter Makeup Test in Filipino 6

Total questions: 60

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay gamit ng pang-uri na pinag-uusapan sa loob ng pangungusap.

a)

kaganapang pansimuno

b)

simuno

c)

tuwirang layon

d)

layon ng pang-ukol

2.

Itong gamit ng pang-uri na ito ay karaniwang tumatanggap sa kilos at sumasagot sa tanong na ano.

a)

simuno

b)

layon ng pang-ukol

c)

tuwirang layon

d)

kaganapang pansimuno

3.

Ito ay gamit ng pang-uri na gumagamit ng pang-ukol sa pangungusap. Ito rin ang pinaglalaanan ng kilos o ng bagay.

a)

layon ng pang-ukol

b)

tuwirang layon

c)

simuno

d)

kaganapang pansimuno

4.

Ito ay gamit ng pang-uri na nagbibigay turing sa simuno ng pangungusap.

a)

simuno

b)

layon ng pang-ukol

c)

tuwirang layon

d)

kaganapang pansimuno

5.

Ang makulit ay napagalitan. Ano ang pang-uring simuno sa pangungusap?

a)

napagalitan

b)

makulit

c)

Ang

d)

ay

6.

Masayahin sina Dan at Danny. Ano ang gamit ng pang-uring masayahin?

a)

simuno

b)

kaganapang pansimuno

7.

Binigyan ng matamis ni Nanay si Bunso. Ano ang gamit ng salitang matamis?

(a)  

8.

Ang mahiyain ay pinagtinginan ng kanyang mga kaklase. Ano ang gamit ng salitang mahiyain?

(a)  

9.

Ang balita ay tungkol sa mga mayayaman. Ano ang gamit ng salitang mayayaman sa pangungusap.

a)

simuno

b)

kaganapang pansimuno

c)

tuwirang layon

d)

layon ng pang-ukol

10.

Pinagpapala ng Diyos ang mga mabubuti. Ano ang gamit ng pang-uring mabubuti?

a)

Simuno

b)

Kaganapang Pansimuno

c)

Tuwirang Layon

d)

layon ng Pang-ukol

11.

Ang Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (Nuestra Señora dela Paz y Buenviaje) ang patron ng Antipolo sa Rizal. Dito, ang pagdiriwang ng pista ay sa buong buwan ng Mayo. Ipinagdiriwang din ito sa ika-8 ng Disyembre.Ito’y dinarayo ng maraming taong nais humiling ng biyaya sa patron ng bayan.

a)

Ang pagdiriwang ng mamamayan ng Antipolo, Rizal ng pista ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay

b)

Ang hindi pagdiriwang ng mamamayan ng Antipolo, Rizal ng pista ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay

c)

Ang pagsalungat sa pagdiriwang ng mamamayan ng Antipolo, Rizal ng pista ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay

d)

Ang kaguluhan sa pagdiriwang ng mamamayan ng Antipolo, Rizal ng pista ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay

12.

Ipinagdiriwang taon-taon ang kapistahan ng Patrong San Martin, pati na rin ang higit na masiglang kapistahan ng Mahal na Krus sa bayan ng Bocaue sa Bulacan. Mayroon ditong Pagoda sa Wawa o prusisyon sa ilog. Iniikutan ng maraming taong lulan ng maliliit na bangka ang Mahal na Krus na nasa napakagarang pagoda. Ito’y ipinuprusisyon sa kahabaan ng Ilog Bocaue hanggang sa Wawa, kung saan sinasabing nakuha ng mga mangingisda ang Mahal na Krus.

a)

Ang pagparada ng Mahal na Krus sa kalsada ng Bocaue hanggang sa Wawa

b)

Ang pagparada ng Mahal na Krus sa kabundukan ng Bocaue hanggang sa Wawa

c)

Ang pagparada ng Mahal na Krus sa ilog ng Bocaue hanggang sa Wawa

d)

Ang pagparada ng Mahal na Krus sa dagat ng Bocaue hanggang sa Wawa

13.

Ang Moriones ay hindi sa entablado ginaganap kundi sa mga lansangan sa buong bayan. Ito’y idinaraos taon-taon, ilang araw pagkaraan ng Biyernes Santo o Mahal na Araw.

a)

Ang pagdiriwang ng Moriones Festival

b)

Ang pagdiriwang ng Pahiyas Festival

c)

Ang pagdiriwang ng Higantes Festival

d)

Ang pagdiriwang ng Sinulog Festival

14.

Noong panahon ng mga Espanyol, ang mga Pilipino ay hindi masasabing malaya. Nasa ilalim tayo ng mahigpit at malupit na pamamahala ng mga Espanyol. Salamat na lamang sa ating dakila, matatapat, at matatapang na bayani. Nakipaglaban sila upang matamo ang ating kalayaan.

a)

Ang mga Pilipino sa panahon ng mga bagong bayani

b)

Ang mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol

c)

Ang mga Pilipino sa panahon ng kalayaan

d)

Ang mga Pilipino sa panahon ng Hapon

15.

Ang Girl Scouts of the Philippines ay ang pambansang samahan ng mga kababaihan na may misyong matulungan ang iba pang kababaihan na matutuhan ang kahalagahan ng pagiging babae upang maihanda ang sarili sa mga tungkulin sa pamilya, pamayanan at sa buong mundo.

a)

Ang layunin ng Girl Scouts of the Philippines

b)

Ang pamilya ng Girl Scouts of the Philippines

c)

Ang samahan ng Girl Scouts of the Philippines

d)

Ang paligid ng Girl Scouts of the Philippines

16.

Ang Pilipinas ay bansang sagana sa likas na yaman, kabilang dito ang mga puno, halamang gaya ng gulay, prutas at halamang gamot. Bilang tradisyon, naniniwala ang ating mga ninuno sa mga halamang gamot bilang lunas sa sakit at iba pang karamdaman. Sa kasalukuyan ay unti-unti nang dumarami ang natutuklasang halamang gamot, isa na rito ang okra na kilala ring lady fingers sa wikang Ingles.

a)

Ang gamot ng Pilipinas sa halamang gamot

b)

Ang puno ng Pilipinas sa halamang gamot

c)

Ang salat ng Pilipinas sa halamang gamot

d)

Ang yaman ng Pilipinas sa halamang gamot

17.

Maganda ang okra sa digestive system natin. Nakatutulong ito sa pagpapadali ng sistema ng pagdumi natin. Gayundin, kabilang ang ilang seryosong karamdaman gaya ng colitis-pamamaga ng lining ng colon, diverticulitis – maliit na umbok na parang bulsa sa ating digestive system at iba pang nabibigyang lunas ng gulay na ito.

a)

Ang benepisyo ng pagkain ng okra

b)

Ang kasamaan ng pagkain ng okra

c)

Ang kulay ng pagkain ng okra

d)

Ang epekto ng pagkain ng okra

18.

Ayon sa ating kasaysayan, ang mga kabataan ang namumuno at nagsikhay upang maipagtanggol ang bayan laban sa mga manlulupig na dayuhan. Nasa kasibulang gulang ang mga bayaning sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at iba pang kapuwa nila bayani noong ipinakita nila ang pagtatanggol sa bayan laban sa mga dayuhang Espanyol.

a)

Matatanda ang nagtanggol sa Pilipinas sa mga Espanyol

b)

Mag-asawa ang nagtanggol sa Pilipinas sa mga Espanyol

c)

Kalalakihan ang nagtanggol sa Pilipinas sa mga Espanyol

d)

Kabataan ang nagtanggol sa Pilipinas sa mga Espanyol

19.

Nasa kabataang gulang din ang mga sundalong Pilipino na kabilang sa mga tagapagtanggol ng Bataan. Maging ang mga hinuhubog at sinasanay sa hukbong sandatahan ay pawang nasa kabataang gulang. Ito ang mga patunay na aktibong pakikilahok ng mga Pilipinong kabataan sa pagtatanggol sa bayan. Sila ang may lakas, talino, at kakayahang manindigan para sa kalayaan ng bayan.

a)

Ang katangian ng mga sundalo

b)

Ang kalayaan ng mga sundalo

c)

Ang kabataan ng mga sundalo

d)

Ang paninindigan ng mga sundalo

20.

Ngunit sa panahon ngayon na malayo na ang narating ng makabagong teknolohiya at modernisasyon, nasaan na nga ba ang mga kabataan? “Nasaan ang kabataang naglalaan ng kanilang magagandang sandali, mga pangarap at kasiglahan sa ikabubuti ng kanilang bayan?” ito ay ayon sa katanungan ni Padre Damaso na hinango sa nobelang “El Filibusterismo”.

a)

Ang pagsabay ng teknolohiya sa pagiging makabayan ng kabataan

b)

Ang kaugnayan ng teknolohiya sa pagiging makabayan ng kabataan

c)

Ang kasinungalingan ng teknolohiya sa pagiging makabayan ng kabataan

d)

Ang narating ng teknolohiya sa pagiging makabayan ng kabataan

21.

Pumasok ka nang maaga sa paaralan at naroroon na ang iyong mga kamag-aral.


Ano ang sasabihin mo gamit ang magagalang na pananalita?

a)

Magandang umaga.

b)

Paumanhin at hindi ko sinasadya.

c)

Mabuhay! Maligayang pagdating po sa aming paaralan.

d)

Maaari po ba akong lumabas?

22.

Nabangga mo ang isang kamag-aral at nahulog ang kaniyang mga gamit.


Ano ang sasabihin mo gamit ang magagalang na pananalita?

a)

Kumusta, kumain ka na ba ng agahan?

b)

Paumanhin at hindi ko sinasadya.

c)

Magandang araw po.

d)

Puwedeng ko bang hiramin ito?

23.

May dumating na panauhin sa inyong silid-aralan.


Ano ang sasabihin mo gamit ang magagalang na pananalita?

a)

Maaari ko bang hiramin ang aklat mo?

b)

Maaari po ba akong lumabas?

c)

Mabuhay! Maligayang pagdating po sa aming paaralan.

d)

Sori, nasaktan ka ba?

24.

Ibig mong humingi ng pahintulot sa iyong guro upang lumabas.


Ano ang sasabihin mo gamit ang magagalang na pananalita?

a)

Gng. Alma, maaari po ba akong magpunta sa banyo?

b)

Puwedeng ko bang hiramin ito?

c)

Magandang araw po.

d)

Paumanhin at hindi ko sinasadya.

25.

Nais mong hiramin ang aklat ng iyong kaklase.


Ano ang sasabihin mo gamit ang magagalang na pananalita?

a)

Maaari po ba akong lumabas?

b)

Paumanhin at hindi ko sinasadya.

c)

Magandang tanghali po.

d)

Maaari ko bang hiramin ang aklat mo?

26.

Masayang_____________________ngayon ni Roxanne ang bago niyang manyika.

a)

pinaglaruan

b)

pinaglalaruan

c)

paglalaruan

27.

_________________ko pa lang ng mga medyas mo, bakit wala agad?

a)

Kabibili

b)

Binili

c)

Ibibili

28.

___________________________ na kayong lahat dahil parating na ang banda ng musiko.

a)

Naghanda

b)

Maghanda

c)

Maghahanda

29.

Ang dalaga ay _____________________ ng kaniyang ina kapag ito ay sanay na sanay na.

a)

paglalabahin

b)

ipaglalaba

c)

maglalaba

30.

______________________ko ang kalahati ng aking kita tuwing araw ng suweldo?

a)

Itinago

b)

Itinatago

c)

Itago

31.

____________________________ kita ng damit na isusuot mo sa palatuntunan sa Linggo.

a)

Ipinanghiram

b)

Ipinanghihiram

c)

Ipanghihiram

32.

________________ sa trabaho ang lalaki noong isang linggo.

a)

Tinatanggal

b)

Tinanggal

c)

Tatanggalin

33.

Ang aking alagang aso ay ___________________kagabi nang ito’y nakalabas ng bakuran.

a)

nawala

b)

nawawala

c)

mawawala

34.

Ang mga anak ni Aling Julia ay _____________________ sa lupang tinitirikan ng kanilang bahay sa susunod na taon.

a)

ipinaalis

b)

ipinaaalis

c)

paaalisin

35.

__________________________ na ngayon ang lagaring hiniram ni Itay kay Mang Daniel

a)

Kinuha

b)

Kinukuha

c)

Kukunin

36.

ANG TALAARAWAN AY GALING SA SALITANG TALA AT ARAW, ANG PINAIKLING SALITA NG PAGTATALA NG MGA PANGYAYARI________.

a)

KAPAG MAY ARAW

b)

ARAW-ARAW

c)

LINGGUHAN

d)

BUWANAN

37.

ITO AY ISANG URI NG AKDANG TULUYAN NA TUMATALAKAY SA NAKAKATAWA O KAKAIBANG PANGYAYARI O INSIDENTE.

a)

ANEKDOTA

b)

TALAARAWAN

c)

SANAYSAY

d)

TEKSTO

38.

SA PAGSULAT NG TALAARAWAN AY MAHALAGANG MAPAGSUNUD-SUNOD ANG MGA_______.

a)

TAUHAN

b)

TAGPUAN

c)

PANGYAYARI

d)

USAPAN

39.

SA BAWAT PAGSULAT NG MGA PANGYAYARI MAHALAGA ANG PAGTATALA NG_______.

a)

BAGAY

b)

KULAY

c)

PETSA

d)

LUGAR

40.

ANG PANGUNAHING LAYON NG ISANG ANEKDOTA AY ANG MAKAPAGHATID NG ISANG MAGANDANG KARANSAN NA KAPUPULUTAN NG______.

a)

BAGAY

b)

ARAL

c)

PANGYAYARI

d)

TAO

41.

ANG MGA PANGYAYARING ISINUSULAT SA TALAARAWAN AT ANEKDOTA AY DAPAT NA MAGING_____.

a)

PAMALAGIAN

b)

PANSAMANTALA

c)

DI-KAPANI-PANIWALA

d)

MAKATOTOHANAN

42.

SA PAGSULAT NG TALAARAWAN AY KAILANGANG MAAYOS ANG MGA____.

a)

PANANAW

b)

DETALYE

c)

PANIMULA

d)

WAKAS

43.

ANG PAGSULAT NG TALAARAWAN AT ANEKDOTA AY HIGIT NA_______.

a)

PERSONAL

b)

INTERPERSONAL

c)

MAKABAYAN

d)

MASAKLAW

44.

MADALAS NA ANG SUSULATING LARAWAN AY_________.

a)

INILILIHIM

b)

IPINABABASA SA IBA

c)

PINAGTATALUNAN

d)

BINABASA NG MALAKAS

45.

TULAD NG PAGTATALA NG PETSA, DAPAT DING MAGING TIYAK SA PAGSULAT NG_______.

a)

PANIMULA

b)

TAGPUAN

c)

TAUHAN

d)

ORAS

46.

Pinakaaabangan ng mga tao sa Pilipinas ay ang kapistahan sa bawat lugar. Iba't ibang tradisyon ang iyong makikita. Hindi mawawala ang paghahanda ng masasarap na pagkain. Ang iba ay dumarayo pa upang makikain at makipiyesta. May mga palaro at palabas na inihahanda upang maging masaya ang Kapistahan.

a)

Pinakaaabangan ng mga Pilipino

b)

Handaan tuwing Pista

c)

Mga palaro tuwing Pista

d)

Iba’t ibang Tradisyon Tuwing Pista

47.

Sila ang gumagabay sa mga bata. Marami silang sakripisyong ginagawa upang matuto at makapagtapos ang mga bata. Gumagawa sila ng paraan na matuto sa aralin at matutunan din ang magandang ugali mula sa paaralan. Sila rin ang gumagabay at umaalalay sa mga bata. Sila ang mga guro na pangalawang ina ng mga mag-aaral.

a)

Tungkulin ng mga guro sa mga mag-aaral

b)

Pagtuturo ng mga guro sa mga mag-aaral

c)

Paggabay ng mga guro sa mga mag-aaral

d)

Pangalawang ina ang guro ng mga mag-aaral

48.

Mahalaga ang bitamina sa ating katawan. Ito ay nagbibigay lakas at sustansya. Ang mga pagkaing may taglay na bitaminang ito ay ang pagkain ng gulay at prutas, Kaya kung gusto mong malayo sa sakit kumain ka ng gulay at prutas upang ang iyong katawan ay lumakas.

a)

Prutas at gulay

b)

Pagkaing may taglay na bitamina

c)

Mahalaga ang bitamina sa ating katawan

d)

Kumain ng gulay at prutas

49.

Ang pamilya ay isa sa pinakamahalagang antas sa ating Lipunan. Sa dami ng pagsubok na dumarating dapat umiiral pa rin ang pagmamahal sa bawat isa. Pagkakaisa at pagtutulungan ang kailangan upang tumibay ang samahan. Anumang pagsubok ang kaharapin dapat maging matatag ang bawat isa. Sapagkat ang pamilya ay biyaya ng ating Panginoon.

a)

Pagmamahalan

b)

Pagkakaisa

c)

Ang Pamilya

d)

Biyaya ng Panginoo.

50.

Isa sa mga katangian ng mga Pilipino ay ang mabuting pagtanggap o pakikitungo sa mga bisita. Kapag may inaasahang bisita ang isang miyembro ng pamilya. Bawat isa ay abala sa paglilinis at paghahanda ng mga pagkain. Nagluluto at naghahanda ng masasarap na pagkain ang pamilya. Nag-iisip din sila ng maaaring ipauwi sa bisita.

a)

Isa sa mga katangian ng mga Pilipino

b)

Mabuting pagtanggap sa mga bisita

c)

Ang paghahanda ng pamilya

d)

Ang pakikitungo sa mga bisita.

51.

May ibat ibang ibig sabhin at simbolo ang bawat kulay. Ang puit ay kalinisan. Ang asul ay kapayapaan at ang pula naman ay tanda ng katapangan. Ang kulay rosas naman ang simbolo nito ay pag-ibig at panibugho naman ang dilaw. Kasaganaan nman ang berde at kalungkutan at pagdadalamhati ang dala ng kulay itim. Maarami pang kulay ang may ibat ibang kahulugan.

a)

Ang mga kulay

b)

Maraming mga kulay

c)

Ang iba’t ibang kulay

d)

Ang simbolo at kahulugan ng kulay

52.

Ang aklat ay nagbibigay ng kaalaman, impormasyon at ito ang mahalagang gamit sa paagkatuto. Ito rin ang daan natin sa ating paglalakbay sa iba’t ibang panig ng bansa sa pamamagitan lamang ng pagbabasa. Ito rin ang nagpapagbabago sa ating pagkatao at paniniwala. Ang lahat ay matutunan natin sa pamamagitan ng aklat lalo na ang mga salita ng ating Panginoon.

a)

Gamit at kahulugan ng aklat

b)

Pagbibgay kaalaman

c)

Ang aklat

d)

Ang pagbabasa ng aklat

53.

Tuwing hapon pagkatapos gumawa ng takdang aralin ni Mary Rose ay pumupunta siya sa palaruan. Nakikipagkita siya sa kanyang mga kaibigan. Doon ay marami na silang nakikitang naglalaro at iba’t iba ang mga ginagawa. Abala ang lahat at halos walang maupuan. Libangan na niyang pumunta sa palaruan.

a)

Ang pinupuntahan ni Mary Rose

b)

Tuwing hapon pagkatapos gumawa ng takdang-aralin

c)

Ang paglalaro ni Mary Rose

d)

Ang Takdang-aralin ni Mary Rose

54.

Maaga pa ay gising na ang lahat ng tao sa bahay nila Mang Edgar. Abalang-abala ang lahat sa pag-aayos at paghahanda. Lahat ay masaya at nakabihis ng magagandang damit . Naghahanda na sila papunta sa simbahan. Nakasuot ng magandang damit na kulay puti si Maricar. Ito ang araw na pinakahihintay ni Maricar ang kanyang kasal.

a)

Paggising ng Pamilya ni Mang Edgar

b)

Pag-aayos ng Pamilya ni Maricar

c)

Araw na pinakahihintay na kasal

d)

Ang pamilya ni Mang Edgar

55.

Si Leslie ay masipag gumawa ng kanyang takdang-aralin. Tuwing hapon bago siya maglaro ay gingawa na muna niya ang kangyang takdang aralin. Tumutulongdin siya sa ga waing bahay kaya naman tuwang tuwa ang kanyang magulang. Ipinagmamalaki siya sapagkat siya ay mabait at masunuring anak. Si Leslie rin ay mapagmahal na anak.

a)

Ang magagandang ugali ni Leslie.

b)

Ang pag- aaral ni Leslie

c)

Ang paglalro ni Leslie

d)

Ang takdang aralin ni Leslie

56.

Noong araw na dumating si Jordan sa kanilang bahay, agad na nagkaroon ng engkuwentro sa kanilang dalawa.

a)

away

b)

galit

c)

inggit

d)

tampo

57.

Ang sampung ito ay nilusaw ng nakaraang bagyo.

a)

nakita

b)

napunta

c)

nawala

d)

tinunaw

58.

"Bakit po ba kasi hindi na lang natin ipamigay 'yang Jordan na 'yan," pagmamaktol ni Omar nang makita ang nasira niyang gamit.

a)

naiinis

b)

nagagalit

c)

nagrereklamo

d)

nagwawala

59.

Hanggang sa may natanaw siyang ulo na mas malapit sa kaniya kaysa sa kaniyang tatay.

a)

narinig

b)

naamoy

c)

nakita

d)

nahulaan

60.

Nakilala niya ang naglakas-loob na sumagip sa kaniya, si Jordan.

a)

nagligtas

b)

umaway

c)

nagpasalamat

d)

nagpalakas ng loob