NEW
Font size
WorksheetsEconomics Reviewer
Total questions: 12
Worksheet time: 4mins
Ito ang sinasabing pangunahing suliranin sa disiplina ng Ekonomiks dahil ang tao raw ay may __________ needs habang ang lipunan ay mayroong ___________ resources.
Limited; Unlimited
Unlimited; limited
Limited; Limited
Unlimited; Unlimited
Ang Ekonomiks ay nagmula sa dalawang salitang Griyego na “oiko” at “nomos” na pagpinagsama at nangangahulugang ______________.
Business Management
Resource Management
Household Management
Legal Management
“GDP Posted a Growth of 7.7 Percent in the Fourth Quarter of 2021, Resulting in a 5.6 Percent Full-year Growth in 2021.”
Ito ay halimbawa ng anong uri ng pahayag sa Ekonomiks?
Positibong Pahayag
Normatibong Pahayag
Ekonomikong Pahayag
Opinyon
Ito ay teorya sa Ekonomiks kung saan sinasabing nakabatay ang pagpapatakbo ng ekonomiya sa demand at supply na sumasalamin sa rational choices ng indibidwal na mga mamimili at manininda. Gumagamit din ito ng mga modelo sa pagpapaliwanag.
Classical Economics
Socialist / Communist Economics
Keynesian Economics
Neo-Classical Economics
Ito ay sistemang ekonomiko kung saan ang Gobyerno o estado ang magsisilbing “control tower” ng ekonomiya na siyang magdedesisyon kung ano, paano, at para kanino ang ipoprodyus sa loob ng ekonomiya.
Market Economy
Green Economy
Mixed Economy
Command Economy
Alin sa mga factors of production ang tumutukoy sa Durable resources o ‘man-made’ na mga bagay gaya ng makinarya, equipment, pati na technological or scientific na kaalaman na ginagamit para mapaunlad ang produksyon?
Land
Labor
Capital
Entrepreneur
Sa Ekonomiks, ito ay tumutukoy sa second-best alternative option na HINDI mo nagawang piliin sa paggawa ng desisyon, dahil limitado ang iyong resources.
Trade-off
Opportunity Cost
Marginal Benefit
Marginal Cost
Sa Ekonomiks, ito ang tawag sa mga bagay o kondisyon na may layunin na impluwensiyahan ang desisyon ng indibidwal. Madalas, nadadagdagan nito ang marginal benefit sa paggawa ng desisyon ng indibidwal.
Incentive/s
Rational Choice
Law of Attraction
Bonus
Sa pagsusuri ng Producton Possibilities Frontier (PPF), masasabing efficient ang lebel ng produksyon kung punto ng pagpoprodyus ay ___________.
Nasa loob ng kurba
Nasa labas ng kurba
Nakalapat sa kurba
Wala sa nabanggit
Ito ay kalagayan kung saan ang ang mga miyembro ng lipunan ay ng nakatatanggap ng sapat at/o pantay na mga benepisyo ng pinagkukunang-yaman. Sumasalamin sa paghahati sa economic pie.
Equality
Equity
Efficiency
Effectivity
Ano ang tamang formula para makuha ang outsanding balance kung kayo ay gagawa ng Personal Income and Expense Statement (PIES)?
Total Expenses - Total Income
Total Income - Total Expenses
Total Income + Total Expenses
(Total Income)(Total Expenses)
Ayon sa Batas ng Demand ceteris paribus, anong mangyayari sa quantity demanded kapag TUMAAS ang presyo ng produkto?
Bababa ang quantity demanded
Tataas ang quantity demanded
Bababa ang quantity supplied
Tataas ang quantity supplied
