wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagpapahalaga at Pagtupad sa Responsibilidad (Assimilation)

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa sinabi, ginawa, o anumang bagay na hindi

pinananagutan, o walang pagsasaalang-alang sa kapuwa.

a)

matapat

b)

responsable

c)

iresponsable

d)

pagsisinungaling

2.

Ito ay tumutukoy sa lahat ng tao sa paligid.

a)

kapuwa

b)

kapitbahay

c)

kaibigan

d)

pamayanan

3.

Ito ay pahayag na tumitiyak sa pagtupad o hindi pagtupad sa isang

bagay. Ito rin ay tumutukoy sa anumang ginagamit bilang garantiya.

a)

kilos

b)

pangako

c)

sumpa

d)

katapatan

4.

Sa mga pagkakataon na ikaw ay hindi nakakatupad sa isang

kasunduan o sa iyong mga ipinangako, ano ang dapat mong gawin?

a)

Huwag na lamang ito pag-usapan at hayaan na ito ay makalimutan

ng taong iyong pinangakuan.

b)

Iwasan ang taong pinangakuan upang makaiwas sa pagtatalo o

paninisi na hindi kinakailangan.

c)

Humingi ng paumanhin at ipaliwanag ang dahilan kung bakit hindi

ka nakatupad sa pangako o kasunduan.

d)

Hintayin na lumapit o komprontahin ka ng taong iyong

pinangakuan upang malaman kung masama ba ang loob niya sa iyo

o hindi.

5.

May kasabihan na pagdating sa pangako, “huwag mong yakapin ang

puno kung alam mong hindi mag-aabot ang iyong mga kamay”. Ano

ang ibig sabihin nito?

a)

Ang pangako ay palaging may kaakibat na pananagutan.

b)

Huwag kang magbibitaw ng pangakong hindi mo kayang tuparin.

c)

Simple o mahirap man ang iyong binitiwang pangako ay dapat mo

itong tuparin.

d)

Kailanman ay huwag kang mangangako upang ikaw ay makaiwas

na makasakit ng damdamin ng iyong kapuwa.

6.

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging

responsable sa kapuwa MALIBAN sa:

a)

Pangangako kahit mahirap itong gawin.

b)

Pagtupad sa mga pangako o kasunduan.

c)

Pagiging matapat sa anumang sitwasyon.

d)

Pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa kapuwa.

7.

Natuwa si Jacky nang ibinigay ng kaniyang nanay ang ipinangako

nitong bagong cellphone na kaniyang gagamitin sa online class.

Ngunit hindi ito ang tatak ng cellphone na kaniyang gusto at ito lang

ang nakayanang bilhin ng kaniyang nanay. Naging responsable ba ang

nanay ni Jacky?

a)

Opo, dahil natuwa si Jacky sa ibinigay ng kaniyang nanay.

b)

Hindi po, dahil hindi niya binili ang tatak ng cellphone na gusto ni Jacky.

c)

Hindi po, dapat hindi na lang siya bumili para hindi sumama loob

ni Jacky.

d)

Opo, sapagkat tinupad niya ang kaniyang pangako na ibibili ito ng

cellphone.

8.

Isang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin isinasauli ng kaibigan

ni Coralie ang kaniyang aklat. Ipinangako ito na ibabalik rin

kinabukasan mula ng hiniram ito. Kung ikaw si Coralie, ano ang

gagawin mo?

a)

Isusumbong ito sa kaniyang magulang upang siya ay mapagalitan.

b)

Iisipin ko na lamang na ito ay nakalimutan niya at hindi sinasadya.

c)

Tuturuan ko siya na maging responsable at matutong magsauli ng

hiniram na gamit sa tamang oras.

d)

Hindi ko na papansinin ang kaibigan upang maramdaman niyang

masama ang loob ko sa hindi niya pagsauli ng aking aklat.

9.

Ipinangako ng Tatay ni Karen na pagdating niya mula sa trabaho ay

tutulungan at gagabayan niya ito sa kaniyang mga gawain sa module.

Ngunit dahil sa pagod ay nakatulog na ito pagdating niya sa bahay. Ano

sa palagay mo ang dapat na maging tugon ni Karen dito?

a)

Sasama ang loob at hindi na muling hihingi ng tulong mula sa

kaniyang tatay.

b)

Kakausapin ang kaniyang tatay hinggil sa nangyari at sasabihin

ang saloobin hinggil dito.

c)

Ipagsasawalang kibo na lamang ito at humingi na lamang ng tulong

mula sa ibang tao.

d)

Umiyak na lamang at kalimutan ang nangyari dahil pagod ang

kaniyang tatay mula sa trabaho.

10.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging responsable?

a)

Si Jaypee na isinasauli ang mga gamit na kaniyang hinihiram sa

takdang-oras.

b)

Si Janine na pinasasagutan ang mga gawain sa module sa

kaniyang mga magulang.

c)

Si Louie na nililibre ang kaniyang mga kaibigan gamit ang perang

ibinibigay ng kaniyang mga magulang.

d)

Si Mico na ipinakokopya ang sagot niya sa module sa kaniyang

mga kaklase upang sila ay hindi na mahirapang pumasa.