wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP Quarter 2

Total questions: 10

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Kaarawan ng iyong Tatay, naatasan ka ng iyong ina na maglinis ng bahay para sa paghahanda sa araw na iyon. Ngunit inaaya ka ng iyong kaibigan na maglaro. Ano ang iyong gagawin?

a)

Sasama ako sa kaibigan ko upang maglaro

b)

Susundin ko ang aking ina at ako ay maglilinis.

c)

Sasabihin ko sa aking kapatid na siya ang maglinis.

2.

Nakita mo ang iyong Ate na tanghali pa ay hindi pa bumabangon kaya ikaw ay nagtataka dahil lagi siyang maagang gumigising. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Pupuntahan ko ag aking Ate sa kaniyang silid upang alamin kung okay lang ba siya.

b)

Hahayaan ko siya para mapagalitan nila Nanay at Tatay.

c)

Isusumbong ko kila Nanay na tanghali na tulog pa ang aking Ate.

3.

Pauwi kana galing eskwelahan at nakita mo na ang iyong kaklase na pilay ay hinaharot ng mga bata dahil sa kanyang kapansanan. Ano ang iyong gagawin?

a)

Hindi ko sila papansinin

b)

Hahayaan ko nalang siya, hindi ko naman siya kaklase.

c)

Lalapitan ko at susuwayin ang mga batang

4.

May sakit ang iyong Nanay, tanghali na wala pa kayong ulam o kakainin bilang nakatatandang kapatid ano ang dapat mong gawin. Upang makatulong?

a)

Magluluto ako ng aming pagkain at pagpapahingahin ang aking ina.

b)

Tatanungin ko sa aking ina kung kaya ba niya magluto

c)

Pupunta ako sa mga Lola ko at hihingi ng ulam.

5.

Si Yuan ay galing sa laruan at nagugutom , ngunit naubusan siya ng pagkain. Nakita niya ang kanyang tatay na naglilinis ng bakuran. Ano dapat gawin ni Yuan?

a)

Bumalik sa laruan

b)

Magdabog dahil hindi siya tiniran ng pagkain

c)

Lapitan ang kanyang Tatay at sabihin na nagugutom siya at pagkatapos ay tulungan sa ginagawa.

6.

Si Gavin ay mayroong natatanging kakayahan sa pag sayaw, ito ay napansin ni Ginoong Caranto kaya’t ipanlalaban siya. Sa iyong palagay ano ang magiging desisyon ni Gavin?

a)

Tatanggapin ng buo ang loob at mag eensayo

b)

Magtatago sa aking silid

c)

Hindi papayag dahil natatakot matalo.

7.

Habang papasok sa paaralan si Cristine may nakasalubong siyang namamalimos at napansin niya na ito ay bulag. Bilang bata ano ang iyong gagawin tulad ni Cristine?

a)

Bibigyan ko ng aking baon na pagkain at tutulungan ko sa direksyon na kaniyang pupuntahan.

b)

Hindi ko papansinin

c)

Itutulak ko siya dahil nakakatakot

8.

Maagang nagising si Lj at bilin ng kaniyang magulang na iligpit ang kaniyang pinag higaan. Ano ang nararapat niyang gawin?

a)

Huwag sundin ang bilin ng magulang

b)

Magtulug tulugan para hindi magligpit

c)

Iligpit ang kaniyang pinaghigaan dahil obligasyon niya iyon.

9.

Alin sa mga sumusunod ang batang HINDI nagpapakita nang katatagan ng loob?

a)

Mabilis magalit

b)

Nag-iisip muna bago gumawa ng anumang aksiyon

c)

May pagpipigil sa sarili upang huwag makapanakit ng iba

10.

Sa inyong talakayan sa klase ay sumagot ang kaklase mong may bingot. Hindi ninyo masyadong naunawaan ang kaniyang sinabi. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Makikinig ako sa sagot ng kaklase ko.

b)

tatayo rin ako at sasabayan ko siyang sumagot upang maunawaan ng iba kong kaklase.

c)

Sasabihin ko sa katabi ko ang tamang sagot.