wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Quiz Q4W1 ESP7

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang mga instrumento sa proseso ng wasto at mabuting pagpapasya ayon sa uri ng buhay?

a)

Isip at damdamin

b)

Damdamin at panahon

c)

Isip at Kilos Loob

d)

Panahon at sitwasyon

2.

Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang magsisi sa iyong pasiya, kailangan mong…

a)

Gawin na lamang ang magpapasiya sa mas nakararami.

b)

Huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakikilos hanggang hindi ka nakapipili.

c)

Pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri.

d)

Gawin na lamang kung ano ang magpapasiya sa iyo.

3.

Kahit na binigyan ng magandang pwesto sa kumpanya si Elle ng kanyang ama sa kanilang kumpanya, pinili pa rin nito ang magtayo ng sariling negosyo. Ito ang tunay na nagpapasaya sa kanya.

a)

Mahalaga kay Elle ang kanyang pansariling kaligayahan

b)

Mas mahalaga na masaya ang tao sapagkat maikli lamang ang buhay.

c)

Nakakahiya namang mabansagang COO o Child of Owner sa isang kumpanya bagama’t ikaw ay mahusay na CEO.

d)

Kinakailangan ding isaalang-alang ang damdamin sa paggawa ng pasya.

4.

Ang pakahulugan sa moral dilemma ayon kay Kohlberg “Ito ay mga sitwasyong nagpapahayag ng dalawang magkasalungat na posisyon na kinapapalooban ng dalawang magkaiba o nagtutunggaling pagpapahalaga. Ibig sabihin nito na:

a)

Mahirap ang magpasya dahil ito ay nagiging sanhi ng pagtatalo ng isip tungkol sa mga iba’t ibang mga posisyon.

b)

Ang pagpapasya ay pagpili sa maraming pamimilian.

c)

Madali lang magpasya kung alam natin ang sarili nating mga pagpapahalaga.

d)

Ang pagpapasiya ay nababatay sa ating mga pagpapahalaga.

5.

Ano ang una at pinakamahalagang sangkap na kinakailangan sa anumang

pagpapasya?

a)

Alituntunin

b)

Layunin

c)

Dahilan

d)

Panahon

6.

Saan nakabatay ang proseso ng mabuting pagpapasya?

a)

kaligayahan

b)

Pagpapahalaga

c)

Hilig

d)

Kagustuhan

7.

Alin sa mga sumusunod na gawain ang HINDI makakatulong sa paggawa ng mabuting pagpapasya?

a)

Maging matalino at mapanagutan sa pagpapasya.

b)

Huwag mag-alala dahil nandyan lagi ang magulang na magpapasya para sa iyo.

c)

Manalangin at humingi ng gabay sa Panginoon.

d)

Pag-aralang muli ang pasya.

8.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI hakbang sa paggawa ng mabuting pagpapasya?

a)

Isulat ang takdang panahon ng pagtupad nito

b)

Magnilay sa mismong aksyon

c)

Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasya

d)

Magkalap ng kaalaman

9.

Sa araling tinalakay na “Ang Mabuting Pagpapasya” ano ang klase ng laro maihahalintulad ang pagpapasya natin sa buhay?

a)

Tennis

b)

Volleyball

c)

Chess

d)

Arnis

10.

Ito ay bunga ng proseso ng pagpapasya na ang lahat ng kilos ng tao. Ibig sabihin nito na...

a)

Kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa

b)

Ang lahat ng ating kilos ay nababatay sa ating isip at kilos-loob

c)

Ang mga kilos ng tao ay hindi pinag-iisipan

d)

Ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasya ang mga kilos ng tao