wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 6 Mga Natatanging Pilipino WW

Total questions: 10

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Si Nora Aunor ay dating nagtitinda lamang ng tubig sa may riles ng tren.  Sa kanyang pagtitiyaga ay naging matagumpay at sikat na aktres.

a)

Dapat Tularan

b)

HINDI

Dapat Tularan

2.

Matiyagang inaral ni Efren “Bata” Reyes ang fundamentals ng paglalaro ng bilyar habang nagtatrabaho sa umaga at ipinapraktis nya ang kasanayan tuwing gabi.

a)

HINDI

dapat tularan

b)

DAPAT

tularan

3.

Ang isang sikat na boksinggero ay nalulong sa masamang bisyo at nawala ang kanyang mga naipundar sa buhay.

a)

HINDI

dapat tularan

b)

DAPAT Tularan

4.

Matapos mapatay ang kanyang asawa sa laban, pinamunuan ni Gabriela Silang ang grupo ng mga rebolusyonaryo laban sa mga Kastila sa Ilocos.

a)

DAPAT

tularan

b)

HINDI

dapat tularan

5.

Dahil hindi pa makapasok sa paaralan dahil sa pandemya, hindi na ipinagpatuloy ni Jun ang kanyang pag-aaral kahit pa siya ay ginagabayan ng kanyang ate.

a)

DAPAT

tularan

b)

HINDI

dapat tularan

6.

Noong apat na taon si Cris Kesz Valdez, siya ay umalis sa kanyang tirahan dahil sa pang-aabuso ng kanyang ama. Nagsimula siya ng isang organisasyon noong siya ay sa edad na labing tatlo. Ang organisasyon niya ay tumutulong sa mga naabusong mga bata na nakatira sa mga lansangan ng Cavite.

a)

HINDI

dapat tularan

b)

DAPAT

tularan

7.

Mabilis panghinaan ng loob si Mayi.  Nawalan ng trabaho ang kanyang ina dahil sa pandemya.  Hindi na nabibili ng kanyang ina ang lahat ng gusto ni Mayi kaya araw-araw na lang siyang umiiyak.

a)

HINDI

dapat tularan

b)

DAPAT

tularan

8.

Namatay ang lolo ni Dusik at nawalan din siya ng trabaho.  Dahil sa sobrang kalungkutan, mas minabuti niyang tumulong sa mga tao sa kanyang pamayanan.  Kahit sino pa ang nangangailangan ay kanyang tinutulungan gaya ng pagbubuhat ng paninda, pagbabantay ng tindahan, pag-aayos ng mga sira sa bahay, pagtuturo sa mga bata at marami pang iba.  Dahil dito, marami ang nagmamahal kay Dusik at nalilimutan na rin niya ang kanyang kalungkutan. 

a)

HINDI

dapat tularan

b)

DAPAT

tularan

9.

Nais ni Mimi na manalo sa paligsahan ng paglangoy.  Araw-araw ay nagsasanay sila ng kanyang coach. Kasama sa kanilang pagsasanay ang pagkain ng wasto at pag-eehersisyo. Subalit, ayaw ni Mimi ang ganoong klaseng pagsasanay dahil nahihirapan siya.  Kaya, kinalimutan na lang ni Mimi ang kanyang pangarap.

a)

DAPAT

tularan

b)

HINDI

dapat tularan

10.

Si Malala Yousafzai ay isang dalagang ipinaglaban ang karapatan ng mga babae sa edukasyon at sa iba pang larangan, laban sa mga teroristang Taliban.  Nagsulat siya sa kanyang blog ng kaniyang mga naging karanasan upang malaman ng buong mundo ang kanilang sitwasyon.  Dahil sa kaniyang ginawa, siya at dalawa pang dalaga ang binaril ng terorista.  Bagama’t may takot dahil sa nangyari, hindi tumigil si Malala sa kanyang adbokasiya para sa edukasyon para sa lahat.  Nanalo siya ng iba’t ibang international awards at nagsulat ng ilang aklat.

a)

DAPAT

tularan

b)

HINDI

dapat tularan