NEW
Font size
WorksheetsInflation
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Kung ang implasyon ay demand-pull inflation sa paanong paraan ito malulutas?
Ang supply ng salapi sa merkado ay dapat limitahan upang makontrol ang labis na paggasta.
Pagpapataas sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon.
Maghikayat ng pautang sa mababang interes upang mapasigla ang paggasta.
Pagdaragdag ng maraming trabaho upang mapasigla ang ekonomiya.
Maling sagot
Kung si Anthony ay nakabili ng 45 inches na TV noong taong 2009 sa halagang Php 25,000.00 at ngayong 2020 ay kailangan niyang muling bumili ngunit ang halagang kanyang mabibili sa kaparehong presyo ay hindi na kasing laki ng dati niyang nabili noong taong 2009. Ano ang tamang paliwanag sa pangyayari?
Hindi na available sa merkado ang kaparehong brand ng TV.
Ang Php 25, 000.00 nuon ay hindi na kapareho ng halaga sa kasalukuyan.
Sarado na ang tindahang dati niyang pinagbilhan.
Wala siyang trabaho upang makabili ng TV.
Maling sagot
Sa paanong paraan nalulugi ang mga nagpapautang sa panahon ng implasyon?
Hindi na sila binabayaran.
Sobra ang perang natatanggap.
Bayad na isang libo na tinanggap ay bumababa sa tunay na halaga nito.
Tumataas ang halaga ng salapi kaya dapat mataas din ang ibabayad sa kanya.
Maling sagot
Bilang isang mag-aaral at mamimili paano ka makakatulong sa paglutas ng implasyon? Ako ay bibili lamang . . . . . .
sa mga pamilihang rehistrado upang matiyak ang presyo.
ng sapat sa pangangailangan.
sa mga kakilala upang makatawad.
ng mga produktong bagsak ang presyo.
Maling sagot
Kung ikaw ay may nakitang negosyante na nagsasagawa ng hoarding ano ang iyong gagawin?
Isusumbong sa kinauukulan dahil isa sila sa dahilan kung bakit lalong tumataasang presyo ng mga produkto.
Hindi na makikialam at baka mapahamak pa.
Magkikibit-balikat na lang.
Iaasa na lamang sa pamahalaan ang pagtuklas.
Maling sagot
Si Christoff ay umutang kay Justin ng Php 100.00 na ipinambili ng isang kilong isda sa kalukuyan. Kung 5% ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano ang halaga ng isang kilong isda?
Php 110.00
Php 95.00
Php 105.00
Php 100.00
Maling sagot
Kung sa kasalukuyan ay may implasyon ang CPI noong nakaraang taon ay 100 at ang CPI sa kasalukuyan ay 125, ano ang kahulugan nito?
Ang price index ng batayang taon ay 125
Ang market basket ay 125
Ang halaga ng market basket sa kasalukuyan ay 25% na mas mataas kaysa sa batayang taon
Ang halaga ng market basket sa kasalukuyan ay 125% na mas mataas kaysa sa batayang taon.
Maling sagot
Ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng presyo nang halos lahat ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan?
Resesyon
Implasyon
Depresyon
Deplasyon
Maling sagot
Piliin sa mga sumusunod ang naaapektuhan sa tuwing may implasyon.
Mga nagpapautang
Nangungutang
Taong di-tiyak ang kita
Speculators
Maling sagot
Sa paanong paraan malulutas ang demand-pull inflation?
Palakasin ang lakas paggawa upang mapataas ang produksiyon.
Pagbubukas ng maraming trabaho upang mapasigla ang ekonomiya.
Pagpapautang ng may mababang interes upang makaengganyo ng mga mangangalakal na magnegosyo
Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya
Maling sagot
