NEW
Font size
WorksheetsPANITIKANG TULUYAN
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Anong akdang pampanitikan ang bunga ng malikhaing pag-iisip na gumagamit ng mga tauhang hayop?
Parabula
Pabula
Alamat
Maikling Kuwento
Anong katha ang may mga simpleng pangyayari, may mga kilos na organisado, may tunggalian ng mga tauhan, may banghay, may kasukdulan at may katapusan o wakas?
Sanaysay
Balita
Talumpati
Maikling Kuwento
Anong uri ng akdang pampanitikan ang nasa larawan?
Maikling Kuwento
Nobela
Dula
Sanaysay
Ito ay kathang nagsasaad o nagpapaliwanag tungkol sa pinagmulan ng isang bagay, pook at pangalan. Alin ito?
Alamat
Balita
Nobela
Pabula
Ano uri ng panitikan ang naglalaman ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral? Ito ang uri ng kwentong ginagamit ng ating Panginoong Hesukristo sa kanyang pangangaral. Ilan sa pinakakilalang halimbawa ay Ang Mabuting Samaritano.
Pabula
Parabula
Alamat
Talambuhay
Naglalahad ng mga pang- araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa. Ano ito?
Sanaysay
Dula
Balita
Talumpati
Anong uri ng akdang tuluyan na naglalarawan ng mga pangyayari sa buhay ng tao sa pamamagitan ng mga tauhang gumaganap sa ibabaw ng tanghalan?
Alamat
Talambuhay
Nobela
Dula
Ito ay tumutukoy sa pook na pinangyarihan ng kwento at kasama rito ang panahon, oras, at kapaligiran na makatutulong nang malaki sa pagbuo ng namamayaning damdamin. Ano ito?
Tauhan
Tagpuan
Tema
Banghay
Ito ay buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Alin ito?
Sanaysay
Dula
Talumpati
Anekdota
Ito ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa nakatutuwa o kakaibang pangyayari o insidente. Ang mga ito ay likhang - isip lamang ng mga manunulat. Ano ito?
Anekdota
Dula
Talambuhay
Sanaysay
