wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pamahalaang Barangay Gr. 4

Total questions: 10

Worksheet time: 4mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang pinakamaliit na yunit ng isang pamahalaang lokal.

a)

barangay

b)

bayan

c)

lalawigan

d)

lungsod

2.

Ang pamahalaang barangay ay pinamumunuan ng _____.

a)

alkalde

b)

gobernador

c)

kagawad

d)

punong barangay

3.

Alin sa mga sumusunod ang hindi tungkulin ng punong barangay?

a)

gumawa ng pambansang batas

b)

ipatupad ang ordinansa sa nasasakupang barangay

c)

maglingkod sa nasasakupan sa loob ng 3 taon

d)

mamahala sa mga gawain at proyekto sa kanyang nasasakupan

4.

Sino ang inaasahang nasa barangay hall para tumulong sa mga taong dumudulog sa tanggapan?

a)

barangay secretary

b)

barangay kagawad

c)

barangay tanod

d)

barangay kapitan

e)

lahat ng nabanggit

5.

Ang gumagawa ng mga ordinansa, alituntunin, at patakarang ipinatutupad sa barangay ay ang ___________.

a)

Lupong Tagapamayapa

b)

Lupong Tagapagbatas

c)

Sangguniang Kabataan

d)

Barangay kagawad

6.

Ang Lupong Tagapamayapa ang siyang nagsisilbing _______ sa barangay na may kapangyarihang lumitis sa maliliit na kasong kinasasangkutan ng mamamayan nito.

a)

tagapagpaganap

b)

tagapaghukom

c)

tagapagbatas

d)

tagapag-ulat

7.

Alin ang HINDI halimbawa ng ordinansa sa barangay?

a)

pagpapataw ng buwis sa mga mamamayan

b)

pagtatalaga ng oras ng curfew para sa mga kabataan

c)

pagbabawal sa pagpapadumi ng alagang aso sa mga kalye

d)

pagtatalaga ng oras sa paglalabas ng basura

8.

Alin ang tungkulin ng sangguniang Kabataan?

a)

Lumitis ng kaso ng pagnanakaw at pananakit sa kapwa

b)

manguna at magpatupad ng mga youth-oriented na proyekto

c)

magpanimula ng rally o pag-aaklas laban sa proyekto ng barangay

d)

magpatayo ng impraestraktura gaya ng basketball court

9.

Aling proyekto ng barangay ang pakikinabangan ng mga kabataan upang malayo sa masasamang bisyo at lumakas ang katawan?

a)

pa-liga ng basketball

b)

pagpapatayo ng computer shop

c)

pagbabawal sa paggamit ng videoke sa oras ng online class

d)

pamamahagi ng mga gamit sa paaralan

10.

Paano mo maikukumpara ang pamahalaang barangay sa pamahalaang pambansa?

a)

parehong malaki ang kanilang nasasakupan

b)

parehong may sangay na ehekutibo, lehislatibo at hudikatibo

c)

parehong pinamumunuan ng pangulo

d)

mas malapit sa mga mamamayan ang pamahalaang pambansa kaysa pamahalaang barangay