Font size
WorksheetsQuiz 1: Mapanagutang Lider at Tagapasunod & Pagpapasalamat
Total questions: 13
Worksheet time: 16mins
Si Fei ay naatasang maging lider ng isang grupo sa klase dahil sa malaki ang tiwalang naibibigay sa kaniya ng kaniyang grupo. Anong katangian ng isang lider ang makikita mo kay Fei?
Matalinong Pagpapasiya
May Integridad
Tapat
Marunong Makipagsapalaran
Ang mapanagutang lider ay huwaran at inspirasyon. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang maaaring sumuporta sa pangungusap na ito?
Si Neil na may kakayahang iangat ang kaniyang mga kagrupo kahit pa na sila mismo ay nagdududa sa sariling kakayahan.
Si Deo na iniisip ang kapakanan ng kaniyang mga kagrupo bago humantong sa isang pagpapasiya.
Si Migz na isinasakilos ang mga nabanggit na salita ng grupo dahil naniniwala sila sa kasabihang, "Walk the talk".
Si Eman na mayroong positibong pananaw para sa kaniyang mga kagrupo kahit pa sila ay nagkakaroon ng pagsubok.
Mahalaga na bilang isang miyembro ng grupo ay nagagawa mo din ang iyong trabaho. Bakit ba ito mahalaga?
Ang mapanagutang katrabaho ay hindi dapat natatakot na sumubok ng ibang bagay na ikakaunlad niya maging ng grupo.
Ang mapanagutang katrabaho ay hindi nagpapatinag sa mga pagsubok sa halip ay positibo sa lahat ng bagay.
Ang mapanagutang lider ay ulirang kasapi at nagagawa dapat ang mga naitas na trabaho sa kaniya para sa ikauunlad ng lahat.
Lahat ng nabanggit.
Bilang isang lider na nahaharap sa madaming pagsubok, paano mo hihikayatin ang iyong mga kagrupo na magpatuloy sa inyong layunin?
Maging simbolo at solusyon, nasa iyo lahat ng kasagutan sa pagsubok na hinaharap.
Maging matatag at madiskarte sa lahat ng iyong naiisip bilang pinuno.
Maging bukas sa kanilang mga suhestyon at opinyon at ipakita na makakayanan ang lahat
Maging rason ng pagkakaisa kahit pa na malabo ang mga hakbangin.
Napanghihinaan ng loob si Luisa bilang iyong kagrupo dahil pakiramdam niya ay laging naiiba ang kaniyang saloobin at opinyon sa tuwing may pangkatan kayong gawain. Bilang pinuno ng inyong grupo, ano ang marapat mong gagawin?
Pakinggan lang ang kaniyang mga opinyon at sabihing walang magandang maidudulot ang mga ito.
Hayaan siyang magbigay ng kaniyang saloobin at ipakita na kunwari ay may paki ka.
Pakinggan pa rin ang kaniyang mga opinyon at ganyakin din ang iba na makinig sa kaniyang sinasabi, saka pagnilayan kung ano ang maaaring gawin.
Kausapin siya ng personal at sabihing sa iyo na lamang ikwento lahat ng kaniyang opinyon at huwag na sa buong grupo.
Kahit hindi alam ni Renjun ang umawit at sumayaw ay pinursige niyang matutuhan ito dahil naatasan ang kanilang grupo na magtanghal sa nalalapit na pagdiriwang ng Foundation Day ng kanilang paaralan. Bilang isang lider ng grupo, ano kaya sa mga sumusunod na katangian ang iyong naipakita upang magpursige ang iyong kasamahan?
Marunong makipagsapalaran
Naniniwala sa kanilang kakayahan
Naglilingkod sa kapwa
May positibong pananaw at saloobin
Paano nagtatagumpay ang isang grupong may iba't-ibang pananaw at saloobin?
Kapag kanilang ginagampanan ang kani-kanilang tungkulin, lider man o katrabaho.
Nakikinig at sumusunod lamang sa pinuno nang walang pagaalinlangan dito.
Naniniwala sa kakayahan ng bawat isa.
Wala sa nabanggit.
Marapat lamang ba na ang lider at tagapasunod ay nagiging mapanuri sa lahat ng bagay? Bakit?
Oo, dahil maaaring mabiktima din ang buong grupo kung magiging padalos-dalos sila sa kanilang mga nababasa at sa kanilang desisyon
Hindi, dahil wala naman itong kinalaman sa buong samahan ng grupo
Marahil, dahil bibihira lang din naman ang mga naiitas na gawain patungkol sa "fact checking"
Ang salitang "pasasalamat" ay may katumbas na salita sa wikang Ingles na?
thankful
gratitude
grateful
pleased
Ayon sa kaniya, isang tungkulin ng tao ang maging mapagpasalamat sa kabutihan ng kapwa. Sino ito?
Pope John Paul II
John Maxwell
St. Augustine
St. Thomas Aquinas
Saan nagmula ang salitang "gratitude"?
sa salitang griyego na "grata"
sa salitang latin na "gratum"
sa salitang pranses na "gracie"
sa salitang latin na "gratus"
Napapansin ng mga kaklase ni Emi na masyadong siyang nagiging "mayabang" sa lahat ng kaniyang napagtatagumpayan nang hindi naiisip na malaki din ang nagawa ng kaniyang grupo upang maabot ito. Anong katangian mayroon si Mei?
Hindi kuntento sa buhay
Mapagmalaki
Sinungaling
Mapanghusga
Pumili ng tatlo: Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang taong mapagpasalamat sa kabutihan ng kapwa at sa biyayang kaniyang natatangap?
Mapagkumbaba
Mayroong entitlement mentality
Hindi mapanghusga
Masayahing tao
Mapagmalaki
