NEW
Font size
WorksheetsAP 4
Total questions: 35
Worksheet time: 19mins
Ano ang isang dahilan kung bakit nasisira ang ating mga likas na yaman?
Pinagbebenta natin ang ating mga kalakal
Patuloy ang pagpuputol ng mga puno o pagtotroso
Patuloy itong ginagamit sa ating mga pangangailangan
Patuloy ang pagluluwas ng mga produkto sa ibang bansa
Alin ang wastong paraan ng pangangasiwa sa likas na yaman?
Pagtapon ng mga basura sa katubigan.
Pagsunog ng basura sa mga bakanteng lupa
Paggamit ng iba’t-ibang paraan sa paghuli ng isda
Pagbaon ng nabubulok na basura at pagtatanim ng puno
Ano ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa likas na yaman ng bansa?
Department of Foreign Affairs
Department of Science and Technology
Department of Public Works and Highways
Department of Environment and Natural Resources
Ano ang hindi kabilang sa proyekto ng pamahalaan na pangalagaan at panatilihing malinis ang katubigan ?
Education for All
Piso para sa Pasig
Sagip Ilog
Save La Mesa Dam
Alin ang epekto ng pagputol ng mga punongkahoy sa kagubatan?
Pagdumi ng mga ilog
Pagkasira ng coral reefs
Pagkakalason ng mga isda
Pagkakaroon ng mudslide at flashflood
Alin ang halimbawa ng proyekto ng pamahalaan na “Bughaw na Kapaligiran.”?
Pangagalaga sa lupain
Pagtatapon ng solid waste
Pagbabantay sa mga kagubatan
Pagbabantay sa mga yamang tubig
Ito ay tumutukoy sa pagsulong na nakatutugon sa kasalukuyang pangangailangan ng mga tao nang hindi nahihirapan ang kakayanan ng
susunod na henerasyon na tugunan ang kanilang pangangailangan
Disiplina
Ekonomiya
Pagtutulungan
Likas-kayang Pag-unlad
Ano ang itinatag ng United Nations noong 1987 upang mabigyan ng solusyon ang problema sa kalikasan at kaunlaran?
World Trade Organization
Environment and Earth Summit
Philippine Council for Sustainable Development
World Commission on Environment and Development
Ano ang tawag sa uri at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar na nagpapakita ng kanilang paniniwala, kagamitan, batas, tradisyon, sining ,reihiyon, kaugalian, pamahalaan at kaalaman o sistema ng edukasyon?
Kapaligiran
Kabuhayan
Kalikasan
Kultura
Sila ay matatagpuan sa mabubundok na lugar ng Aklan, Antique,Capiz, Iloilo at Negros.
Ati
Bago
Eskaya
Yakan
Anong pangkat sa Mindanao ang tanyag sa paghahabi ng telang tinalak?
Badjao
B’laan
Manobo
T’boli
Anong pangkat ang tinatawag na Sea Gypsies?
Badjao
Bago
Bagobo
Bontoc
Anong pangkat etniko ang kilala sa pagiging masayahin, mahinahon, malumanay sa pag-uugali at malambing sa pananalita?
Boholano
Cebuano
Ilonggo
Tagalog
Sila ay kilala sa pagiging, masipag, masinop at matipid.
Ifugao
Ilokano
Mangyan
Tagbanua
Anong pangkat-etniko na ang mga ninuno nila ang gumawa ng Hagdan-hagdang Palayan sa Banaue ?
Bagobo
B'laan
Ifugao
Yakan
Alin sa mga sumusunod na pangkat ang kilala sa husay nilang magluto, pagsusuot ng magagarang damit at pagiging relihiyoso?
Bikolano
Cebuano
Ilokano
Kapampangan
Matitingkad na pula at itim ang kanilang kasuotan, nakagawian nila ang pagnganganga, may tatto sa binti at sakong ang mga babae at buong katawan naman sa mga lalaki.
Bagobo
Manobo
Subanen
Yakan
Alin ang may tatlong tradisyunal na pangkat na tinatawag na mandirigma, datu at nabalian?
Bagobo
T'boli
Subanen
Yakan
Ano ang ipinakilala ng mga pamanang pook?
Paniniwala
Mga simbolo
Kulturang Pilipino
Kultura ng mga dayuhan
Ano ang pinakamatandang simbahan sa Pilipinas na matatagpuan sa Intramuros?
Simbahan ng Paoay
Simbahan ng Miag-ao
Simbahan ng San Agustin
Simbahan ng Jaro Cathedral
Aling pamanang pook ang pinaniniwalaang inabot sa 2,000 taon ang pagkagawa ayon sa pag-aaral ng mga siyentipiko?
Calle Crisologo sa Vigan
Rice Terraces sa Banaue
Simbahan ng Paoay
Simbahan ng San Agustin
Sa pamanang pook na ito makikita ang magagandang uri ng limestone karst. Ano ito?
Calle Crisologo sa Vigan
Puerto Princesa Subterranean River National Park
Simbahan ng Paoay
Simbahan ng San Agustin
Aling pamanang pook ang gawa sa cobblestone at hindi pinadadaanan sa mga sasakyan?
Calle Crisologo sa Vigan
Rice Terraces sa Banaue
Simbahan ng Paoay
Simbahan ng San Agustin
Alin ang pinakamalaking impluwensya ng mga Espanyol sa mga Pilipino ?
Budhismo
Katolisimo
Islam
Protestantismo
Anong pagkain ang impluwensya ng mga Amerikano sa kulturang Pilipino?
hamburger
lechon
pancit
siomai
Aling laro na impluwensya ng mga Amerikano ang gustong-gusto ng mga Pilipino?
basketball
pagpapalipad ng saranggola
sipa
sungka
Anong pangkat ng dayuhan ang nag impluwensiya sa mga Pilipino ng pagpapahalaga sa edukasyon, kalusugan at demokratikong pamahalaan?
Amerikano
Espanyol
Hapon
Tsino
Ano ang pambansang awit ng Pilipinas?
Bayan Ko
Bayang Magiliw
Isang Lahi
Lupang Hinirang
Ano ang simbolo sa watawat na sumasagisag sa mga lalawigang unang nag-alsa para sa kalayaan laban sa mga Espanyol?
araw
mga bituin
tatsulok
sinag ng araw
Kailan unang inihayag ang watawat ng Pilipinas?
Hunyo 12, 1898
Mayo 26, 1956
Oktubre 29, 1962
Pebrero 10, 1948
Anong sangay ng pamahalaan ang pinamamahalaan ng pangulo o presidente?
Saligang Batas
Tagapagbatas
Tagapaghukom
Tagapagpaganap
Anong sangay ng pamahalaan ang nagbibigay ng kahulugan sa mga batas?
Pamahalaan
Tagapagbatas
Tagapaghukom
Tagapagpaganap
Sino ang namumuno sa sangay na tagapagbatas?
Gobernador
Presidente
Punong Mahistrado
Pangulo ng Senado
Anong sangay ng pamahalaan ang may tungkuling magpatupad ng batas sa buong bansa?
Tagapagpaganap
Tagapagbatas
Tagapaghukom
Kongreso
Sino ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas?
Manny Pacquiao
Bongbong Marcos
Rodrigo Duterte
Ping Lacson
