NEW
Font size
WorksheetsQuarter 3-Week 1
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ano ang organisasyong politikal na itinataguyod ng mga tao na naglalayong magtatag g kaayusan at mapanatili ang sibilisadong lipunan?
A. lipunan
B. barangay
C. pamahalaan
D. samahan
Binubuo ito ng mga lalawigan, lungsod, bayan at barangay.
A.Pamahalaang Lokal
B.Pambansang Pamahalaan
C. Pamahalaang Demokratiko
D.Pamahalaang Monarkiya
Ang sumusunod na mga layunin ng pamahalaan ay totoo maliban sa isa.
kasiyahan ng mamamayan
pambansang kaligtasan
benepisyo ng mamamayan
Kasaganaan sa ekonomiya
Anong sangay ang pinamumunuan ng Pangulo na binubuo ng Pangalawang Pangulo at Gabinete? Sa sangay na ito, siya rin ang tumatayong punong Kumander ng Sandatahang Lakas at pinuno ng Estado.
Sangay na Tagapagbatas
Sangay na Tagapagpaganap
. Sangay na Tagapamayapa
Sangay na Tagapaghukom
Nagpapatayo ang pamahalaan ng mga paaralan at nagbibigay ng libreng pag-aaral sa mga pampublikong paaralan mula elementarya hanggang kolehiyo. Aling pangangailangan ng mamamayan ang tinutugunan nito?
kaunlaran ng bansa
katarungang panlipunan
edukasyon
kagalingang panlipunan
Sa panahon ng pandemya, paano nakatutulong ang Kagawaran ng Kalusugan sa bawat mamamayan?
nagbigay ng babala, libreng bakuna at hospitalisayon sa tulong ng Philhealth
nagpadala ng mga pulis at military upang magbatay sa bawat lugar
A. naghigpit sa mga pampasaherong sasakyan
A. nagbigay ng libreng pabahay
Ang Kagawaran ng Tanggulan ng Bansa ang sumisiguro na ligtas ang bansa sa panlabas at panloob na banta ng terorismo at kaaya-aya sa pambansang kaunlaran. Aling programa ng pamahalaan ito nabibilang?
Pangkalusugan
Pangkapayapaan
pang-edukasyon
A. pangkabuhayan
Anong ahensiya ng pamahalaan ang responsible sa pagpapatayo at pagpapanatili ng mga imprastraktura na makatutulong sa paglago ng ekonomiya?
Department of Public Works and Highways
Department of Education
Department of Health
Department of Labor & Employment
Anong kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at pribadong kumpanya ang nagpatayo ng NLEX at SLEX upang magkaroon ng maayos na daan mula Metro Manila papuntang Gitnang Luzon at Rehiyon IV-A?
Public-Private Partnership
Budget Partners Agreement
Philippines Free Trade Agreement
A. Phillippines-Japan Economic Partnership Agreement
Paano nakatutulong ang isang Gobernador sa bawat lalawigang kanyang nasasakupan?
nakikipag-usap sa mamamayan
nagbibigay ng papasko sa lahat ng tao
nagkakaloob ng tulong pampinansiyal kaninoman
tinitiyak na nakapagbibigay ng pantay na serbisyo sa bawat bayan
