NEW
Font size
WorksheetsTerm Exam Reviewer
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Ano ang tawag sa nasa larawan?
Baybayin
Alibata
Alpabeto
Alin sa mga sumusunod ang HINDI bahagi ng edukasyon ng mga sinaunang Pilipino (bago dumating ang mga Espanyol)?
Pagpasok sa pormal na paaralan at pag-aaral ng katekismo
Pagsasaka at pagtatanim sa mga lupang sakahan
Pag-aalaga ng mga kapatid at pagsasagawa ng mga gawaing bahay.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng bugtong?
Dalawang bolang itim malayo ang nararating
Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo
Ang di lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan
Ano ang iyong dapat gawin kapag ikaw ay napunta sa isang lugar na di ka pamilyar sa kultura?
Sabihin sa kanila na mali ang kanilang paniniwala
Irespeto ang kanilang mga paniniwala
Umalis na lamang dahil hindi mo nauunawaan ang kanilang mga paniniwala.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng larong Pilipino?
Si Harvey ay naatasan ng guro na bumuo ng programa na magsusulong (promote) ng mga larong Pilipino. Alin sa mga sumusunod ang maaari niyang gawin?
Manuod ng netflix
Gumawa ng mga video tutorial sa ZLL ng mga larong luksang baka at patintero
Maglaro ng ML at valorant
Sino sa mga sumusunod na manlalakbay ang unang nakarating sa Isla ng Homonhon sa Samar?
Antonio Pigafetta
Sebastian Elcano
Ferdinand Magellan
Ano ang tawag sa paraan ng pananakop, kadalasan ng mga mayaman at makapangyarihang bansa, sa mga bansa o teritoryo na hindi nila pagmamay-ari upang makuha ang mga likas na yaman ng mga ito?
Encomienda
Imperyalismo
Kolonyalismo
Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng pananakop ng mga Espanyol sa ating bansa?
Palaganapin ang relihiyong Kristiyanismo
Tulungan ang mga bansang masasakop na magkaroon ng maayos at maunlad na pamumuhay.
Maging pinakatanyag at makapangyarihang bansa sa buong mundo
Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng REDUCCION?
Patakaran kung saan ang mga kalalakihang katututbo na may gulang 16 hanggang 60 ay sapilitang maglilingkod sa mga pagawaang bayan sa loob ng 40 araw,
Tributo
Polo Y Servicio
Encomienda
Ito ay buwis na ibinabayad ng mga Pilipino para sa gawain ng pamahalaan at bilang pagkilala sa hari ng Espanya.
Encomienda
Falla
Tributo
Ito ang sentro ng lahat ng gawain ng mga naninirahan sa pamayanan.
Paaralan
Simbahan
Plaza
Ito ay lupang nagsilbing gantimpala ng mga Espanyol sa mga sundalo at conquistador sa kanilang pagtulong sa pagsakop ng bansa at mga katutubo
Encomienda
Reduccion
Tributo
Siya ang manlalakbay na nagbigay ng pangalang Pilipinas sa ating bansa?
Ruy Lopez de Villalobos
Ferdinand Magellan
Miguel Lopez de Villalobos
Ito ang tatlong layunin ng mga Espanyol sa pagsakop sa Pilipinas
God, Gold, Grace
God, Gold, Glory
Christianism, Wealth, Fame
Bilang Setonian sa papaanong paraan mo maibabahagi sa ibang tao ang mga mabubuting kultura na natutunan mo sa paaralang Elizabeth Seton School
Aking isasabuhay ang mga mabubuting kulturang natutunan sa paaralan at ito'y aking ipagmamalaki bukod pa rito aking rerespetuhin ang kultura ng ibang tao.
Sasabihin ko sa aking Ina at mga kamag-anak na walang anuman na dapat ihanda sa araw ng aking kaarawan kundi pagkaing Pinoy
Araw-araw akong magsusuot ng kasuotang pang Kampise upang ipagmalaki ang kulturang Pilipino
Ano ang naimbentong makabagong instrumento na nakatulong sa mga Europeo upang magsagawa ang Ekspedisyon patungong Silangan?
sextant, astrolabe at kompas
mapa at globo
GPS at Waze
Kung ikaw si Magellan, Ano ang pwede mong gawin upang maiwasan ang sigalot at pakikipaglaban sa mga katutubo na pinamumunuan ni Lapu-Lapu?
Ipiipilit ko ang katuruang Katolisismo dahil tanging ito lamang ang makakapagligtas sa kanila
Ipapaliwanag sa kanila sa mahinahong paraan ang aking layunin at kung hindi sila sumang-ayon ay gagalangin ko ito at rerespetuhin
Parehas ang unang dalawang nabanggit
Sa mga paglalayag na ginawa ng mga bansang Espanya at Portuges isa sa kanilang layunin ay maipakalat ang relihiyong Katolisismo. Ano ang pwede mong ibahagi sa pagpapalaganap ng relihiyong ito?
Maglunsad ng Krusada at siguraduhing ang mga tao ay sapilitang lilipat sa relihiyong Katolisismo
Sikaping maging isang mabuting kristiyano na sumusunod sa utos ng Diyos at gumagawa ng mabuti para sa kapwa at nakikilahok sa gawaing pang simbahan
Kailangan ko pang maging pari upanng maipahayag ang katuruan ng relihiyonh kristiyanismo
Bakit ang pagbabayad ng tributo ay naging maging mabigat para sa mga sinaunang Pilpino?
Dahil kailangan nila magbayad nito sa Encomendero na higit na nakikinabang dito
Dahil ang kanilang pinaghirapan ay napunta lamang sa wala hindi naman sila umuunlad
Tama ang dalawang nabanggit
Kung ikaw ay isang Encomendero na Pilipino ano ang iyong gagawin para sa kalagayan ng mga sinaunang Pilipino?
Pipilitin ko sila magbayad dahil ito'y kanilang tungkulin para sa Espanya
Kailangan kong gawin ang aking tungkulin upang maging ligtas sa mga Espanyol
Gagawin kong maging patas para sa mga kapwa ko Pilipino upang mabawasan ang kanilang paghihirap sa kamay ng mga Espanyol.
Alin sa mga sumusunod ang TOTOO kaugnay sa mga nais patunayan ng paglalakbay ng mga Kanluranin patungong Asya?
Nais nilang patunayan na ang mundo ay bilog at hindi ka mahuhulog kapag narating mo ang dulong bahagi ng dagat.
Nais nilang mapatunayan na ang kumpletong rebolusyon ng mundo ay inaabot ng 365 araw.
Nais nilang mapatunayan na ang kumpletong rotasyon ng mundo ay umaabot ng 24 oras.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga layunin ng mga Kanluranin sa kanilang pagpunta sa ating bansa?
Manakit at pumatay upang maiparamdam ang kanilang kapangyarihan sa mga maliliit na mga bansa.
Palaganapin ang relihiyong Kristiyanismo sa ibat-ibang lugar.
Humanap ng mga lugar na mapagkukunan ng mga likas na yaman na kanilang kailangan.
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong pangalagaan ang iyong teritoryo, alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin?
Dahil sa pagdating ng mga Kastila at sa dala nitong kultura anong ugali ang napaunlad sa mga Pilipino?
Madasalin
Palaaway
Mahilig gumawa ng pekeng kwento
Alin sa mga sumusunod ang HINDi kabilang sa impluwensiya ng mga Espanyol?
Pagkain ng french fries
Pagdarasal sa mga santo
Pagdiriwang ng kapistahan
Alin sa mga sumusunod ang HINDI TOTOO kaugnay sa Polo Y Sevicio?
Ikaw ay bibigyan ng maraming pagkain at aalagaan kapag kayo ay nagkasakit.
Ang lahat ng mga kalalakihan edad 16-60 ay kailangang makiisa sa mga gawaing pambayan sa loob ng 40 araw. .
Ikaw ay maaaring hindi makasali dito kung ikaw ay magbabayad ng falla na halagang pitong piso.
Kung ihahambing natin sa kasalukuyang panahon, alin sa mga sumusunod na kasalukuyang isyu ng ating bansa mo maihahambing ang Encomienda o ang sistema ng pagmamay-ari ng lupa noong panahon ng mga Espanyol sa ating bansa?
Ang isyu ng kasalukuyang eleksyon
Ang agawan ng teritoryo sa Scarborough Shoal.
Ang pagtaas ng kaso ng COVID
Bilang isang Setonian, sa papaanong paraan mo mas maipapakita ang iyong pagmamahal sa ating bayan?
Pilitin ang iba na paniwalaaan ang iyong pinaniniwalaan upang maiwasan ang pakikipag-away.
Irespeto at pahalagahan ang mga pangyayari sa ating kasaysayan ng sa gayon ay hindi maulit muli sa kasalukuyan.
Umalis na lamang ng Pilipinas at magtungo sa bansang America.
