WorksheetsLearn to Read, Read to Learn: Bible Quiz 3
Total questions: 30
Worksheet time: 23mins
Bakit nilayasan ni Jacob si Laban?
Dahil nabalitaan ni Jacob na laging sinasabi ng kanyang mga bayaw na kinakamkam na niyang lahat ang ari-arian ng kanilang ama at galing dito ang lahat niyang kayamanan.
Dahil sinabi sa kanya ni Laban na bumalik na sa lupain ng kanyang magulang at iwanan lahat ng kanyang kayamanan upang maangkin ni Laban ang lahat ng kayamanan ni Jacob.
Dahil may kutob si Jacob na baka ipapatay sya ni Laban at ipagbili lahat ng kanyang ari-arian
Dahil gusto ng bumukod ni Jacob at magkaroon ng sariling mga lupain sa ibang bayan
Noong naabutan ni Laban si Jacob matapos nitong maglayas mula sa kanyang pamamahala, sila ay nagkasundo na hindi na gagambalain ang bawat isa. Ano ang naging palatandaan ng kasunduan nila?
Ipinaukit nila ang kanilang mukha sa malaking tapyas ng bato bilang tanda ng kanilang pagkakasundo.
Gumawa sila ng bunton ng bato at naghandog ng pagkain sa Diyos.
Nagkatay sila ng pitong pinatabang panganay na tupa at inihandog sa altar na ginawa mismo ni Jacob at Laban.
Sinugatan nila ang kanilang pulsuhan at pinagdikit ang kanilang mga sugat bilang tanda ng kanilang pagkakasundo.
Noong hinabol ni Laban si Jacob at naabutan sa bulubundukin ng Gilead. Nagkaroon si Laban ng panaginip at sya ay kinausap ng Diyos. Ano ang sinabi ng Diyos kay Laban?
Si Laban ay kinausap ng Diyos sa panaginip at sinabi sa kanyang huwag pagbabantaan ng anuman si Jacob.
Nanaginip si Laban at sinabi sa kanya ng Diyos na umuwi na at huwag ng kausapin si Jacob.
Sa panaginip ni Laban kinausap sya ng Diyos at sinabi na maghandog ng alay sa bukang liwayway bago makipagkita kay Jacob.
Si Laban ay nanaginip na siya ay inutusan ng Diyos na gumawa ng altar kasama si Jacob.
Sa pagbalik ni Jacob sa kanyang bayang sinilangan ay naghanda sya ng regalo para kay ________. Pumili siya ng dalawampung barako at dalawandaang inahing kambing kambing, at gayun ding dami ng tupa, at marami pang iba syang inihanda na nakasulat sa bibliya.
Esau
Isaac
Abraham
Rebecca
Nakipagbuno si Jacob sa isang lalaki sa Peniel, hindi binitawan ni Jacob ang lalaki hangga't hindi nya binibigyan ng basbas si Jacob. Ano ang naging basbas ng lalaki kay Jacob?
"Mula ngayo'y Israel na ang itatawag sa iyo, at hindi na Jacob, sapagkat nakipagbuno ka sa Diyos at mga tao, at ikay nagtagumpay."
"Simula ngayon ikaw ay di na magagapi ng sinumang sa iyo'y kakalaban sapagkat sumasaiyo ang Espiritu ng Diyos at taglay mo ang dunong na nakakahigit sa nakararami."
"Ikaw Jacob ay binabasbasan ko, sa iyong paglalakbay ay yuyukod ang bawat bayang iyong daraanan sapagkat batid nila ang iyong kadakilaan."
"Kasabay ng pagbukang liwayway, ikaw Jacob, ay magkakaroon ng panibagong bukas, dodoble ng dalawampung beses ang iyong ari-arian at kailanman ay di ka magugutuman."
Ano ang ginawa ni Esau kasama ang apatnaraan niyang tauhan ng magkita sila ni Jacob makalipas ang maraming taon buhat ng umalis si Jacob sa Canaan?
Patakbong sinalubong ni Esau si Jacob, niyakap ng mahigpit at hinagkan. Nag-iyakan ang magkapatid.
Patakbong sinalakay ni Esau at ng kanyang mga tauhan ang kawan ni Jacob at walang awang pinagpapatay.
Mahinanong sinalubong ni Esau si Jacob ngunit ito ay puno ng galit at poot. Di naglaon ay nagsumbatan at nagsigawan ang magkapatid.
Nakangiting sinalubong ni Esau si Jacob at nagfist bump silang dalawa at nagkamayan gamit ang mga bisig bilang tanda ng kanilang pagiging magkapatid.
Ang anak na babae ni Jacob na si Dina ay ginahasa ni Shekem na isang Hivita, bilang kapalit ng kanilang pagpapakasal, dala ng poot at galit ng mga kapatid na lalaki ni Dina nakipagkasundo sila. Ano ang kanilang kasunduan matapos sabihin ng mga Hivita na nais nilang ipakasal ang kanilang angkan sa lahi ni Jacob?
Papayag lamang sa kasunduan ang mga anak na lalaki ni Jacob kapag ang lahat ng mga lalaking Hivita ay magpatuli gaya nila.
Papayag lamang sila sa kasunduan kung magbibigay ng danyo ang mga Hivita, kalahati ng kanilang ari arian
Papayag sila sa kasunduan kung mag-aalay ang bawat Hivita sa Panginoon ni Jacob.
Papayag silang makipagkasundo kung ang lahat ng lalaking Hivita ay maglilingkod ng sampung taon bago ikasal sa sinumang lahi ni Jacob.
Pagbalik ni Jacob mula sa Mesopotamia, muling nagpakita sa kanya ang Diyos at siya'y binasbasan. Ano ang unang sinabi ng Diyos sa kanya?
"Jacob ang pangalan mo, ngunit mula ngayon, Israel na ang itatawag ko sa iyo."
"Jacob ikaw ay mamahala ng mga bagong uri ng hayop at magiging pastol ng libolibong mga tupa."
"Jacob sa pamamagitan ng aking basbas ang iyong lahi ay hindi kailanma'y hindi dadapuan ng sakit.
"Jacob ikaw ay aking binasbasan, magkakaroon ka ng masagang ani ng sampung beses sa inaakala mo."
Si Raquel ay namatay sa kadahilanang?
Siya ay namatay dahil hindi niya kinaya ang makunan ng sanggol. Sa sinalupunan.
Namatay si Raquel matapos nyang ipanganak si Benjamin.
Namatay si Raquel sa konsomisyon sa kanyang kapatid na si Lea na isa ring asawa ni Jacob.
Namatay si Raquel sa sakit sa puso.
Dumalaw si Jacob sa kanyang amang si Isaac sa Mamre, na tinatawag ding Lunsod ng Arba o Hebron. Dito rin tumira si Abraham. Si Isaac ay ______ nang mamatay at mamahinga sa piling ng kanyang mga ninuno. Siya'y inilibing nina Esau at Jacob.
180
170
160
150
Ipinangalanan ni Abraham ang lalaking sanggol na kaniyang anak kay Sarah na ______.
Hagar
Elaijah
Ismael
Isaac
Bakit ipinalayas ni Abraham sina Hagar at Ismael palayo sa kanilang lugar?
Dahil nainggit si Sara dahil mas binibigyang pansin ni Abraham si Hagar at ang ang anak nito
Dahil wala naman silang pakinabang sa kanilang pamayanan
Dahil may nag-udyok kay Sara na silay palayasin at pinahintulutan ito ng Panginoon
Dahil pinagnakawan ni Hagar si Sara ng alahas.
Binuksan ng makapangyarihang Diyos ang mga mata ni Hagar at ipinakita ang isang ______.
Handaan
Balon
Tahanan
Nasasakupan
Ano ang handog na hiniling ng Panginoon nang subukin niya si Abraham
Si Isaac na kaniyang anak kay Sara
Si Sara ang kaniyang minamahal na asawa
Matabang tupa
Itim na tupa
Nahimlay si Sarah ang asawa ni Abraham sa gulang na ______.
100
127
200
108
Sa kahit anong halaga ay handang makipagkasundo si Abraham na bilihin ang yungib at lupain na paglilibingan ng kaniyang asawa, nakipagkasundo siya sa anak ni Zohar na si _____.
Judas
Jacob
Mateo
Efron
Ano ang kondisiyong ipinagdasal ng alipin ni Abraham sa panginoon upang maging hudyat kung sino ang babaeng mapapangasawa ni Isaac?
Babaeng umaawit sa napakagandang tinig
Babaeng magpapatulong umigib sa balon
Babaeng magpapainom sa alipin at maging sa mga alaga nitong kamelyo
Babaeng tatakbo papalayo
Habang nagdarasal ang alipin ay dumating si Rebecca at ______.
itinupad niya ang pangako ni Yahweh at siya'y naging asawa ni Isaac
nagpatulong siyang magpa-igib sa alipin
-sinungitan niya ang alipin at binuhusan ng tubig
-tumakbo siya papalayo
Sa tulong ng Panginoon, nagkaanak ng kambal sina Rebecca at Isaac sila'y pinangalanang _____.
Jacob at Esau
David at Golaiath
Adam at Eba
Gabriel at Michael
Gaano kahalaga kay Esau ang pagiging panganay sa kaniyang kambal na si Jacob?
Mahalagang mahalaga
Medyo mahalaga
Hindi mahalaga
Wala sa nabanggit
Ano-ano ang apat na balong nahukay ng mga tauhan ni Isaac?
Balon ng digmaan, Balon ng away, Balon ng Katapatan, at Balon ng Pagkakaibigan
Balon ng taga Gerar, Balon ng kapighatian, Balon ng kalayaan, at Balon ng digmaan
Balon ng pagtatalo, Balon ng kalayaan, Balon ng away, at Balon ng panata
Balon ng panata, Balon ng pagtatalo, Balon ng digmaan, at Balon ng katapatan
Ilan ang naging asawa ni Esau?
6
7
4
3
Sino ang anak ni Isaac at Rebeca na nakakuha ng basbas?
Esau
Jacob
Ismael
Laban
Saang lugar napanaginipan ni Jacob ang Diyos, kung saan pinangakuan siyang ibibigay sa kanya ang lupaing iyon at lalaganap ang kanyang lahi sa buong daigdig?
Bethel
Gerar
Mesopotamia
Canaan
Saang lugar nais ni Isaac maghanap ng mapapangasawa si Jacob?
Bethel
Gerar
Mesopotamia
Canaan
Sino ang nais mapangasawa ni Jacob sa anak ni Laban?
Lea
Raquel
Mahalat
Judit
Ilang taon naglingkod si Jacob kay Laban bago niya tuluyang naging asawa si Raquel?
12
14
7
3
Sino ang kauna-unahang anak ni Raquel at Jacob?
Dan
Netfali
Jose
Asher
Ilan lahat ang naging anak ni Jacob?
12
14
13
11
Ano-ano ang mga hininging kabayaran ni Jacob sa kanyang pangangasiwa sa ari-arian ni Laban?
Ginto at Pilak
Perlas at mga alahas
Kambing na may tagping puti at itim na tupa
Kambing na itim at tupang may tagping puti
