NEW
Font size
WorksheetsESP 8 Q3 W2 PRETEST
Total questions: 7
Worksheet time: 3mins
1. Paano masasabing nagpasasalamat ang taong nakatanggap ng tulong sa kanyang kapwa?
A. pagpapakita ng inggit
B. pagpapalagay sa sarili bilang biktima
C. pagpapakita ng Entitlement Mentality
D. pagsabi na nariyan ka palagi na handang makinig kung sakaling sila ay may pinagdadaanan
2. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat ng isang tao?
A. pagtulong sa mga gawaing bahay
B. pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa
C. pagpapasalamat ng hindi bukal sa puso
D. paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo
3. Abala ang mga magulang ni Jessy sa kanilang trabaho. Palagi silang pagod kapag umuuwi ng bahay. Siya na ang gumagawa ng mga gawaing bahay para mabawasan ang mga isipin ng mga ito at maaga itong makapagpahinga dahil alam niyang hindi madali ang maghanapbuhay. Paano naiparamdam ni Jessy ang pasasalamat nito sa kanyang mga magulang?
A. pagtulog ng maaga
B. pag-iwas sa mga gawaing bahay
C. pagtulong sa mga gawaing bahay
D. pagbababad nito sa panonood ng ibat ibang pelikula
4. Anong ugali mayroon si Jessy?
A. maaalalahanin
B. masigasig
C. masinop
D. matapang
5. Matalik na magkaibigan sina Berto at Berta. Isang araw, habang naglalakad ng mag-isa si Berta hindi sinasadyang masagi nito ang inaalagaang pananim ng kanilang guro. Pinagalitan nito si Berta. Nagtampo si Berta dahil hindi siya natulungan ng kanyang matalik na kaibigan na magpaliwanag sa kanilang guro dahil may iba rin itong lakad. Sa isip niya, maraming pagkakataon na natulungan niya ang kanyang kaibigan. Subalit sa panahong siya na ang nangangailangan wala ito sa kanyang tabi. Kakikitaan ba ng pagpapasalamat sa kanyang kapwa si Berta?
A. Hindi, dahil matalik silang magkaibigan.
B. Oo, dahil alam niyang may trabaho pa ito.
C. Oo dahil nauunawaan niyang importante rin ang lakad ni Berto kaya hindi siya natulungan.
D. Hindi, dahil sa kagustuhan nitong dapat ay tulungan rin siya ng kanyang kaibigan at nararapat lamang na nasa tabi niya ito palagi.
6. Anong katangian ang nagpapakita ng kawalan ng pagpapasalamat ni Berta sa kanyang kaibigan?
A. maunawain
B. mabait sa kanyang kaibigan
C. pagpapakita ng inggit sa kapwa
D. hindi paglimot sa kanyang nagawang tulong
7. Anong klase ng ugali ang ipinapakita ni Berta?
A. maaalalahanin
B. maawain
C. mapagbigay
D. makasarili
