wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

paksa/tema

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Maaga pa ay gising na lahat ang mga tao sa bahay ni Mang Isidro. Ang bawat isa ay abalang nagbibihis at naghahanda papunta sa simbahan. Nakasuot ng magandang puting damit si Eloisa. Ito ang araw ng kanyang kasal.


Ano ang paksa ng teksto?

a)

Maagang gumising ang mga tao

b)

ang bawat isa ay abala

c)

araw ng kasal ni Eloisa

2.

May iba`t ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay katapangan. Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw. Kasaganaan naman ang berde at kalungkutan ang itim. Marami pang kulay ang may kahulugan.


Ano ang paksa o tema ng teksto?

a)

may iba`t-ibang kahulugan ang kulay

b)

ang asul ay kapayapaan

c)

ang pula ay katapangan

3.

Ang aklat ay nagbibigay ng iba`t ibang impormasyon. Ito rin ang nagdadala sa atin sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating pagkatao ay nagbabago rin. Maraming bagay ang matututunan natin sa pagbabasa. Ito ang mga kahalagahan ng aklat.


Ano ang tema o paksa ng teksto.

a)

ang aklat ay nagbibigay ng iba`t-ibang impormasyon

b)

ang dating pagkatao ay nagbabago rin

c)

ang kahalagahan ng aklat

4.

Ang isang pagdiriwang na pinakahihintay ng karamihan ay ang Kapaskuhan. Ang lahat ng tao ay abala sa paghahanda sa araw na ito. Mga bagong damit at sapatos naman ang kinasasabikan ng mga paslit. Ang pagpunta at pagbibigay- galang nila sa kanilang ninong at ninang ay kinakikiligan din. At higit ay ang pagpapasalamat sa Diyos para sa araw na ito.


Ano ang tema o paksa ng teksto.

a)

pinakahihintay ng lahat ang araw ng Kapaskuhan

b)

ang lahat ng tao ay abala sa paghahanda

c)

ang mga bagong damit at sapatos ay kinasasabikan ng mga paslit

5.

Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala Avenue, Makati City. Kilalang-kilala ang lungsod na ito dahil na rin sa mga subdibisyong magagara at malapalasyong bahay ng mga milyonaryo. Narito rin ang iba`t ibang mga hotel at restawran na tanyag. Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod ng bansa.


Ano ang tema o paksa ng teksto.

a)

Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod ng bansa

b)

Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala, Makati

c)

Kilalang-kilala ang lungsod na ito

6.

Isang mabait na bata si Joy, Lagi siyang kinagigiliwan ng kanyang mga kalaro. Hindi siya nakikipag-away sa kapwa niya kaya naman marami siyang kaibigan.


Ano ang tema o paksa ng teksto.

a)

marami siyang kaibigan

b)

mabait na bata si Joy

c)

Lagi siyang kinagigiliwan ng kanyang mga kalaro

7.

Sa umaga pagkagising ni Lena ay nagliligpit siya ng kanyang hinigaan. Natutuhan na din niya ang paliligo at pagbibihis ng damit pang-eskwela. Pagkakain naman ng almusal ay hinuhugasan na din niya ang kanyang pinagkainan. Si Lena ay batang masipag.


Ano ang tema o paksa ng teksto.

a)

nagliligpit siya ng kanyang hinigaan

b)

Natutuhan na din niya ang paliligo at pagbibihis

c)

Si Lena ay batang masipag

8.

Si Langgam ay palaging nag-iipon ng kanyang pagkain. Wala siyang sinasayang na panahon. Masipag si Langgam. Lalo pa siyang sinisipag kung maganda ang sikat ng araw at banayad ang simoy ng hangin. Sa panahon ng tag-ulan, hindi nagugutom si Langgam.


Ano ang tema o paksa ng teksto.

a)

hindi nagugutom si Langgam.

b)

SI Langgam ay palaging nag-iipon

c)

Masipag si Langgam

9.

Ipinagmamalaki ko ang pagiging isang Iskawt. Sa pagiging iskawt, natututuhan namin ang sumunod at gumalang sa nakakatanda, tumulong sa kapwa, maging kapakipakinabang at higit sa lahat mahalin ang sariling bayan. Ganyan ang batang iskawt!


Ano ang tema o paksa ng teksto.

a)

sumunod at gumalang sa nakakatanda

b)

tumulong sa kapwa

c)

ang batang iskawt

10.

Pinagyaman ng mga Ifugao ang kanilang kabundukan. Binungkal nila ang gilid nito at nakalikha sila ng makikitid na taniman sa paligid ng bundok na parang hagdan patungo sa langit. Tinataniman nila ito ng palay. Ang hagdan-hagdang palayan ng mga Ifugao ay isang kahanga-kahangang tanawin.


Ano ang tema o paksa ng teksto.

a)

Ang hagdan-hagdang palayan

b)

ang kanilang kabundukan

c)

Tinataniman nila ito ng palay

11.

Ang kinawiwilihang basahin ni Abby ngayon ay mga tula. Tungkol sa kalikasan ang paksa ng mga tulang binabasa niya. Paano ba namang hindi siya mahihilig sa gayon, ang kanilang bakuran ay hitik sa mga namumulaklak na halaman at namumungang punongkahoy.

a)

a. Mahilig magbasa si Abby.

b)

b. Pinipili lamang ni Abby ang kaniyang babasahin.

c)

c. Napipilitan magbasa si Abby dahil makata ang kaniyang ina.

12.

Laganap na ang paggamit ng recycled paper bilang pambalot sa mga pinamili sa mga department store o groseri. Mayroon ding tinatawag na eco bag kung ang nais ay matibay na lalagyan at muli pang magagamit ito. Hinihikayat din ang madla sa paggamit ng mga basket o bayong kung mamamalengke.

a)

a. Malaking suliranin ang basura.

b)

b. May mga solusyon sa paglala ng basura sa kapaligiran.

c)

c. Malikhain ang mga Pilipino sa pagsugpo sa mga suliranin sa basura.

13.

Kasali sa paligsahan sa pagsayaw sina Carla at Harold. Sila ang napiling kakatwan sa kanilang seksiyon. Sa susunod na buwan pa ang paligsahan ngunit araw-araw ay nag-eensayo na silang dalawa. Ginagawa nila ito pagkatapos ng kanilang klase, isang oras araw-araw. Sinusuportahan din sila ng kanilang guro at kamag-aral.

a)

a. Makakatulong ang patuloy na pangangarap.

b)

b. Mabuti na ang laging handa.

c)

c. Magtatagumpay ang masikap sa ano mang gawain.

14.

"Emil, gawin mo muna ang iyong mga takdang-aralin o proyekto bago ka maglaro. Ito ang laging paalala ng ina kay Emil. "Opo, maya-maya na po." ang lagi niyang sagot. Kinabukasan, pinapapasa ng kanilang guro ang ipinagawa niyang family tree sa klase. Walang naipasa si Emil.

a)

a. Mahalagang maglaan ng oras sa paglalaro at pag-aaral.

b)

b. Dapat igalang at sundin ang mga magulang.

c)

c. Kailanagang bigyang-halaga ang edukasyon.

15.

Maraming tanim na gulay sa bakuran nina Pia. Sobra pa sa kanilang pangangailangan kapag umaani sila ng mga gulay. Kaya naman naisipan nilang ipagbili ang labis na inani sa kanilang mga kapitbahay. Sariwa na at wala pang halong kemikal ang kanilang mga gulay, may ekstra pang kinikita ang kanilang mag-anak.

a)

a. Mahalaga sa kalusugan ang mga gulay.

b)

b. Kailangang maging mapili sa gulay na kinakain.

c)

c. Malaking tulong ang pagiging mapamaraan.