NEW
Font size
WorksheetsGrade 4 - 3rd Quarter Review
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa. Ano ang ibig-ipahiwatig nito?
Tanging mga opisyal ng pamahalaan ang siyang may kontrol sa kapangyarihan
Ang mamamayan ay pinanggagalingan ng kapangyarihan
Hindi pinahihintulutan ang mga karapatan sa bansa
Wala sa nabanggit
Ang Pilipinas ay sumusunod sa tinatawag na konseptong “Separation of Powers”. Ano ang ibig-ipahiwatig nito?
Hindi pinahihintulutan na makialam sa kapangyarihan ang isang sangay sa iba pang mga sangay ng pamahalaan
Hindi maaaring bumoto ang mamamayan sa halalan dahil ito ay magkaiba sa pamahalaan
Hindi pinahihintulutan ang Simbahan na makialam sa pulitika ng bansa
Wala sa nabanggit
May mga nanggugulo sa barangay ninyo. Ano ang dapat mong gawin?
sumali sa mga nanggugulo
umiwas sa mga nanggugulo
hikayatin ang mga magulang na lumipat sa ibang lugar na tahimik
makipagtulungan sa mga awtoridad tulad ng mga barangay tanod upang mahuli ang mga ito
Ano ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan?
gawing sagana ang pamumuhay ng mga namumuno
pagsilbihan ang mga sumusuporta sa kasalukuyang mga namumuno
tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan at pamayanan
palakasin at pag-ibayuhin ang kapangyarihan ng mga nakaupong pinuno
Paano inihahanda ng pamahalaan ang mga kabataan upang maging produktibong mga mamamayan?
binibigyang ng ayuda ang pamilya
hinahayaan ang kabataan na suportahan ang sarili
ginagawang libre ang pampublikong edukasyon
hinihikayat ang mga magulong na pangaralan ang mga anak
Bakit hindi nakakapag-aral ang mga batang mahihirap kahit na lahat tayo ay may karapatang mag-aral?
Ang mga batang mahihirap ay napupwersa na tigilin ang kanilang pag-aaral upang magtrabaho nalang
Desisyon ito ng mga mag-aaral dahil hindi nila gustong mag-aral
Walang maayos na pasilidad ang mga eskwelahan dahil sa kakulangan ng pondo
Wala sa nabanggit
Tama ba ang katagang "Every human has rights"?
Oo, dahil lahat ng mga tao noong pagsilang ay may likas na karapatan hanggang sa kanilang pagtanda
Hindi, dahil mayroong mga tao na dapat kuhanan ng karapatan dahil hindi sila karapat-dapat
Oo, dahil ang mga tao ay may ipinasang mga batas na naglalayon na bigyan ng karapatan ang bawat isa
Hindi, dahil ang mga tao ay dapat hindi bigyan ng pribilehiyo dahil ito ay maaaring maabuso
Bakit itinuturing na pinakamahalagang programa ng pamahalaan ang edukasyon sa bansa?
Dahil ito ang magiging daan sa pag-unlad ng bayan
Dahil ito ang may pinakamalaking badyet sa ating bansa
Pinaglalaanan ito ng pondo na ibibigay sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan
Wala sa nabanggit
Paano pinangangalagaan ng pamahalaan ang pampublikong kalusugan sa bansa lalong-lalo na ngayong pandemya?
Pagpapatayo ng mga pagamutan na angkop sa pagtugon sa kinakaharap na pandemya
Pagbibigay ng ayuda sa mga naapektohan ng pandemya
Pagsasaayos ng mga kalsada sa ating bansa
Wala sa nabanggit
Bakit kinakailangan ng Pangulo ng Pilipinas ang bawat kagawaran o gabinete na nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan?
Dahil hindi kaya ng pangulo na siya lamang ang tutugon sa iba't-ibang suliranin na kinakaharap ng bansa kaya nagkaroon ng iba't-ibang kagawaran na nakatuon sa bawat suliranin ng lipunan
Sila ay nagiging alagad ng pangulo upang mapatupad ng maayos ang lahat ng batas at siguraduhing mapapatay ang sinumang lalabag sa batas
Ang gabinete ang nagsisilbing ilaw ng lahat ng mga plano ng pangulo ng Pilipinas at nagiging inspirasyon sa pagsasaayos ng ating lipunan
Wala sa nabanggit
