wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 7 : Yunit IV: Unang Pagsusulit (7-Valse)

Total questions: 15

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Sa anong panahon umusbong ang korido sa ating bansa?

a)

Panahon ng Katutubo

b)

Panahon ng Kastila

2.

Ilang pantig mayroon ang korido sa bawat taludtod nito?

a)

walo (8)

b)

labindalawa (12)

3.

Ano ang karaniwang paksa ng mga panitikan sa Panahon ng Kastila?

a)

Relihiyon

b)

Kabayanihan

4.

Alin sa mga sumusunod na panitikan ang halimbawa ng isang korido?

a)

Ang Ibong Adarna

b)

Florante at Laura

5.

Pagdating sa musika, sa anong himig binibigkas ang mga akdang korido?

a)

Andante

b)

Allegro

6.

Ano ang kadalasang pinapaksa ng mga akdang korido sa Panahon ng mga Kastila?

a)

tungkol sa pananampalataya, alamat, at kababalaghan

b)

tungkol sa bayani at mandirigma at larawan ng buhay

7.

Kaninong bersyon o isinaayos na sipi ng korido ang ginagamit sa mga paaralan at palimbagan?

a)

Marcelo Santos III

b)

Marcelo P. Garcia

8.

Pagdating sa mga tulang romansa, sa paanong paraan kadalasang nagsisimula ang mga ganitong uri ng panitikan?

a)

pagkilala sa buhay at karanasan ng may-akda

b)

panalangin o pag-aalay ng akda sa Birhen o sa isang santo

9.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng isa sa mga katangiang taglay ng panitikan noong panahon ng Kastila?

a)

malaya at mapaghimagsik

b)

may sariling kaanyuan at pamamaraan

10.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng isa pa sa mga katangiang taglay ng panitikan noong panahon ng Kastila?

a)

huwad at halaw sa banyagang kultura

b)

orihinal at kakikitaan ng katutubong kultura

11.

Sa Panahon ng Kastila unti-unting lumaganap ang tula sa ating bansa, alin sa mga sumusunod ang siyang lumaganap na uri nito?

a)

Malayang Taludturan

b)

Tulang Liriko

12.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit sinasabing ang koridong ito ay hindi maituturing na bahagi ng Panitikang Pilipino?

a)

wala itong malinaw na pinagmulan

b)

hindi naaangkop ang nilalaman nito sa kultrurang Pilipino

13.

Sino sa tatlong magkakapatid na prinsipe ang tanging nakahuli sa mahiwagang ibon?

(a)  

14.

Ano ang tawag sa makapangyarihang ibon na kayang gumamot ng kahit anong uri ng karamdaman?

(a)  

15.

Sinong tauhan ang siyang tumulong at nagturo sa bunsong prinsipe kung paanong huhulihin ang mahiwagang ibon?

(a)