Font size
WorksheetsG4 M7: Sino Ang May Kasalanan (Talasalitaan)
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
Madalas kong mapansin ang aking kapatid na NAKATULALA at hindi nagsasalita habang pinagmamasdan ang ilog sa labas ng aming bahay.
(a)
Ang kanilang programa ay NARARAPAT na suportahan dahil ang layunin nito ay tama at para sa pagsasaayos ng kapaligiran.
(a)
Patuloy na LUMALALA ang polusyon sa ating bansa kaya naman sumasama rin ang epekto nito sa ating kalusugan.
(a)
Kami ay NAG-USISA at nagtanong ng mga paraan kung paano nila napananatili ang kalinisan ng kanilang kapaligiran.
(a)
NAULINIGAN ng lahat na pagbabawalan muna ang pangingisda para maisagawa ang Clean-up drive. Labis na natuwa ang marami sa kanilang narinig na balita.
(a)
NAPAPAUMIS ang lahat dahil sa patuloy na pag-ayos muli ng isla ng Boracay. Hindi lamang mga lokal ang napapangiti kundi pati na rin ang mga dayuhang dumadalaw roon.
(a)
Maagang NAG-UMPUKAN ang mamamayan ng San Isidro dahil sa tone-toneladang patay na isdang nagsama-sama sa dalampasigan.
(a)
Kailangang dagdagan ng mga lokal na pamahalaan ang mga programa na tumatalakay sa kapaligiran upang PAG-IBAYUHIN ng mga mamamayan ang kanilang pag-aalaga rito.
(a)
Hindi lamang basura ang KUMIKITIL sa mga isda. Pumapatay rin ang mga dinamita at maling paraan ng pangingisda sa maraming anyong tubig.
(a)
Ang programang ito ay hindi lamang pupukaw sa damdamin at pananaw ng maraming Pilipino. Talagang MAKATATAWAG-PANSIN din ito sa ibang lahi na maaaring magsilbing inspirasyon sa kanila.
(a)
