NEW
Font size
WorksheetsGrade 6 - 3rd Quarter Review
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Bakit nawalan ng tiwala ang mga mamamayan sa pamahalaan sa panahon ng administrasyong Quirino?
Dahil sa mga isyu ng korupsyon at katiwalian sa panahon ni Pang. Roxas
Dahil hindi matanggap ng mga mamamayan na naging pangulo si Quirino
Dahi sa kawalan ng pag-asa na bumangon uli dahil sa epekto ng digmaan
Wala sa nabanggit
Bakit pinalitan ni Pangulong Quirino si Pangulong Roxas sa gitna ng kanyang termino?
Bumitiw sa pwesto si Pang. Roxas dahil ayaw niyang madamay sa katiwalian ng kanyang administrasyon
Ipinakulong si Pang. Roxas dahil sa katiwalian at korupsiyon sa kanyang panunungkulan
Namatay si Pang. Roxas dahil sa atake sa puso
Wala sa nabanggit
Ang sumusunod ay ang mga suliraning kinaharap ni Pang. Roxas sa kanyang pamumuno maliban sa isa, ano ito?
Korupsiyon at katiwalian
Problemang pangkapayapaan
Mahinang ugnayan sa Estados Unidos
Kawalan ng kalayaan at katatagang pang-ekonomiya
Paano natugunan ni Pang. Magsaysay ang usaping pangkapayapaan sa bansa sa panahon ng kaniyang panunungkulan?
Nakumbinsi niya si Luis Taruc na sumuko sa pamahalaan dahil sa kaniya estilo ng pamumuno at programa
Nagkaloob siya ng pangkalahatang amnestiya sa lahat ng mga armadong kilusan o kalaban ng pamahalaan
Nagpatupad siya ng epektibong pangangasiwa sa pondo ng pamahalaan lalo na sa pagtulong sa mga namumuhunan
Nanguna siya sa pagtatatag ng Southeast Asian Treaty Organization o SEATO
Bakit inilunsad ng Administrasyong Marcos ang Green Revolution?
Upang sagipin ang mga kagubatan sa bansa
Upang pataasin ang produksiyon ng pagkain sa bansa
Upang bigyan ng proteksiyon ang mga nagsasagawa ng kilos protesta
Upang bigyan ng hudyat ang pagsisimula ng Bagong Lipunan
Ano ang epekto ng katiwalian at korupsiyon na naranasan sa panahon ng Administrasyong Roxas at Quirino sa bansa?
Nawalan ng tiwala ang mga mamamayan sa pamahalaan
Lumago ang ekonomiya dahil sa pangungutang na tumutustos sa mga proyekto
Naging malakas ang pamahalaan sa panahon ng mga pangulong nabanggit
Wala sa nabanggit
Paano nakatulong ang pagkakaroon ng mga base militar ng Estados Unidos dito sa Pilipinas?
Nagbibigay ng karagdagang seguridad sa bansa sa panahon ng kahirapan sa pagbangon dahil sa digmaan
Nagbigay oportunidad sa mga Pilipino na makatrabaho sa ibang bansa
Maraming naitayong mga negosyo na nag gawa ng iba't-ibang trabaho para sa mga Pilipino
Wala sa nabanggit
Paano natin mabibigyang-solusyon ang ating sobrang pagtangkilik sa kulturang dayuhan na sa puntong iniiba at binubura na natin ang ating sariling pagkakakilanlan bilang isang Pilipino?
Isapuso at isaisip parati na ang ating kultura ang nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan
Pagtangkilik pa nang husto sa mga kulturang dayuhan
Panoorin ang lahat ng mga dokumentaryo patungkol sa ating kasaysayan ngunit hindi naisasapuso ang mga aral nito
Wala sa nabanggit
Alin sa mga sumusunod na hakbang ang hindi kaugnay sa austerity program ni Pang. Garcia?
pagpababa ng importasyon ng gasoline
pagpapababa ng eksportasyon ng bigas
pagpapabuti ng lokal na produksiyon ng pagkain
pagkakaroon ng matipid at maayos na pamumuhay
Paano nakakasama ang colonial mentality sa ating pag-iisip at pamumuhay bilang isang Pilipino?
Ating itinuturing ang ating kultura bilang mababa kaysa sa kultura ng iba at tuluyan na nabubura sa ating kagawian
Masyadong pagtangkilik sa sariling atin na sa kalaunan ay nakakalimutan ang mga ibang kultura tulad ng kulturang dayuhan
Umuunlad ang ating bayan dahil alam natin na tayo ay madaling makipag-ugnayan sa mga dayuhan sa pamamagitan ng kaalaman sa kanilang kultura
Wala sa nabanggit
