NEW
Font size
WorksheetsKalinga sa Paggawa
Total questions: 10
Worksheet time: 20mins
Maganda ang pagkakagawa ng pamilya ni Suzanne sa mga bag na yari sa tetra pack juice. Mabili ang mga ito lalo na iyong may iba’t ibang kulay at disenyo. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakitan sa kagalingan ng tao sa paggawa?
Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kaniyang mga kakayahan
Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kaniyang pamumuhay
Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan
Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay.
Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng softdrinks in can ang proyektong “ Ang latang naitabi mo, panibagong pamatid uhaw ang dala nito sa inyo” upang makaipon ng maraming lata na ibibigay sa Tahanang Walang Hagdan. Ang programang ito ay tumutugon sa mga pagpapahalagang mayroon ang pagawaan o ang kumpanya sa paglikha ng isang produktong may kalidad at nakikibahagi sa lipunan, lalo na sa mga may kapansanan.Kung ikaw ang lilikha ng produktong may kalidad at nakikibahagi sa lipunan, lalo na sa mga may kapansanan. Kung ikaw ang lilikha ng produkto alin sa sumusunod ang dapat mong isaalang –alang?
Gumawa ng produktong kikita ang tao
Gumawa ng produktong makatutulong sa tao
Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao
Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos
Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero hindi siya nagrereklamo at nagpapabaya sa kaniyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan niya sa paggawa?
Ginagawa niya nang may kahusayan ang kaniyang tungkulin
May pagmamahal at pagtatangi siya sa kaniyang katrabaho
Ang kaganapan nang kaniyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kaniyang pangarap
Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa.
Sa pagreretiro ni Mang Rene, nakatanggap siya nang mga benepisyong hindi niya inaasahan mula sa pabrikang kaniyang pinaglilingkuran ng mahigit sa 40 taon. Bukod dito, binigyan din siya nang plaka ng pagkilala bilang natatanging manggawa ng pabrika. Palatandaan ng kagalingan niya sa paggawa ang pagtanggap ba nang benepisyo at pagkilala ni Mang Rene?
Oo, sapat na basehan ang 40 na taon niyang paglilingkod
Hindi, binibigay talaga ang parangal at benepisyo sa isang manggawa sa oras na siya ay magretiro bilang bahagi nang kaniyang karapatan bilang isang manggagawa.
Oo, hindi ibinigay ng isang kumpanya ang pagkilala at benepisyo sa manggagawang hindi nararapat bigyan o gawaran nito.
Hindi, binigay lang nang parangal upang maging masaya si Mang Rene dahil sae dad na mayroon siya.
Hindi natapos ni Baldo ang kaniyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito siya ay matagumpay dahil sa negosyong kaniyang itinayo at pinaunlad. Naging madali ito para sa kaniya dahil ito ay ayon sa kaniyang gusto at hilig. Ano ang katangian ang mayroon si Baldo?
Masipag, madiskarte, at matalino
May pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili
Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapuwa at bansa.
May angking kasipagan, pagpupunyagi, at tiwala sa sarili
Malapit na ang pasko, abala na ang mga gumagawa nng mga palamuti dekorasyong siguradong mabenta. Ano ang magandang motibasyon na dapat isaalang-alang nang gumagawa ng mga ito?
Material na bagay at pagkilala ng lipunan
Personal na kaligayahan na makukuha muka dito
Pag-unlad ng sarili, kapuwa, at bansa
Kaloob at kagustuhan ng Diyos
Pinalitan ni Lesie ang nagretirong punong-guro ng kanilang paaralan. Maraming nagsasabing hindi niya kayang higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na narrating ng huli. Alin sa sumusunod ang dapat niyang linangin upang mapatunayan na siya ay karapat-dapat sa posisyong ibinigay sa kaniya?
Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng datoing punong-guro
Gamitin ang ganda,angking kurisma, talino, at kasipagan
Maging masipag, masigasig, at malikhain sa pagsasabuhay nang kaniyang trabaho
Sundin ang payo at gusto ng mga matatandang guro upang maging maganda ang relasyon ng mga ito.
Bata pa lang si Juan Daniel, pinapangarap na niyang maging isang guro tulad ng kaniyang mga magulang. Alin sa sumusunod and dapat niyang isaalang-alang upang maging madali sa kaniya na upang maabot ang pangarap at sa huli’y magkaroon ng kagalingan sa paggawa?
Maging masipag, mapagpunyagi, at magkaroon ng disiplina sa sarili
Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos
Maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling nmakipag-usap
Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
Hindi nagging madali kay G. Sandy Javier ang pagpapaunlad ng Andok’s. Sa kabila ng mga pagsubok, napagtagumpayan pa rin niya ito. Paano kaya tinibnan ni G. Javier ang pagkabigong dinanas kaya ito nagtagumpay?
Itinuring niya itong hamon na kailangang malampasan
Pinag-aralan ang sitwasyon at pinag-isipan ang gagawing hakbang
Ang pagkabigo ayvparaan ng pagsusulit sa aniya
Ang pagkadapa ay hindi senyales upang tuluyang malugmok
Alin ang hindi nagpapakita ng katangiang Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama?
Laging nakikinig sa iba’t ibang instrumenting pangmusika si Roberto del Rosaryo,imbentor ng karaoke
Gumugugol na maraming oras si Leonard de Vinci upang pagmasdan ang mga ibong lumilipad at hugis ng bulaklak at dahon
Pinauunlad ng mga magsasakang Hapones ang pagtatanim ng maraming puno sa tabi ng palaisdaan dahil nahinuha nila ang kaugnayan ng malusog na isda sa malusog na ecosystem.
Inoobserbahan ng mga scientist ng maraming oras ang kanialng specimen bago bumuo ng konklusyon tungkol dito.
