wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Subukin (ESP4_W3_Q3)

Total questions: 11

Worksheet time: 9mins

Name
Class
Date
1.

_____1. Mahalagang pag-aralan ang mga awit at sayaw ng ibang

pangkat-etnikong Pilipino dahil sumasalamin ito ng

ating pagka-Pilipino.

a)
b)
2.

_____2. Wala namang masama kung pagtawanan ang mga awit

at sayaw ng ibang pangkat dahil sa kakaiba nitong tono

at wika.

a)
b)
3.

_____3. Higit na kailangang pag-aralan ang kultura ng iba’t

ibang pangkat-etnikong Pilipino kaysa sa kultura ng

mga dayuhan.

a)
b)
4.

_____4. Ang pagsuri sa mga kuwentong-bayan, awit, sayaw, at

laro ng mga pangkat- etnikong Pilipino ay inaasahang

gawin ng bawat mamamayan.

a)
b)
5.

_____5. May pagkakaiba-iba ang kultura ng bawat pangkatetnikong

Pilipino kung kaya mahalagang unawain at

igalang ang mga pagkakaiba upang maiwasan ang di

pagkakaunawaan.

a)
b)
6.

____6. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng

pagpapahalaga sa sariling kultura at kultura ng ibang

pangkat-etnikong Pilipino?

a)

Nagbabasa ako ng kuwentong bayan ng samu’t

saring buhay ng mga Pilipino.

b)

Pinagtatawanan ko ang naririnig ko na kakaiba ang

tono ng pananalita sa amin.

c)

Mas nais kong pag-aralan ang mga awiting dayuhan

dahil masigla ang himig nito.

d)

Pinagtatawanan ko ang mga awiting ng ibang

pangkat etniko dahil sa kakaibang tono at wika

nito.

7.

_____7. Sa kasalukuyan, mayroon pa ring pangkat etnikong

Pilipino na nakasuot ng kanilang katutubong kasuotan

sa pangaraw-araw nilang pamumuhay. Ano ang

saloobin mo rito?

a)

Dapat nakikisabay na rin sila sa modernong

pananamit.

b)

Dapat tulungan sila ng gobyerno upang maging

moderno na rin.

c)

Mabuti na may mga Pilipino nagsusuot pa rin ng

katutubong pananamit.

d)

Nakakaawa naman sila kasi hindi sila nakasuot

ng maayos na pananamit sa panahon ngayon.

8.

______8. Bilang isang Pilipino, paano mo maibabahagi ang

pagpapahalaga sa kulturang Pilipino lalo na sa

kasalukuyang mas pinagtutuunan ng iba ang kultura

ng ibang bansa?

a)

pagturo ng mga larong Pinoy sa iba

b)

pagsuot ng mga usong pananamit ng ibang bansa

c)

pagpost sa facebook ng mga sikat na artista ng

ibang lahi

d)

pagbisita ng mga makasaysayang lugar sa ibang

bansa

9.

______9. May bagong lipat na kaklase sina Susan na mula sa

ibang pangkat- etniko. Iba ang tono ng kaniyang

pananalita kumpara sa kanila. Kaya naman, madalas

siyang pagtawanan nina Susan. Tama ba ang

kanilang ginagawa? Bakit?

a)

Opo dahil nakakatawa talaga iyon.

b)

Hindi po dahil bababa ang marka nila sa EsP.

c)

Hindi po dahil dapat igalang ang pananalita ng

iba.

d)

Opo dahil wala namang masama sa ginagawa nila.

10.

______10. Nagkaroon kayo ng family reunion. May tiyo ka na

nakapangasawa na iba ang paniniwala sa inyong

nakagisnan. Paano mo ito tatanggapin?

a)

Iwasan ang tiyahin.

b)

Sabihan siya na kakaiba siya.

c)

Huwag nalang siyang kausapin.

d)

Igalang ang kaniyang paniniwala

11.

Panuto: Kompletuhin ang sumusunod na pangungusap ayon

sa pagkakaunawa mo tungkol sa pagpapahalaga sa kulturang

Pilipino. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Bilang isang Pilipino Ipagmamalaki ko ang ating kultura sapagkat _________________________________________________

4 lines