WorksheetsPhilippiKnows Quiz Bee - SHS (Average)
Total questions: 10
Worksheet time: 4mins
Ipinagdiwang ng Simbahang Katolika sa Pilipinas noong 2021 ang ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa. Saang partikular na lugar sa Timog Leyte ginanap ang unang Kristiyanong misa sa Pilipinas?
(a)
Best Bar Ever! – ito ang tawag ng mga Bar Examinees sa katatapos lamang na Bar Exams dahil sa bagong mga polisiya at pamamaraang ginamit dulot ng pandemya. Maraming impormasyon na nagsasabi na si dating Pangulong Ferdinand Marcos ang nakakuha ng pinakamataas na grado sa kasaysayan ng Bar ngunit ito ay walang katotohanan. Sino ang totoong nakakuha ng pinakamataas na marka (96.70%) sa kasaysayan Philippine Bar Exam?
Associate Justice Conchita Carpio - Morales
Associate Justice Florenz Regalado
Chief Justice Cayetano Arellano
President Manuel A. Roxas
Matapos ang pagdedeklara ng pagkakaroon ng Snap Election noong 1986, pinasimulan niya ang Corazon Aquino for President Movement (CAPM) na kumalap ng isang milyong pirma sa buong bansa upang kumbinsihin ang biyuda ng dating Senador Ninoy Aquino na tumakbo at labanan sa pagkapangulo si Marcos.
Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin
Joaquin "Chino" Roces
General Fidel V. Ramos
Salvador "Doy" Laurel
Ito ang itinaguri o itinawag sa mga computer programmers at technicians na umalis o nag-walk out sa Commission on Elections' Quick Count Center noong 1986 Snap Elections matapos masaksihan ang garapalang pandaraya sa bilangan ng boto pabor kay Marcos .
(a)
Ito ang kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas sa panahon ni Pangulong Roxas na nagsasaad ng pag-alis ng kapangyarihan at karapatan ng Estados Unidos na makialam sa pangangasiwa, pagkontrol sa teritoryo at mga mamamayan ng bansa maliban sa mga base militar na kakailanganin ng para sa proteksyon ng dalawang bansa.
Parity Rights
Military Bases Agreement
Treaty of Paris
Treaty of General Relations
Sa kanyang huling talumpati noong September 13, 1972, isiniwalat ni Senador Benigno S. Aquino Jr. na siya ay nakatanggap ng impormasyon tungkol sa isang top-secret military plan na nagmula kay dating Pangulong Marcos na maglalagay sa Metro Manila at karatig probinsya sa ilalalim ng kontrol ng Philippine Constabulary bilang pasimula sa idedeklara ng Martial Law. Ano ang katawagan sa “top-secret military plan” na ito?
(a)
Maliban sa tatlong sangay ng pamahalaan, nagtatag ang Artikulo IX ng Saligang Batas 1987 ng tatlong independiyente at nagsasariling komisyon. Alin sa mga sumusunod na komisyon ang HINDI kabilang sa mga itinadhana ng nasabing Artkulo ng Saligang Batas?
Civil Service Commission
Commission on Audit
Commission on Election
Commission on Human Rights
Sa hanay ng mga naging Pangulo ng Pilipinas mula kay Aguinaldo hanggang kay Duterte, ilan sa kanila ang abogado o nakapagtapos ng abosiya?
(a)
Alin sa mga sumusunod na Kautusang Tagapagpaganap ang nag-aatas na Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang pambansa?
Kautusang Tapapagpaganap Blg. 96
Kautusang Tapapagpaganap Blg. 134
Kautusang Tapapagpaganap Blg. 187
Kautusang Tapapagpaganap Blg. 263
Ilang taon, buwan, at araw napasailalim ang buong Pilipinas sa Batas Militar?
8 taon, 2 buwan at 28 araw
8 taon, 3 buwan at 26 na araw
9 taon, 1 buwan at 23 araw
9 na taon, 4 buwan at 21 araw
