wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Filipino 6

Total questions: 40

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ang sino at sino-sino ay kumakatawan sa ______.

a)

a. tao

b)

b. bagay

c)

c. lugar

2.

Ang _______ ay panghalip na panaong ginagamit na simuno at kaganapang pansimuno ng pangungusap.

a)

a. paukol o palayon

b)

b. palagyo

c)

c. paari

3.

Ang ilan at ilan-ilan ay kumakatawan sa _____.

a)

a. tao

b)

b. halaga

c)

c. bilang

4.

Ang ______ ay pamalit sa pangngalan sa paraang patanong.

a)

a. panghalip na panao

b)

b. panghalip na pananong

c)

c. panghalip

5.

Ang _______ ay bahagi ng pananalitang ginagamit na pamalit o panghalili sa pangngalan.

a)

a. pangngalan

b)

b. pandiwa

c)

c. panghalip

6.

Ang _____ ay panghalip na panaong kumakatawan sa taong nagmamay-ari ng bagay.

a)

a. palagyo

b)

b. paari

c)

c. paukol o palayon

7.

Ang ______ ay panghalip na panaong ginagamit bilang layon ng pang-ukol at tagaganap ng pandiwang nasa tinig balintiyak.

a)

a. palagyo

b)

b. paari

c)

c. paukol o palayon

8.

Ang ______ ay pangngalang pinag-uusapan sa pangungusap.

a)

a. kaganapang pansimuno

b)

b. tuwirang layon

c)

c. simuno o paksa

9.

Ang ______ ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at pangyayari.

a)

a. pangngalan

b)

b. pandiwa

c)

c. panghalip

10.

May ____ kaukulan ang panghalip na panao.

a)

a. isang

b)

b. dalawang

c)

c. tatlong

11.

Ang pangngalang ito at ang simuno ay tumutukoy sa isang tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari at gawain lamang.

a)

a. simuno o paksa

b)

b. layon ng pang-ukol

c)

c. kaganapang pansimuno

12.

Ang _____ ay pangngalang ipinupuno o nagbibigay ng paliwanag o dagdag na impormasyon tungkol sa simuno.

a)

a. pamuno

b)

b. panawag

c)

c. layon ng pang-ukol

13.

Ano ang tawag sa pangngalang pinaglalaanan ng kilos o bagay sa pangungusap?

a)

a. tuwirang layon

b)

b. layon ng pang-ukol

c)

c. simuno o paksa

14.

Ang ______ ay pangngalang tumutukoy sa tao/mga taong kinakausap.

a)

a. pamuno

b)

b. panawag

c)

c. tuwirang layon

15.

Ilan ang kayarian ng pangngalan?

a)

a. 3

b)

b. 4

c)

c. 5

16.

Ano ang tawag sa pangngalang tumatanggap ng kilos sa pangungusap?

a)

a. tuwirang layon

b)

b. layon ng pang-ukol

c)

c. simuno o paksa

17.

Ang pangngalang binubuo lamang ng salitang-ugat.

a)

a. payak

b)

b. maylapi

c)

c. inuulit

18.

Ang pangngalang binubuo ng salitang-ugat at panlapi.

a)

a. payak

b)

b. maylapi

c)

c. inuulit

19.

Ang pangngalang binubuo ng pagsasama ng dalawang magkaibang salita.

a)

a. tambalan

b)

b. maylapi

c)

c. inuulit

20.

Ang pangngalang binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang dalawang pantig ng salitang-ugat ay tinatawag na ______.

a)

a. tambalan

b)

b. maylapi

c)

c. inuulit

21.

Ang _________ ay nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagsama.

a)

a. tambalan

b)

b. tambalang ganap

c)

c. tambalang di-ganap

22.

bintana

a)

a. payak

b)

b. maylapi

c)

c. tambalan

23.

hampaslupa

a)

a. payak

b)

b. maylapi

c)

c. tambalan

24.

Ang _________ ay pagsasama ng dalawang magkaibang salita na nagkakaroon ng bagong kahulugan ang salitang nabuo.

a)

a. tambalan

b)

b. tambalang ganap

c)

c. tambalang di-ganap

25.

dalagang-bukid

a)

a. payak

b)

b. maylapi

c)

c. tambalan

26.

bagyo

a)

a. payak

b)

b. maylapi

c)

c. tambalan

27.

araw-araw

a)

a. payak

b)

b. inuulit

c)

c. tambalan

28.

gabi-gabi

a)

a. payak

b)

b. inuulit

c)

c. tambalan

29.

Ano ang pangngalang panawag sa pangungusap?

"Alam mo, Jonathan, aalis na kami sa Linggo."

a)

a. alam

b)

b. Jonathan

c)

c. aalis

30.

usapan

a)

a. maylapi

b)

b. inuulit

c)

c. tambalan

31.

kabutihan

a)

a. maylapi

b)

b. inuulit

c)

c. tambalan

32.

Ano ang pangngalang simuno sa pangungusap?

"Ang mga sasakyan nila ay pawang mamahalin."

a)

a. ang

b)

b. sasakyan

c)

c. mamahalin

33.

Ano ang pangngalang simuno sa pangungusap?

"Ang magkaibigan ay masayang naglalaro"

a)

a. magkaibigan

b)

b. masayang

c)

c. naglalaro

34.

Ano ang pangngalang panawag sa pangungusap?

"Reya, sasabay ka ba sa akin?"

a)

a. Reya

b)

b. sasabay

c)

c. akin

35.

Ano ang pangngalang kaganapang pansimuno sa pangungusap?

"Si Maria ay isang mabait na bata."

a)

a. mabait

b)

b. bata

c)

c. Maria

36.

Ano ang pangngalang kaganapang pansimuno sa pangungusap?

"Masarap na almusal ang dinala sa kanila."

a)

a. masarap

b)

b. almusal

c)

c. dinala

37.

bolpen

a)

a. payak

b)

b. tambalan

c)

c. inuulit

38.

Ano ang pangngalang pamuno sa pangungusap?

"Si Kuya Karl ay bumili ng Bench, ang paborito niyang pabango."

a)

a. Kuya

b)

b. Bench

c)

c. pabango

39.

Ano ang pangngalang pamuno sa pangungusap?

"Siya si Gng. Ramos, ang ingat-yaman sa aming barangay."

a)

a. ingat-yaman

b)

b. Gng. Ramos

c)

c. barangay

40.

Ano ang pangngalang pamuno sa pangungusap?

"Ang saging, ang prutas na mayaman sa bitamina B6, ay lagi nating kainin."

a)

a. saging

b)

b. prutas

c)

c. kainin