WorksheetsHAMON NG KASARIAN
Total questions: 20
Worksheet time: 9mins
Ito ay tumutukoy sa mga taong walang kinabibilangang kasarian kaugnay ng kaniyang nararamdaman para sa kaniyang sarili.
Asexual
Queer
Intersex
BISEXUAL
Ito ay tumutukoy sa kung anong uri ng kasarian nagkakaroon ng kagustuhan ang isang tao, sekswal man o romantiko
Sexual Orientation
Gender Identity
Gender Expression
Biological Sex
Ito ay tinukoy ng World Health Organization bilang panlipunang gawain, kilos at gawain na itinakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki
Biological Sex
Sex
Gender Identity
Gender
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pag-uuri ng sexual orientation ?
Asexual
Homosexual
Bisexual
Heterosexual
Sa panahong ito nabuksan ang mga kaisipan ng mga Pilipino sa konsepto ng kalayaan, karapatan at pagkakapantay-pantay
Panahon ng mga Espanyol
Panahon ng mga Hapon
Panahon ng mga Amerikano
Panahon ng mga Briton
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapatotoo tungkol sa mga babaylan noong sinaunang panahon?
Pwedeng isang lalaki ang gumanap bilang babaylan
Hindi sila maaaring ikasal sa kapwa lalaki
Kinatatakutan sila dahil sa kanilang posisyon
Nagbabalat-kayo upang pakinggan ng mga espiritu ang mga kahilingan
Isa itong antolohoya ng panulat ng mga miyembro ng gay community na inedit ni Danton Remoto noong 1993.
LeAP
A different love: Being gay in the Philippines
ProGAY Philippines
LADLAD
Si Geraldine Roman ay ang kauna-unahang transgender na congresswomen ng ating bansa . Saan lugar sa Pilipinas nakilala si Geraldine bilang kaniyang pinagmulan
Batangas
Bataan
Bicol
Batanes
Isang katawagan kung saan ang lalaki ang mas makapangyarihan, pinagmumulan ng desisyon at kalakasan sa pamilya at lipunan.
Patriarchal
Patrimony
Patricians
Pharisees
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Gender ?
Ang mga babae ay may buwanang regla
Dumadaan sa pagtutuli ang isang lalaki na simbolo ng kalinisan (hygiene)
Mas malaki ang buto ng lalaki kaysa sa babae
Sa maraming bansa ang mga babae ang gumagawa ng mga gawaing pambahay
Anong bansa ang nagpasa ng batas na "Anti-Homosexuality Act of 2014" na kung saan may habambuhay na pagkabilanggo ang parusa sa mga same-sex relations at marriages
UGANDA
SAUDI ARABIA
BRUNEI
UNITED ARAB EMIRATES
Sa paaralang ito kilala ang aktibong grupo ng mga estudyanteng LGBT na may organisasyong may pangalang BABAYLAN.
ATENEO DE MANILA UNIVERSITY
ADAMSON UNIVERSITY
DE LA SALLE UNIVERSITY
UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
Ito ang pagpapakita ng isang tao ng kaniyang nararamdaman at nasa isipan kung anong gender siya kabilang sa pamamagitan ng pananalita, pagdadamit at mga pagkilos
Gender Identity
Gender Expression
Gender Minority
Gender
Ito ay isang listahan ng mga karapatan ng mamayan.
Rule of Law
Due Process
Bill of Rights
None of the Answers
May paligsahan sa sayaw na inanunsyo ang inyong paaralan na nagsasaad na ang pwedeng sumali ay mga babae at lalaki lamang. Maraming gustong sumali ngunit di sila pwede dahil sa kanilang kasarian. Ikaw bilang estudyante ng paaralan ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?
Pagsasabihan ko ang gumawa ng paligsahan na kung pwede ay baguhin ang alituntunin ng paligsahan at ipakita ang pagkakapantay-pantay sa lahat ng estudyante sa paaralan.
Pagsasabihan ko ang nag anunsyo na hindi makatarungan ang sinasaad sa paligsahan.
Pagsasabihan ko ang mga estudyante na magprotesta laban sa gumawa ng paligsahan.
Pagsasabihan ko sila na huwag nalang piliting sumali kasi di sila pwedeng sumali dahil sa kanilang kasarian.
Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak.
TAMA
MALI
Sinasabi na ang layunin ng Magna Carta for Women ay itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao. Ano ang ibig ipahiwatig nito?
Pantay-pantay ang karapatan ng lahat ng tao kahit ano man ang kanyang kasarian.
Ang karapatan ng kababaihan ay kabilang sa karapatang pantao.
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa pag-unlad ng lipunan.
Binibigyan ng malaking pagpapahalaga ang mga kababaihan sa lipunan.
Ang Magna Carta for Women ay isinasabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW. Bakit nakasentro lamang sa mga kababaihan ang mga batas na ito?
Dahil ang mga babae ay mas marami ang papel na ginagampanan kaysa sa lalaki.
Dahil ang mga babae ang tinaguriang ilaw ng tahanan kaya dapat pahalagahan.
Dahil ang mga babae ay mas may maraming maitutulong sa lipunan kaysa sa lalaki.
Dahil ang mga babae ay kadalasang biktima ng karahasan at diskriminasyon.
Ang Magna Carta ay isinasabatas upang alisin ang lahat ng diskriminasyon sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay. Sino-sino ang saklaw nito?
Marginalized Women
Mga batang babae, matatanda, at may kapansanan
Women in Especially Difficult Circumstances
Lahat ng nabanggit
Ang Magna Carta for Women ay isinasabatas upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay.
TAMA
MALI
