NEW
Font size
WorksheetsQ3-AP4-M4-W4-ANO AKO MAGALING?
Total questions: 10
Worksheet time: 2mins
1. Ito ay isang prosesong gumagamit ng awtoridad at pagbubuo ng desisyon para sa nasasakupan o ng buong bansa.
A. pag-asa
B. pagkakaisa
C. pagtutulungan
D. pamumuno
2. Ano ang dulot nito sa mga mamamayan ng paghimok sa maraming mamumuhunan?
A. Pagkakaroon ng tahanan ng bawat pamilya.
B. Karagdagang pagkakataon sa pag-eempleyo.
C. Maayos na pagpapatupad ng batas.
D. Pagbaba ng halaga ng mga bilihin.
3. Napipigilan at nababawasan ang paglaganap ng _____ sa bansa kung maayos ang pagpapatupad ng mga polisiya.
A. populasyon
B. malnutrisyon
C. sakit
D. katiwalian
4. Ito ang paraan upang malaman kung ang mga namumuno ay nakikinig sa boses ng mga mamamayan.
A. Natutugunan nito ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan.
B. Nabibigyang-pansin ang mga suliranin ng bayan.
C. Naiiwasan ang mga kaguluhan.
D. Wala sa nabanggit.
5. Ito ang patunay na maayos na ginagampanan ng mga namumuno ang kanilang tungkulin.
A. Paglaki ng populasyon.
B. Paglago ng ekonomiya.
C. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
D. Pagkakaroon ng mga kalsada at tulay.
6. Alin dito ang hindi naglalarawan ng mabuting pamunuan?
A. Ito ay matatag at walang kaguluhan
B. May maayos na pangangasiwa sa patakaran.
C. May paggalang sa batas.
D. Pagtaas ng antas ng nangangailangan ng tulong .
7. Ang pamumuno ay may kalakip na pananagutan at pakikipakaisa at pantay na pagtingin mapatao man ito o pamahalaan.
A. Tama
B. Mali
C. Maari
D. Siguro
8. Bakit mahalaga na nagagagampanan ng mga pinuno ang kanilang tungkulin?
I. Pagbaba ng bahagdan ng kahirapan.
II. Pagtaas ng kita ng komunidad
III. Karagdagang pagkakataon sa pag-eempleyo.
IV. Pagpasok ng dayuhang mamumuhunan.
A. I
B. I, II
C. II, III, IV
D. I, II, III, IV
9. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng epektibong pamumuno?
A. Si Pedro ay laging handang tumulong at may malinaw na plano sa pamayanan.
B. Si Luisa ang natatanging may desisyon sa mga programa ng pamayanan.
C. Si Marco ay pinagpapaliban ang mga pagpaplano ng pamayanan.
D. Si Pilar ay nakikipagtalo sa mga sumasalungat sa kanya.
10. Ano ang humihimok sa mga mangangalakal na mamuhunan sa bansa?
A. Positibong kalagayang pangkapapayapan sa pamumuno
B. Maunlad na pagloob na kalakalan.
C. Pag-unlad ng pakikipag-ugnayan.
D. Lahat ng nabanggit.
