wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q3_Aralin 3.4 - Maikling Kuwento

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang masining na anyo ng panitikang naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayaring kinabibilangan ng isa o ilang tauhan at nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa?

a)

Alamat

b)

Maikling Kuwento

c)

Nobela

d)

Sanaysay

2.

Anong tunggalian ang nangingibabaw sa maikling kuwentong, “Nang Minsang Maligaw Si Adrian”?

a)

Tao laban sa kapaligiran

b)

Tao laban sa Lipunan

c)

Tao laban sa Sarili

d)

Tao laban sa Tao

3.

Ano ang tawag sa mga salitang ginagamit bilang palatandaan na may tinatalakay o ipinapaliwanag tungkol sa paksa at inapanatili ng mga panandang ito ang kaugnayan ng mga parirala at pangungusap upang lubos na maunawaan ang texto?

a)

Etimolohiya

b)

Morpolohiya

c)

Panandang Pandiskurso

d)

Ponemang Supra segmental

4.

Ang maikling kuwento ay nag-iiwan

       ng kakintalan sa mga mambabasa.

a)

TAMA

b)

MALI

5.

Mula sa anong bansa ang maikling-

       kuwentong “Nang Minsang Naligaw Si Adrian?”

a)

Indonesia

b)

Malaysia

c)

Singapore

d)

Thailand

6.

Ano ang tawag sa pinag-ugatan

     ng salita.

a)

Diskurso

b)

Etimolohiya

c)

Morpolohiya

d)

Ponema

7.

Ang salitang-ugat ng paaralan ay aral.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Alin sa sumusunod na kataga/pahayag ang halimbawang ginagamit sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?

a)

Alinsunod kay ...

b)

Maliban kung ...

c)

Sa aking paniniwala ...

d)

Sa wakas ...

9.

Alin tunggalian ang naglalarawan sa pahayag na, "Ang binata ay nagdadalawang-isip na kunin ang natitirang pera ng kaniyang ina dahil baka siya ay pagalitan?"

a)

Tao Laban sa Sarili

b)

Tao Laban sa Tao

c)

Tao Laban sa Kalikasan/Kapaligiran

d)

Tao Laban sa Lipunan

10.

Ang pangungusap na, " Bumuhos ang malakas na ulan kaya natangay ng baha ang kanilang mga gamit" ay isang uri ng anong tunggalian?

a)

Tao laban sa Kalikasan/Kapaligiran

b)

Tao laban sa Lipunan

c)

Tao laban sa Sarili

d)

Tao laban sa Tao