wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

M3_GF5_Pag-iisa-isa ng mga Argumento sa Binasang Teksto.

Total questions: 15

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.

Ang lahat ng mga pahayag sa ibaba ay opinyon maliban sa isa. Alin sa mga pahayag ang katotohanan?

a)

Para sa akin, bayani ang mga doktor at nars.

b)

Sa aking palagay, mahirap mag-aral kapag hindi kaharap ang guro at mga kaklase.

c)

Sa tingin ko, mahalaga na maipagpatuloy ang pag-aaral kahit na mayroong pandemya.

d)

Ayon sa World Health Organization, kailangang mabakunahan ang 70% ng populasyon upang maprotektahan ang mga mamamayan laban sa COVID-19.

2.

Laganap ngayon ang fake news sa social media. Alin ang pinaka mainam na gawin upang hindi mabiktima ng maling impormasyon?

a)

Ipasa agad sa iba ang natanggap na mensahe para hindi malasin.

b)

Isipin na mali ang lahat ng impormasyong nagmumula sa social media.

c)

Mag-research gamit ang internet o mga aklat upang malaman kung totoo ang pahayag o hindi.

3.

Ano ang katotohanan?

a)

Sabado ang pinakamasayang araw para sa akin.

b)

May pitong araw sa isang linggo.

c)

Nakakatamad tuwing Lunes.

4.

Ano ang opinyon?

a)

Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay may kulay bughaw, pula, puti, at dilaw.

b)

Sa taong 2015, si Benigno S. Aquino III ang pangulo ng Pilipinas.

c)

Ang paboritong kulay ko ay bughaw

5.

Ano-ano ang katotohanan?

a)

Sunud-sunod ang pagbaba ng presyo ng gasolina at diesel.

b)

Ang Pasko ay ipinagdiriwang tuwing ika-20 ng Disyembre.

c)

Hindi tunay na Pilipino ang mga taong laging nagsasalita at nagsusulat sa wikang Ingles.

6.

Anong pangungusap ang nagpapahayag ng KATOTOHANAN?

a)

Ang gagamba ay hindi insekto.

b)

Ang tuwid na buhok ay mas maganda kaysa sa buhok na kulot

c)

Nakatatakot ang mga gagamba.

7.

Anong pangungusap ang nagpapahayag ng OPINYON?

a)

Ang mga prutas ay may iba’t ibang bitamina at mineral.

b)

Mas maraming gusali sa pamayanang urban.

c)

Ang mga taong naninigarilyo ay masasama.

d)

May pitong araw sa isang linggo.

8.

Anong pahayag ang magsasabi ng katotohanan tungkol sa kanila?

a)

Mababago nila ang ating buhay kapag ginaya natin sila

b)

Mahusay sila dahil sila ay mga Koreano

c)

Sikat sila ngayon lalo na sa kabataan

9.

Anong pahayag ang magsasabi ng opinyon tungkol sa nasa larawan.

a)

Naging alkalde siya ng Davao

b)

Anbg kanyang anak na babae ay kumakandidato ngayon sa pagka bise presidente ng ating bansa

c)

Isa siya sa mga mahuhusay na naging pangulo ng ating bansa

10.

Ano ang katotohanang pahayag ang maglalarawan sa kanya?

a)

Kaya niyang talunin ang lahat ng kanyang makakalaban sa ring

b)

Magaling siyang Senador ng ating bansa

c)

Mayroon siyang 8 titulo sa larangan ng boxing

11.

Marami ang naghihirap sa buhay. Katunayan, may mgapamilyang isang beses lang kung kumain sa maghapon. Maraming hindi malamankung saan nila kukunin ang susunod na kakainin.

a)

OPINYON

b)

KATOTOHANAN

12.

Dahil sa kahirapan ng buhay kaya maraming nangyayaringkrimen. Ang kahirapan ang isa sa mga ugat kaya may nangyayaring pagnanakaw.

a)

OPINYON

b)

KATOTOHANAN

13.

Kilala ang mga Pilipino sa galing sa musika. May mga mang-aawit at manunugtog na Pilipino sa iba’t ibang panig ng daigdig, at marami sa kanilaang naging tanyag at nagtagumpay.

a)

OPINYON

b)

KATOTOHANAN

14.

Ayon sa mga manghuhula o psychic, malapit nang magunawang mundo. Maraming senyales ang nangyayari sa ngayon gaya ng pagbaha,paglindol ng malakas, paglaganap ng sakit, pagputok ng bulkan at pagkagutom ngmaraming tao.

a)

OPINYON

b)

KATOTOHANAN

15.

Talagang napakahusay ng Pilipino sa musika. Kahit dahon nghalaman ay nagagawang instrumento, gaya ng ginawa ni Levi Celerio, na isang tunayna maestro sa musika.

a)

OPINYON

b)

KATOTOHAN