NEW
Font size
WorksheetsTAYAHIN (RAMA AT SITA)
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
.1. Anong katangian ni Lakshamanan ang lumutang sa bahaging ito ng akda? Nasaktan si Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para patunayang mahalniya ang kapatid, agad siyang sumugod sa gubat
A. may pusong mamon
B. magaling makipaglaban
C. mapagmahal na kapatid
D. padalos-dalos sa pagdedesisyon
Ano ang higit na katangiang ipinamalas ni Sita sa bahaging ito?“Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan” sabi
ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.
A. taksil na kabiyak
B. matapat sa sarili
C. matalinong mag-isip
D. naghahangad ng kapangyarihan
Alin sa sumusunod ang katangiang ipinamalas ni Rama sa akda?
A. agresibo
B. maaasahan
C. matapat
D. pursigido
4. Alin sa sumusunod ang higit na nagpapakita ng katangian ng isang epiko?
A. Ang paksa ay tumutuligsa sa mga isyung panlipunan.
B. Ang paksa ay tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay.
C. Ang tauhang gumaganap ay mga hayop na nakapagsasalita.
D. Ang tauhan ay madalas na nakikipagdigma para sa mga mahal sa buhay.
5. Alin sa mga pahayag ang HINDI TOTOO tungkol sa kahulugan ng epiko?
A. Ito ay isang uri ng tulang pasalaysay.
B. Binibigyan ng diin ang pinagmulan ng isang bagay.
C. Binibigyan ng diin ang katangiang supernatural ng tauhan.
D. Naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng pangunahing tauhan.
6. Sa paanong paraan naiiba ang epiko sa ibang uri ng tula?
A. binibigkas nang paindayog
B. mayaman sa supernatural na pangyayari
C. inaalay sa mga namayapang mahal sa buhay
D. may sukat na labingwalong pantig sa bawat taludtod
Nagdasal si Sita na sana ay makita ni Rama ang palatandaan para masundan
siya at mailigtas. Anong pagpapahalagang Pilipino ang maihahambing sa
ikinilos ng tauhan?
A. pag-asa sa tadhana
B. pagiging matulungin sa iba
C. pagsasaisip sa lahat ng tao
D. pagkapit sa Diyos sa oras ng kagipitan
Sa epikong binasa, ipinakita ng mga tauhan na hindi matatawaran ang
pagmamahal nila sa kani-kanilang pamilya. Ang ganitong pagpapahalaga ay
nasasalamin din sa ilang bansa sa Asya. Ano ang mabubuong kongklusyon
mula rito?
A. Masakit ang mawalan ng pamilya.
B. Higit na pinahahalagahan ng mga Asyano ang pamilya.
C. Dapat ipagtanggol ang kapamilya kahit nasa maling panig.
D. Ang matiwasay na relasyon ng pamilya ay magdudulot ng kapangyarihan
sa angkan.
Tumanggi si Maritsa na tumulong nang malaman niyang sina Rama at
Lakshamanan ang katunggali dahil “Kakampi nila ang mga Diyos” Ano ang
ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Maiiwasan nila ang mga kaaway dahil sila ang mga Diyos.
B. Lahat ng bagay ay kaya nilang gawin dahil binabantayan sila ng mga Diyos.
C. Ang mga kaaway ay madali nilang matatalo dahil nasa panig nila ang mga
Diyos.
D. Hindi kayang labanan ng mga kaaway dahil sa supernatural na
kapangyarihan na galing sa Diyos.
Anong tema ang binigyan ng diin sa epikong Rama at Sita?
A. politika
B. pamilya
C. kapangyarihan
D. puwersa ng kalikasan
