WorksheetsQ3-WORKSHEET #5
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Basahin ang sitwasyon. Suriin at tukuyin ang mga gawain na nagpapakita ng etiko sa paggawa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga pamantayan at kalidad ng gawain.
Si Isabel ang pinakamagaling magpinta sa kanilang klase. Nang inanunsyo ng punongguro na magkakaroon ng paligsahan sa pagpipinta sa buong paaralan ay hindi siya nag-atubiling magdesisyong sumali. Araw-araw siyang nag-eensayo upang paghandaan ang patimpalak. Dumating ang araw ng paligsahan at labis ang nadarama niyang kaba dahil magagaling din ang kaniyang mga katunggali. Hindi siya nagpadaig sa nararamdaman; bagkus ay buong husay niyang ipinamalas ang kaniyang angking galing sa pagpipinta. Humanga ang lahat pati na ang mga hurado sa kaniyang ginawa. Itinanghal siyang kampiyon ng mga hurado dahil sa mataas na kalidad ng kaniyang ginawa.
Anong pamantayan ang nakatulong kay Isabel sa kaniyang pagkapanalo sa paligsahan sa pagpipinta?
A. paghanda sa patimpalak
B. pabago-bago na pagpinta
C. lakas ng loob at de-kalidad na pagpinta
D. paggaya na gawa ng iba
Ano ang maaring maipagmamalaki ni Isabel kaya siya nanalo?
A. pagsunod sa tamang pamantayan
B. sariling kakayanan lamang
C. hindi naabot ang inaasahan
D. bilis ng kamay sa pagpinta
Ano ang dapat mong gawin kung gusto mong manalo sa paligsahan?
A. Manggaya sa iba lalo na sa may marami nang napalunan.
B. Pag-isipan ang tamang paggawa sa oras ng patimpalak.
C. Gamitin ang kakayahan na makapagpinta batay sa tamang pamantayan.
D. Humingi ng tulong upang mapabilis ang paggawa.
Ang mga sumusunod ay mga kasanayan upang mapahusay ang paggawa maliban sa ________.
A. Magpokus at ituon ang pansin sa gawain.
B. Kapag nagkamali ay agad gumawa ng paraan para maitama ito.
C. Humanap ng shortcut kapag hindi pa alam ang gagawin.
D. Humingi ng mungkahi upang mas mapahusay ang paggawa.
Ang etika sa paggawa ay ang tamang pagtingin sa paggawa at pagkakaroon ng mabubuting katangian at kakayahan. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ni Isabel upang maisabuhay ang etika sa paggawa?
A. Pagpapanatili ng de-kalidad na trabaho
B. Pagpapaliban sa pagtapos ng gawain
C. Pagsuko kapag nahihirapan sa gawain
D. Pagkopya sa gawa ng iba
Alin sa mga gawain ang nagpapakita ng de-kalidad na pagganap?
A. Gawin kaagad ang mga bagay na ipinagawa sa iyo at ipasa sa takdang oras.
B. Sumunod sa tamang pamantayan sa paggawa.
C. Pagbutihin ang ginagawa upang maipagmalaki ito.
D. Tama ang lahat ng sagot.
Sino sa kanila ang sumusunod sa pamantayan sa paggawa at malamang na maging matagumpay balang araw?
A. Si Leo na masipag maglaro sa araw at gabi.
B. Si Pedro na gumagawa kung nakatingin ang amo.
C. Si Jose na tinatapos ang trabaho sa tamang oras.
D. Si Juan na gumagawa nang dahil sa sahod.
Kahit nahihirapan si Ana, pinag – aaralan niya nang mabuti ang pananahi, gamit ang makina. Pagdating ng tamang panahon, hindi na siya mahihirapang humanap ng trabaho. Ano ang masasabi mo sa kaniyang ginawa?
A. Pinalawak at pinabuti niya ang kaniyang kakayahan bilang paghahanda.
B. Siya’y nagkulang ng tiwala sa kaniyang sarili.
C. Si Ana ay hindi makapaghintay ng tamang panahon.
D. Nawala ang dati niyang gana sa pananahi.
Sino ang dapat tularan?
A. Si Rojohn na gumagawa ng lumang basahan sa maghapon.
B. Si Allen na hindi maayos ang mga gawa pero marami at mabilis.
C. Si Joffrie na pinipili ang mga tela at kulay na gagamitin upang gumanda at de-kalidad ang maging yari ng basahan.
D. Si Rey na ipinasa ang proyektong basahan kahit hindi pa tapos.
Kailan dapat tapusin ang isang gawain na iniatas sa iyo?
A. sa itinakdang oras o sa susunod na araw
B. kahit kailan mo ito gustong tapusin
C. sa itinakdang oras o mas maaga pa
D. kapag paulit-ulit nang ipinapapasa ang gawain
