NEW
Font size
WorksheetsAP 9 3rd Quarter Review
Total questions: 20
Worksheet time: 20mins
Alin sa mga sumusunod ang saklaw ng makroekonomiks?
Paggalaw ng Presyo
Sektor ng Industriya
Pagbabago sa suplay
Pagbabago sa demand
Sa paikot na daloy ng ekonomiya, paano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?
Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal.
Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksyon na sumasailalim sa pagpoproseso ng bahay-kalakal.
Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal.
Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa kahalagahan ng pagsukat ng economic performance ng bansa?
Upang makabuo ng mga patakarang magpapabuti sa ekonomiya ng bansa
Upang maging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pinansiyal.
Upang makakuha ng malaking boto sa eleksiyon ang mga namumuno sa pamahalaan.
Upang makilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI layunin ng mga patakarang pang-ekonomiya (economic policies)?
Mapatatag ang presyo ng bilihin
Mapatatag ang sistemang politikal
Mapataas ang antas ng produksyon
Mapataas ang bilang ng may trabaho sa bansa
Alin sa mga sumusunod ang katangian ng sambahayan?
Nagbabayad sa pamilihan ng produkto at serbisyo
Bumibili ng kalakal at serbisyo
May-ari ng mga salik ng produksyon
Lahat ng nabanggit
Nais magdagdag ng produksyon ang pabrika ni Mr. Tan kaya umutang siya sa bangko. Ano ang tawag sa pondong inutang ni Mr. Tan sa bangko.
Salary Loan
Investment Loan
Interest Rate
Real Property Tax
Ang pamahalaan ay nagkakaloob ng mga produkto at serbisyong pampubliko. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa nito?
Sahod sa mga manggagawa
Pangangampanya sa eleksyon
Pakikipagkalakalan sa ibang bansa
Iskolarship sa mga mahihirap na mag-aaral
Malaki ang papel ng pondo sa pambansang ekonomiya. Alin sa mga sumusunod ang HINDI gamit ng pondo sa pagpapaunlad ng pambansang ekonomiya?
Pang-abuloy sa mga namatayan
Pambili ng mga karagdagang kapital
Pampagawa ng mga kalsada at tulay
Pambayad sa mga salik ng produksyon
Bakit mahalagang malaman kung may pagtaas sa GDP at GNI?
Upang malaman kung may laban ang ating bansa sa iba.
Upang malaman kung malaki ang ibinababa ng ating ekonomiya.
Upang malaman kung nagagampanan ng ekonomiya ang tungkulin nito.
Upang malaman kung may dapat baguhin sa patakarang pang-ekonomiya sa bansa.
Ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng mga bilihin. Ano ang negatibong epekto ng implasyon sa ekonomiya?
Pagdami ng perang nasa sirkulasyon.
Pagbagsak ng suplay ng mga produkto.
Pagluwas ng mga kalakal sa ibang bansa.
Paghina ng halaga ng salapi sa pamilihan.
Alin sa mga sumusunod ang maaring maging sanhi ng implasyon?
Pagtaas ng halaga ng piso laban sa dolyar
Pagbaba ng pagkonsumo ng isang kalakal.
Pagdami ng nagbebenta ng isang kalakal.
Pagtaas ng demand para sa isang kalakal.
Alin sa mga sumusunod ang pinakamasamang epekto ng implasyon?
Bababa ang demand ng kalakal.
Mas liliit ang kakayahan ng dolyar laban sa piso.
Paghingi ng dagdag na sahod ng mga manggagawa.
Boluntaryong pagtanggi sa pagbili ng produktong mataas ang halaga.
Ang halaga ng manok ay 100/kilo. Kung ang antas ng implasyon ay 5%, magkano ang bagong presyo nito?
95
100
105
110
Bilang isang mamimili, paano ka makakatulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?
Bumili lamang kung kilala at suki.
Bumili lamang sa mga supermarket.
Bumili lamang kung bagsak ang presyo.
Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan
Paano malulutas ang demand-pull inflation?
Pagkontrol sa supply ng salapi.
Pagbibigay pansin sa produktibidad.
Pagbubukas ng karagdagang trabaho.
Pagpapautang na may mababang interes.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pag-iimpok sa mga konsyumer?
Pagbili ng bagong damit.
Paglagak ng pera sa bangko.
Pagkuha ng educational plan.
Pagbili ng mga kalakal na installment.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pag-iimpok ng pamahalaan?
Pagbabawas ng binibiling gamit.
Pagbili ng gamot para sa mahihirap.
Pagpapagawa ng tulay ay kalsada.
Pagbibigay ng bonus sa mga kawani.
Ang passive income ay kita na hindi masyadong ginagamitan ng lakas paggawa. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa nito?
Pag-iimpok sa bangko
Pagbili ng bahay at lupa
Pagbebenta ng mga fishball
Pag-aahente ng mga insurance
Ang asset ay isang bagay na nagbibigay ng kita sa may-ari nito. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa nito?
Alahas na isinanla.
Bahay na pinapaupahan.
Cellphone na ginagamit sa paaralan.
Sasakyan na ginagamit sa pagpasok sa trabaho.
Ang maling financial mindset ang pangunahing dahilan bakit ang mahirap ay lalong humihirap. Alin ang halimbawa nito.
Pagtaya sa lotto.
Pagkakaroon ng bisyo
Pagsakay sa taxi kahit puwedeng mag-jeep.
Pagiging mapaghintay sa mga magaganap na pangyayar
