NEW
Font size
WorksheetsMaikling Kuwento (Nang Minsang Naligaw si Adrian)
Total questions: 15
Worksheet time: 42mins
punan ng angkop na panandang pandiskurso ang patlang
upang mabuo ang diwa ng bawat pangungusap.
Ang sakit na COVID-19 ay _______ isang bagong virus na kumakalat sa
buong mundo.
A. una
B. kung
C. bukod
D. dulot ng
Ayon sa mga eksperto, maaring maiwasan ito ______ mapapanatili ang
anim na talampakang (2 metro) layo mula sa ibang tao kapag nasa labas
ng bahay.
A. una
B. kung
C. bukod
D. dulot ng
_______ sa pisikal na layo, pinapayuhan ding magsuot ng face mask sa
tuwing lalabas ng bahay.
A. At
B. Kung
C. Bukod
D. Dulot ng
Bilang ordinaryong mamamayan ay may maitutulong tayo sa ating mga
frontliners sa paglaban sa COVID-19 sa ________ pamamalagi sa ating
tahanan.
A. at
B. kung
C. bukod
D. pamamagitan ng
Bilang ordinaryong mamamayan ay may maitutulong tayo sa ating mga
frontliners sa paglaban sa COVID-19 sa ________ pamamalagi sa ating tahanan.
, ano ang gamit ng panandang pandiskurso sa pangungusap?
Ginamit ito upang—
A. sumahin ang idea
B. paghiwalayin ang idea
C. magbigay ng halimbawa
D. magbigay ng impormasyon
Anong uri ng tunggalian ang nangingibabaw sa sitwasyong ito?
Nagkaroon ng mainit pagtatalo sa pagitan ng magkakapatid kung sino ang dapat na mag alaga sa kanilang ubanin. May ilang bagay na hindi napagkasunduan kaya tuluyan nang nagkalamat ang kanilang relasyon at magpahanggang ngayon ay hindi na nila kinikibo ang isa’t isa.
A. Tao Laban sa Tao
B. Tao laban sa Sarili
C. Tao Laban sa Lipunan
D. Tao Laban sa Kalikasan
Anong uri ng tunggalian ang nangingibabaw sa pahayag na nasa ibaba?
Mabigat sa loob niya ang nabuong desisyon. Ang desisyong iwan ang
kaniyang pamilya, subalit pinipilit pa rin niyang paniwalain ang sarili na
iyon ang tamang gawin.
A. Tao Laban sa Tao
B. Tao laban sa Sarili
C. Tao Laban sa Lipunan
D. Tao Laban sa Kalikasan
Anong uri ng tunggalian ang lumulutang sa sitwasyon sa ibaba?
“Kaysama ng taong iyan. Nagawa niyang abandonahin ang kaniyang magulang. Walang utang na loob!” Ito ang mga masasakit na salitang natatanggap ni Boy mula sa mga kakilala. Idagdag pa rito ang mga tinging mapang-usig mula sa mga kapitbahay. Pakiramdam niya, inayawan na siya ng lahat."
A. Tao Laban sa Tao
B. Tao laban sa Sarili
C. Tao Laban sa Lipunan
D. Tao Laban sa Kalikasan
Naibabalita sa telebisyon na maging mga artista ay hindi nakaliligtas sa mga mapanakit na puna ng mga netizen. Anong tunggalian ang ipinapakita rito?
A. Tao Laban sa Tao
B. Tao laban sa Sarili
C. Tao Laban sa Lipunan
D. Tao Laban sa Kalikasan
Ayon sa balita, marami sa kababayan natin ang nahuli dahil sa paglabag
sa health protocol. Waring nahihirapang sumunod sa patakaran dahil
hindi madisiplina ang sarili. Anong tunggalian ang lumulutang sa
sitwasyong ito?
A. Tao Laban sa Tao
B. Tao laban sa Sarili
C. Tao Laban sa Lipunan
D. Tao Laban sa Kalikasan
Hindi lumilipas ang isang taon nang hindi dumaraan ang isang
mapaminsalang bagyo sa bansa na nagdudulot ng pagkawasak ng ari-
arian ng ilang kababayan. Ang ganitong mga pangyayari ay nagpapakita
ng tunggalian sa pagitan ng ______________.
A. Tao Laban sa Tao
B. Tao laban sa Sarili
C. Tao Laban sa Lipunan
D. Tao Laban sa Kalikasan
Ang mga pangyayari sa kuwentong “Nang Minsang Naligaw si Adrian” ay
maaaring sumasalamin sa mga pangyayari sa tunay na buhay. Alin sa
sumusunod ang mabigat na mensaheng nakapaloob sa akda?
A. Matutong magpasalamat sa mga biyayang natatanggap.
B. Maaaring bumitaw kung hindi na kaya ang responsibilidad.
C. Maraming responsibilidad na dapat gampanan ang isang anak.
D. Walang kapantay ang halaga ng magulang kaya hindi sila dapat
ipagpalit kahit sa anomang bagay.
Anong pang-ugnay ang ginamit sa pahayag na nasa ibaba?
“Huwag nating iisiping pabigat ang ating mga magulang lalo na kung nasa
dapithapon na sila ng kanilang buhay. Nararapat lang na sila ay alagaan
sapagkat sila ang nagluwal sa atin sa mundong ito”.
A. pabigat
B. nararapat
C. sapagkat
D. huwag
“Ibig ko ring mangibang bansa gaya ng mga kaibigan ko at mamuhay nang
malaya _____ sa tuwing maiisip ko ang sitwasyon ng aking pamilya ay
nadadaig nito ang pagnanais na iyon”. Ano ang angkop na gamiting pang-
ugnay upang mabuo ang pangungusap?
A. datapwat
B. kaya
C. palibhasa
D. subalit
Anong uri ng panandang pandiskurso ang mga salitang nakasalungguhit
sa pangungusap na nasa baba?
“Sa bandang huli ay napagtanto niya ang kaniyang pagkukulang bilang
isang anak”.
A. Pananda sa pananaw ng awtor
B. Pananda sa pagbibigay ng kondisyon
C. Pananda sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari
D. Wala sa nabanggit
