wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Modyul 9- Katarungan Panlipunan

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Bakit kailangan ng isang nilalang na maging makatarungan sa kanyang kapwa?

a)

ito ang pinag-uutos ng batas

b)

ito ang pinag-uutos ng magulang

c)

dahil tungkulin niya ang maging isang makatarungan

d)

dahil siya ay tao at namumuhay sa lipunan ng mga tao

2.

Alin sa sumusunod ang katangian ng isang taong makatarungan?

a)

Ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas .

b)

Ginagalang mo ang karapatan ng iyong kapwa tao.

c)

Isinasaalang-alang mo ang pagiging patas sa lahat ng tao.

d)

lahat ng nabanggit.

3.

Alin sa sumusunod ang sumasalamin sa hindi makatarungang ugnayan ng tao

sa kanyang kapwa?

a)

Pagpapasara sa isang negosyo na walang permit.

b)

Pagbibigay ng parusa sa taong nagkamali sa batas.

c)

Pakikialam sa buhay at pamumuhay ng kapitbahay .

d)

Pagsumbong sa otoridad sa kapitbahay na gumagamit ng droga.

4.

Ang pandaraya sa negosyo ay nagdudulot ng kawalan ng katarungan.

a)

Mali, natural lamang ang ganitong gawain sa negosyo.

b)

Tama, dahil hindi ito nagdudulot ng kabutihan para sa lahat.

c)

Mali, dahil hindi lahat ng tao ay may kaalaman sa pandaraya.

d)

Tama, basta sumusunod lamang sa umiiral na batas.

5.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng makatarungang ugnayan ni Camille sa

kalipunang kanyang kinabibilangan?

a)

Ang paggalang sa opinyon ng kaibigan tungkol sa relihiyon at paniniwala.

b)

Ang paggalang sa lahat ng guro sa kanyang paaralang pinapasukan.

c)

Ang pagtulong sa matanda upang makatawid sa lansangan.

d)

lahat ng nabanggit.

6.

Ang pagkakaisa ay maaring magbunga ng kapayapaan. Ang pahayag ba ay

tama o mali?

a)

Mali, dahil mahirap na isantabi ang personal na adhikain sa buhay.

b)

Tama, kung matutulungan ang mahihirap na umangat sa buhay.

c)

Mali, imposible na magkaisa ang mga tao dahil sa pagkakaiba-iba ng

paniniwala at prinsipyo.

d)

Tama, kung ang lahat ay kikilos tungo sa kabutihang panlahat.

7.

Hindi makatarungan ang isang batas sibil kung hindi nasusunod ang batas

moral.

a)

Mali, hindi tama na iugnay ang dalawang magkaibang uri ng batas.

b)

Tama, sapagkat ang batas sibil ay nakabatay sa batas moral.

c)

Mali, walang kaugnayan ang batas sibil sa batas moral.

d)

Tama, dahil parehas lamang ang kahulugan ng mga batas.

8.

Walang karapatan at hindi na dapat ginagalang ang mga taong may

kapansanan sa pag-iisip.

a)

TAMA

b)

MALI

9.

Sa kaibigan natin unang nararanasan ang kamalayan tungkol sa

katarungang panlipunan.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Ang paggalang sa kapangyarihan ng mga namumuno sa bansa ay

maituturing na kaugnay na pagpapahalaga ng makatarungang

lipunan.

a)

TAMA

b)

MALI