wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

QCLA Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Filipino

Total questions: 87

Worksheet time: 1hrs 5mins

Name
Class
Date
1.

Anong uri ng pelikula ang nakapokus sa mga personal na suliranin o tunggalian at ginawa upang paiyakin ang manonood?

a)

Historikal

b)

Drama

c)

Katatakutan

d)

Musical

2.

Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan tungkol sa pelikulang Kababalaghan o Fantasy?

a)

Ito ay mga pelikulang katatawanan.

b)

Ito ay tungkol sa pag-iibigan ng mga tauhan.

c)

Ito ay mga pelikulang nag-uulat sa mga balita, o mga bagay na may halaga sa kasaysayan, pulitika o lipunan.

d)

Nagdadala sa manunuod sa isang mundong gawa ng imahinasyon, tulad ng mundo ng mga prinsipe/prinsesa o kwentong bayan.

3.

Anong uri ng pelikula ang nakapokus sa mga bakbakang pisikal at maaaring hango sa tunay na tao o pangyayari?

a)

Aksyon

b)

Historikal

c)

Kababalaghan

d)

Katatakutan

4.

Kung ang Katatakutan ay ginawa upang sindakin ang mga manood, ano naman sa Katatawanan?

a)

gulatin ang manonood

b)

pakabahin ang manonood

c)

paiyakin ang manonood

d)

pasayahin ang manonood

5.

Alin sa mga sumusunod na pelikula ang hindi tumatalakay sa kasaysayan ng ating bansa?

a)

Heneral Luna

b)

Tirad Pass: The Last Stand of General Gregorio del Pilar

c)

Praybeyt Benjamin

d)

Bonifacio: Ang Unang Pangulo

6.

Uri ng pelikula na nakapokus sa mga bakbakang pisikal.

a)

aksyon

b)

pantasya

c)

komedya

d)

katatakutan

e)

pag-ibig/romansa

7.

Uri ng pelikula kung saan ang mga nagsisiganap ay nagsasaad ng kasiyahan o totoong pagpapatawa

a)

aksyon

b)

komedya

c)

katatakutan

d)

pag-ibig/ romansa

e)

pantasya

8.

Uri ng pelikula umiikot ang kwento sa pag-iibigan ng mga tauhan sa pelikula.

a)

aksyon

b)

katatakutan

c)

komedya

d)

pag-ibig/ romansa

e)

pantasya

9.

Uri ng pelikula na humihikayat ng negatibong reaksyong emosyonal mula sa mga manonood sa pamamagitan ng pag-antig sa takot nito.

a)

aksyon

b)

komedya

c)

pag-ibig/romansa

d)

katatakutan

e)

pantasya

10.

Uri ng pelikula na nagdadala sa manonood sa isang mundong gawa ng imahinasyon, tulad ng mundo ng mga prinsepe/prinsesa, kwentong bayan o mga istoryang hango sa mga natutuklasan ng siyensya.

a)

aksyon

b)

pantasya

c)

komedya

d)

pag-ibig/romansa

e)

katatakutan

11.

Ang PELIKULA ay kilala rin bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan bilang isang anyo ng sining.

a)

TAMA

b)

MALI

c)

IWAN

12.

Ito ay isang uri ng pelikula.

Mga pelikulang nakapokus sa personal na suliranin o tunggalian, nagtutulak sa damdamin upang paiyakin ang manununod.

a)

PANTASYA

b)

DRAMA

c)

AKSYON

13.

Ito ay isang uri ng pelikula.

Ito ay isang pagganap sa teyatro na may sayawan, kantahan, drama, akting, patawa at iba pa.

a)

DRAMA

b)

HISTORICAL

c)

MUSIKAL

14.

Ito ay isang uri ng Pelikula.

Ito ay nagnanais na takutin o sindakin ang mga manunuod gamit ang MULTO, bangkay, o kakaibang nilalang.

a)

DRAMA

b)

KATATAKUTAN

(HORROR)

c)

KOMEDI

15.

Ito ay isang uri ng Pelikula.

ito ay nag-uulat sa balita, o mga bagay na may halaga sa kasaysayan, lipunan o pulitika. halimbawa: I WETNESS

a)

KOMEDY

b)

ANIMASYON

(Anime)

c)

DOKYUMENTARYO

(Documentation)

16.

Ito ay isang uri ng Pelikula.

Ang mga pelikulang ito ay base sa tunay na kaganapan sa kasaysayan.

Halimbawa: Dr. Jose Rizal

a)

Aksyon

(Action)

b)

Historikal

(History)

c)

Animasyon

(Anime)

17.

Ito ay isang uri ng Pelikula.

Ito ay nagdadala sa mga manunuod sa isang mundong gawa sa imahinasyon o imagination o mga kwento na hango sa mga natutuklasan ng sinsya.

halimbawa: DARNA

a)

PANTASYA

(FANTSY)

b)

DRAMA

c)

DOKYUMENTASYON

(Documentary)

18.

Ito ay isang uri ng Pelikula.

Ito ay nakapukos sa bakbakang pisikal. Maaaring hango sa tunay na tao o pangyayari, kathang isip lamang.

halimbawa: "Ang Probensyano" o Cardo Dalisay

a)

AKSIYON

(Action)

b)

PANTASYA

(Fantasy)

c)

DRAMA

19.

Ito ay isang uri ng SANGKAP ng pelikula.

Ito ay tumutukoy sa paglalarawan ng nilalaman sa pamamagitan ng pag-iilaw, galaw, at iba pang teknik sa kamera.

a)

SINEMATOGRAPIYA

b)

PHOTOGRAPIYA

c)

VIDEOGRAPIYA

20.

Ang mga sumusunod ay isang uri ng....

1. Nilalaman/Kwento

2. Pagganap

3.Sinematograpiya

4. Tunog at Musika

a)

MGA URI NG PELIKULA

b)

HINDI KO ALAM

c)

MGA URI NG SANGKAP NG PELIKULA

21.

Bagaman maikli lamang ay hindi madaling gawin ang patalastas.

a)

Tama

b)

Mali

22.

Sa pagbuo ng patalastas, ang unang hakbang ay dapat bumuo ng draft.

a)

Tama

b)

Mali

23.

Hindi kailangang magbasa ng mga patalastas.

a)

Tama

b)

Mali

24.

Dapat gawing mahaba ang patalastas upang makakuha ng atensyon ng mambabasa.

a)

Tama

b)

Mali

25.

Ang patalastas ay karaniwang sumasagot sa tanong na ano, sino, kailan, saan, at maaaring paano o bakit.

a)

Tama

b)

Mali

26.

Dapat na pag-isipan kung paano magiging maganda at kaakit-akit ang patalastas.

a)

Tama

b)

Mali

27.

Layunin ng patalastas na magbigay ng impormasyon.

a)

Tama

b)

Mali

28.

Siguraduhing kumpleto ang detalye ng patalastas bago ito buuin.

a)

Tama

b)

Mali

29.

Kahit anong patalastas ang buuin, hindi na kailangan pag-isipan kung anong patalastas ang nababagay sa pangangailangan.

a)

Tama

b)

Mali

30.

Mahalaga ang patalastas sa ating lipunan.

a)

Tama

b)

Mali

31.

Kumakain ako ng gulay araw-araw kaya ako ay malakas.

a)

sanhi

b)

bunga

32.

Mataas ang aking mga iskor kasi nakikinig ako palagi sa aking mga guro.

a)

sanhi

b)

bunga

33.

Maaga akong natutulog sa gabi kaya nakakapasok din ako nang maaga sa klase.

a)

sanhi

b)

bunga

34.

Madali kong mahanap ang aking mga gamit dahil inaayos ko ito palagi.

a)

sanhi

b)

bunga

35.

Maraming langgam sa mesa kasi naiwang bukas ang mga tsokolate.

a)

sanhi

b)

bunga

36.

Ang sarap ng luto ni Tatay kaya marami akong nakain na gulay.

a)

sanhi

b)

bunga

37.

Tayo ay ligtas at walang sakit kasi sumusunod tayo sa Stay at Home na utos ng gobyerno.

a)

sanhi

b)

bunga

38.

Madilim ang ulap kaya malakas ang ulan kanina.

a)

sanhi

b)

bunga

39.

Hindi ako palaging nagsesepilyo kaya nabulok ang aking ngipin.

a)

sanhi

b)

bunga

40.

Bumilis at humusay akong bumigkas sa wikang Filipino dahil palagi akong nagsasanay magbasa ng mga aklat na nasa Buribooks.

a)

sanhi

b)

bunga

41.

Piliin ang SANHI.

Nagkakaroon ng baha dahil ________________________.

a)

malalim ang ilog

b)

kaunti na lang ang mga puno

c)

malinis ang kalsada

42.

Ibigay ang BUNGA.

Nagtatapon ng basura ang mga tao sa dagat kaya ________________.

a)

namatay ang mga hayop sa dagat

b)

malinis ang dagat

43.

Piliin kung SANHI o BUNGA ang may salungguhit.


Laging nakikinig si Tim sa klase kaya nagkaroon siya ng mataas na marka.

a)

SANHI

b)

BUNGA

44.

Piliin kung SANHI o BUNGA ang may salulungguhit.


Masaya si Nanay dahil tinulungan ko siya.

a)

SANHI

b)

BUNGA

45.

Piliin kung SANHI o BUNGA ang may salungguhit.


Umiiyak ang bata dahil may sugat siya.

a)

SANHI

b)

BUNGA

46.

Ano ang salitang madalas na ginagamit upang matukoy ang SANHI.

a)

dahil o kasi

b)

kaya

47.

Ano ang salitang ginagamit upang matukoy ang BUNGA.

a)

dahil o kasi

b)

kaya

48.

Binigyan ka ng regalo ng ninong mo noong pasko. Gustong gusto mo ang damit na ibinigay niya. Ano ang iyong mararamdaman?

a)

iiyak

b)

masaya

c)

magwawala

49.

Mainit ang panahon. Hindi mo diniligan ang tanim sa paso. Ano ang maaaring mangyari?

a)

malalanta ang halaman

b)

magiging mabunga ang halaman

c)

magiging masaya ang halaman

50.

May maliit na ibon sa puno. Binato ito ng lalaki at tinamaan. Ano ang mangyayari sa ibon?

a)

masaya ang ibon

b)

mauhulog ang ibon

c)

malulungkot ang ibon

51.

Napakabilis ng takbo ng motorsiklo ni Ariel. Ano ang maaaring mangyari kay Ariel?

a)

siya ay madidisgrasya

b)

siya ay magiging masaya

c)

siya ay hindi mapapahamak

52.

Nasobrahan ang kain ni Marco ng kendi. Ayaw niyang kumain ng kanin at lutong ulam sa bahay nila.

a)

Matibay ang ngipin ni Marco.

b)

Malusog na bata si Marco.

c)

Matamlay ang pangangatawan ni Marco.

53.

Masipag si Helen. Inaalagaan niya ng mabuti ang kanyang mga bulaklak.

a)

Nalanta ang kaniyang mga pananim.

b)

Matataba ang kanyang mga bulaklak.

c)

Maraming mga ligaw na damo ang kaniyang tanim.

54.

Gabing-gabi na ay nanonood pa rin ng telebisyon si Gab. Pinatutulog na siya ng ina ngunit ayaw niyang sumunod.

a)

Maagang nagising si Gab.

b)

Nasiyahan ang nanay ni Gab.

c)

Nahuli sa pagpasok si Gab.

55.

May dalang mainit na sabaw na mangkok si Aling Cora. habang naglalakad, natapilok siya.

a)

Hindi napaso si Aling Cora.

b)

Naibigay niya ang sabaw sa kapitbahay.

c)

Natapon ang sabaw at napaso ang kamay ni Aling Cora.

56.

May butas na ang bubong ng bahay nina Aling Nena. Hindi niya ito naipagawa sa kaniyang asawa. isang araw, bumuhos ang malakas na ulan.

a)

Nagsasawalang bahala si Aling Nena.

b)

Basa ang ibang mga gamit sa loob ng bahay.

c)

Naitago nila ang mga gamit sa kabinet.

57.

Hindi nag-aral si Melissa ng kaniyang aralin at kinabukasan ay mayroong pagsusulit.

a)

Mababa ang makukuha niya sa pagsusulit.

b)

Makakapasa siya sa pagsusulit.

c)

Gaganahan siyang kumuha ng pagsusulit.

58.

Napakadilim ng kalangitan.

a)

Tila uulan nang malakas.

b)

Marahil ay makulimlim.

c)

Baka makapal ang ulap.

d)

Siguro ay nagtatago ang araw.

59.

Yumayanig ang bulkan!

a)

Baka gumalaw ang lupa.

b)

marahil ay lilindol.

c)

Waring puputok ang bulkan.

d)

Tila nagising ang bulkan.

60.

tahimik at tulala si Raniel.

a)

Baka maysakit.

b)

Siguro ay may problema.

c)

Marahil walang pera.

d)

Tila may kaaway.

61.

Nakahiga lamang si Lina kanyang katre maghapon.

a)

Marahi ay may sakit.

b)

Tila inaantok.

c)

Siguro may problema.

d)

Baka tinatamad.

62.

Nabitiwan niya ang dalang bag nang makita ang ambulansiya sa tapat ng bahay nila.

a)

Marahil ay nagtaka siya.

b)

Siguro ay nasabik siya.

c)

Baka nangamba siya.

d)

Tila nabigla siya.

63.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng piksyon na teksto?

a)

Alamat ng Mangga

b)

Ang Langgam at Tipaklong

c)

Si Heneral Gregorio del Pilar

d)

Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas

64.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng di-piksyon na teksto?

a)

Ang Makasaysayang Pook ng Cebu

b)

Alamat ng Araw, Buwan at Bituin

c)

Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa

d)

Ang Pagong at ang Kalabaw

65.

Tukuyin ang uri ng teksto sa ibaba.


"Ang Buhay ni Rizal sa Dapitan"

a)

Piksyon

b)

Di-Piksyon

66.

Tukuyin ang uri ng teksto sa ibaba.


"Bakit Dala-Dala ni Pagong ang Kanyang Bahay?"

a)

Piksyon

b)

Di-Piksyon

67.

Tukuyin ang uri ng teksto sa ibaba.


"Tula para kay Ina"

a)

Piksyon

b)

Di-Piksyon

68.

Tukuyin ang uri ng teksto sa ibaba.


Ang Mensahe ng Sto. Papa sa mga Tao ngayong COVID 19



a)

Piksyon

b)

Di-Piksyon

69.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat makasama sa pangkat ng mga teksto?

a)

Ang Puno ng Buhay

b)

Ang Sulat mula sa Sto. Papa

c)

Ang Buhay ni Luis Antonio Tagle

d)

Ang Talambuhay ni San Juan Bosco

70.

Ito ay tekstong naglalayong magbigay ng totoo at tunay na impormasyon o pangyayari sa buhay ng isang tao.

a)

Piksyon

b)

Di-Piksyon

71.

Ito ay mga kuwentong kathang-isip o sariling imbento ng manunulat.

a)

Piksyon

b)

Di-piksyon

72.

Tukuyin ang uri ng teskto sa ibaba.


Ang Alamat ng Bulkang Taal

a)

Piksyon

b)

Di-piksyon

73.

Ang kupunan namin ay NANALO sa paligsahan kahapon lamang. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

Nagbunyi

b)

Nagalit

c)

Nagwagi

74.

Labis ang SAYA ng aming pamilya nang isilang ang aming bunsong kapatid na si Andrew. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

Galit

b)

Ligaya

c)

Pighati

75.

Hindi namin napansin ang SULIRANIN na kakaharapin sa susunod na buwan. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

Problema

b)

Ligaya

c)

Solusyon

76.

Ang kanyang paniniwala ay TALIWAS sa kanyang inaakala. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

Tama

b)

Baliktad

c)

Kopunan

77.

Simula nang lumipat sa probinsiya sina Dante ay PAYAPA na ang kanilang pamumuhay. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

magulo

b)

masalimoot

c)

tahimik

78.

Gusto kong kaibigan si Karlo dahil siya ay ALISTO sa lahat ng oras. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

alerto

b)

mahina

c)

mabagal

79.

Simula noong nagkapandemya, SUSPENDIDO muna ang operasyon ng aming planta dahil sa kakulangan ng materyales. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

Kanselado

b)

Nagawaran

c)

Nabilhan

80.

Dahil sa kanyang angking galing, NAGAWARAN si Gabriel ng pamunuan ng kumpanyang kanyang pinagtatrabahuhan. . Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

Pinatawag

b)

Pinagalitan

c)

Pinarangalan

81.

Isa siya sa mga SINIBAK sa panunungkulan dahil sa laganap na korapsyon sa kanilang departamento. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

tinanggal

b)

iniluklok

c)

ibinahagi

82.

Maraming mga antigong bagay ang NATUKLASAN ng mga eksperto sa bansang Egypt mula sa sinaunang sibilisasyon. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

Napasok

b)

Nilusob

c)

Nalaman

83.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang mga sundalo at SINALAKAY na nila ang kuta ng mga bandido. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

Napasok

b)

Nilusob

c)

Nalaman

84.

Masayang HUMALILI si Bernardo bilang tagapangasiwa ng buong departamento sa kumpanya. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

tinanggal

b)

pinatalsik

c)

pumalit

85.

Marami ang NAGULANTANG sa balitang pumanaw na si Diego Maradona na isang magaling na manlalaro sa larangan ng football. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

natuwa

b)

nabigla

c)

natakot

86.

Sa edad na anim na po, PUMANAW na ang sikat na atletang Argentinean. Ano ang magkasingkahulugan ng salitang nasa malaking titik?

a)

isinilang

b)

pinarangalan

c)

namatay

87.

Mabangis ang aso ng aming kapitbahay. ano ang kahulugan ng mabangis?

a)

mabait

b)

matakaw

c)

matapang