Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 6 - Aspekto at Pokus ng Pandiwa

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Si Yorme ay tatakbo bilang presidente sa darating na eleksyon. Ang salitang may salungguhit ay nasa aspektong

a)

Perpektibo o Naganap

b)

Imperpektibo o Nagaganap

c)

Kontemplatibo o Magaganap

2.

Ikinagulat ng buong mundo ang giyera sa Ukraine at Russia.

a)

Pokus sa Sanhi

b)

Pokus sa Tagaganap

c)

Pokus sa Gamit

d)

Pokus sa Tagatanggap

3.

Kinain niya ang karne hanggang sa buto na lamang ang matira. Ang pangungusap ay ginamitan ng pokus na _______.

a)

Tagaganap

b)

Layon

c)

Tagatanggap

d)

Ganapan

4.

Sina Nanay at Rhea ay mamimili sa Divisoria bukas. Ang pokus ng pandiwa ay ________

a)

Gamit

b)

Tagaganap

c)

Direksyon

d)

Sanhi

5.

Ipinanghuli niya ng mga isda ang lambat.

a)

Gamit

b)

Layon

c)

Tagatanggap

d)

Tagaganap

6.

Alin sa mga sumusunod ang pandiwang kontemplatibo o magaganap?

a)

umaakyat

b)

aakyat

c)

umakyat

d)

inakyat

7.

Ang bagong silid ay pinagsanayan nila ng kanilang sayaw. Ano ang pokus ng pandiwa?

a)

Aktor o Tagaganap

b)

Layon

c)

Ganapan

d)

Gamit

8.

Alin ang pandiwa sa pangungusap?


Ang mga mababangong bulaklak ay nilagay ni inay sa malaking plorera.

a)

mababango

b)

bulaklak

c)

nilagay

d)

malaki

9.

Malinaw na _______sa klase si Ronald ng balita kanina.

a)

ulat

b)

nag-ulat

c)

umulat

d)

nag-uulat

10.

Alin sa mga sumusunod ang pandiwang imperpektibo o nagaganap ?

a)

gumawa

b)

gumagawa

c)

gagawa

d)

gagawin

11.

Pinasyalan ng mag - anak ang Baguio. Ang pokus ng pandiwa ay ________________.

a)

Direksyon

b)

Ganapan

c)

Tagatanggap

d)

Layon

12.

Ang paulit-ulit na pag-akya’t baba ni Mercy sa hagdanan ay ikapapayat niya. Ano ang pandiwang ginamit sa pangungusap?

a)

paulit - ulit

b)

pag-akyat

c)

ikapapayat

d)

hagdanan

13.

___________ ang mga palayan dahil sa biglang pagbaha sa kanilang lugar

a)

Lulubog

b)

Lumulubog

c)

Lumubog

d)

Ilubog

14.

Pinagtamnan ng palay ang bukirin. Ang pokus ng pandiwa sa pangungusap ay _______.

a)

Tagaganap

b)

Layon

c)

Ganapan

d)

Gamit

15.

Tukuyin kung anong aspekto ng pandiwa ang nakasalungguhit na salita.


Kaluluto lamang ni ate ng aming hapunan.

a)

Naganap o Perpektibo

b)

Katatapos

c)

Magaganap o Kontemplatibo

d)

Nagaganap o Imperpektibo